Kapitulo 24: Alfa, Nasaan Ka?

140 14 25
                                    

"Ang sakit-sakit ng heartbreak!" lumuluhang sinambit ni Uno. Lumagok siya muli ng alak at nagpatuloy sa pagdadalamhati. "Mas masakit pa kaysa sa ma-stuck sa traffic pero taeng-tae ka na! Mas masakit pa kaysa sa pagpapatuli at pagkatapos, nangamatis!"

"Napapalakas na ang tama mo, 'Tol." Tinapik na ni Wiz ang balikat nito upang damayan. "Tigilan mo na 'yan."

"Masama ba ang umasa," makapagbagbag-damdaming paninimula na niyang umawit.

"Masama ba ang umasa,
Na pagbibigyan ng tadhana ng wagas na pag-ibig?
Asang-asa ako na makakamit na ang nais,
Subalit, ang lahat ng pangarap ko ay naglaho at nagmintis.
Parang nilipad ng hangin na malinis,
At tinangay lang ng tubig sa kubeta.
A-wooh! Yeah! Yeah! Waaah!"

"Kuya, lasing ka na nga!" pagsasabi ni Mike habang nakatakip ang tainga. "Wala ka na sa tono! Practice-practice ka rin kapag may time!"

Hinatak niya ang suot na t-shirt ni Wiz at sumingha roon. Bangag na bangag na talaga siya sa dami ng nainom kaya anu-ano na ang nagagawa.

"Bakit lahat sila iniiwan ako? Lintik na sumpa 'yan! Wala naman tayong kasalanan diyan bakit nadamay pa tayo?" puno ng poot na sinumbat niya sa ninuno nila na naging dahilan ng pagkasawi sa pag-ibig. "Hinubad ko na ang lahat, pati shorts at brief ko! Katawan ko lang pala ang habol ng mga babae! Ang saklap! Akala ko naiiba si Alfa at hindi ako iiwan! Kung kaya magburlesk na rin ako sa harap niya, magbabago pa kaya ang isip niya kahit sandali lang? I miss her so much..."

May dumaan na ipis sa sahig kaya mas lalo siyang napaiyak.

"Fifi." Dinampot niya ang walang kamuwang-muwang na insektong napapadaan lamang. "Nasaan ang mommy mo? Pakisabi mo naman, hinihintay na siya ni daddy!"

"Hindi 'yan si Fifi!" sabay-sabay na pinaalala ng mga pinsan sa kanya.

Kumurap-kurap siya at pinilit na kilalanin ang ipis. Dumaloy lalo ang luha nang mapagtanto na maging si Fifi ay wala na rin sa bahay.

"Napakalupit ni Alfa! Pati baby namin, tinangay! Ipaglalaban ko 'yan ng joint custody!"

"Turukan na kaya natin ng pampakalma o pampatulog?" suhestiyon ni Mike na may pagkabahala. "Iba-iba na yata ang nakikita niya dahil sa dami ng nainom."

"Turok?" Tila ba nagising ang diwa ni Uno sa narinig. Yumakap siya kay Wiz at parang spoiled na batang umiyak. "Takot ako sa turok o mga tusok na 'yan! I don't want to be like Francis! Nakaka-trauma ang matusukan ng alambre sa puwet at ma-injection ng kung anu-anong gamot! Ayaw kong maturukan!"

"Hindi na," pagpapakalma ng kayakap. Sa higpit nang pakakayapos sa kanya ay tila ba mapupunit at mahuhubad na ang suot na t-shirt.

"Umayos ka na. Hindi ako makahinga, Uno!" pagpupumiglas na niya dahil tila ba wrestler ang kumakapit sa kanya.

"What happened to Francis gave me sleepless nights! Alam mo ba na kahit kay Jollibee takot ako? Baka tusukin ako ng paulit-ulit ng bubuyog na 'yun!"

Kaagad niyang napansin ang baso ng choco float na iniinom ni Mike na may logo ni Jollibee. Inagaw niya iyon at ihinagis palabas ng bintana.

"K-Kuya," mangiyak-ngiyak na nireklamo ng nakababatang pinsan. "Hindi ko pa nakakalahati iyon!"

"I don't care! No Jollibees in my house, do you understand?" mahigpit niyang pinagbilin. Nakita naman niya ang paper bag na may guhit ng nasabing bubuyog. Dinampot niya iyon at akmang itatapon muli palabas ngunit pinigil na siya dahil isang bucket pa ng chicken joy at tray ng spaghetti ang laman niyon. Naupo siya sa sahig at nagsimulang mag-tantrums.

Semira Boys Series: Uno Emir (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon