Maaga pa ay hinanda na ni Uno ang mga dadalhin sa biyahe. Inilagay niya ang mga bote ng tubig at softdrinks sa likod ng sasakyan, maging ang mga tinapay at chichirya. Inisip pa niya kung may nakalimutan pa ba silang dalhin.
"A!" naalala niya. "Ang carrier ni Fifi!"
Paglingon ay nagulat siya sa biglaang presensya ni Wiz. Dahil madilim-dilim pa, at may kaputian ang pinsan at naka-overall white pa ito ay inakala niya na white lady ang nagparamdam.
"Anak ng..." halos humiwalay ang kaluluwang niyang nasabi. "Bakit ba ang creepy mo na naman ngayon?"
"Tutuloy pa ba tayo?" may pagkabahalang naitanong nito. Umihip ang malamig na hangin at umalulong ang alagang chihuahua ng kapitbahay kaya mas naging makapanindig-balahibo ang atmosphere.
"Oo naman! Bakit parang windang ka?"
"Baka pwede, sa ibang araw na lang..."
"Bakasyon din nina Mike mula sa eskuwela at na-reschedule ko na ang mga engagements ko. Wala naman akong makitang dahilan kung bakit kailangang i-cancel. May problema ba?"
Kumurap-kurap ang mga mata ni Wiz habang malalim na nag-iisip. Nag-alinlangan siya kung nararapat ba na ikuwento ang masamang panaginip niya na may kinalaman kay Uno. Medyo nakakaramdam siya ng kaba sapagkat simula pa noong bata, nagkakaroon siya ng mga dream sightings ng mga trahedya, aksidente at kalamidad na halos lahat ay nagkatotoo lahat.
May ganoong kakayahan man ay nananahimik na lang siya sapagkat ayaw naman niyang takutin ang mga tao sa mga usaping may kinalaman sa "kamatayan". Kadalasan, kung posibleng mailigtas ang mga naroon sa masamang pangitain, ginagawan niya ng paraan upang mailigtas. Kung hopeless cases katulad ng massive eartquake, pinapasa-Diyos na lang niya iyon.
Subalit, ang naging pangitain ngayon ay may kinalaman ang pinsan na parang kapatid na niyang ituring. Isa iyong vision na hindi niya maaaring palagpasin.
"Ako ang magmamaneho, OK?" suhestiyon niya na mas pinagtaka ni Uno. Medyo tamad at antukin kasing mag-drive si Wiz sa mahahabang biyahe kaya halos hindi siya makapaniwala sa pagboboluntaryo nito.
"Sigurado ka?"
"Oo naman!" pilit na pinasigla ni Wiz ang tono ng boses upang hindi na mag-alala pa ang pinsan. "Maghahanda na ako ng almusal habang nagre-ready kayo! Sakto alas siyete, aalis na tayo!"
Habang nasa biyahe ay maingay silang nagkakantyawan. Shookt na shookt si Alfa dahil hindi niya inaasahan ang sobrang kakulitan ng magpipinsan.
"Ang mga lalaki nga naman, kapag nagsama-sama ay parang mga bata at napakagulo!" tahimik na naisip pa niya.
Ganoon man ang sitwasyon ay aminado siya na nakaka-enjoy silang makasama. Hindi niya naramdaman na out of place siya dahil mga gentleman, kwela at madali silang mga kausap.
"Masanay ka na sa amin, ha," pagsingit ni Francis nang mapansin na tahimik ang katabi. "Sana ay huwag mong pagsisihan na pumayag kang maging girlfriend ni Uno. Matanong ko na rin pala, ano bang nakita mo sa kanya?"
"Destiny. Siya ang napakaganda kong 'destiny'." pagmamayabang ni Uno, kasabay nang pagkindat kay Alfa. Malawak na ngiti ang sumilay kaagad sa mga labi ng dalaga. Umusog siya palapit mula sa kinauupuan at nilahad ang kamay sa nobyo. Bilang tugon ay inabot iyon ng sinisinta at hinagkan.

BINABASA MO ANG
Semira Boys Series: Uno Emir (Completed)
RomanceSemira Boys Series: Uno Emir Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan. Dahil sa pangitain ng mapupungay na mga mata at maalindog na katawan ng binata, aksidenteng nabangga sa tore ng kury...