Kapitulo 8: Ang Rebelasyon

277 19 39
                                    

"Good morning Fifi," pagbati niya sa alagang ipis. Masayang gumalaw ang mga antenna nito nang marinig ang boses ng amo. "Ibibilad muna kita para may Vitamin D! Matagal ka na kasing hindi nakakalabas kaya magpaaraw ka muna!"

Paglabas sa silid ay lumingon-lingon muna siya upang siguruhin na wala sa paligid si Uno. Naisip niya na maaga pa naman at malamang ay tulog pa ito kaya walang problema kung ilalabas muna si Fifi. Iniiwasan kasi niya na makita ng iba ang baby pet at baka patayin din, katulad ng ginawa ng binata sa isang kaawa-awang insekto noong isang linggo. Pinatong niya ang garapon sa may garden table at nagsimulang nagwalis habang nagsa-sunbathing naman ang alaga.

Naaalala niya bigla na parang hindi pala natanggal ang saksakan mula sa plantsa kaya kailangan muna niyang balikan sa loob ng bahay.

"Wait lang, baby ko," pagpapaalam muna niya sa ipis. Isinara muna niya ang bote upang siguruhing hindi ito tatakbo palabas. "Papasok lang ako saglit, ha. Wait ka lang diyan."

Pakanta-kanta pa siya nang bumalik sa bakuran subalit pagtingin doon, natigilan siya nang mapansin na wala ang boteng pinaglalagyan ni Fifi.

"Fifi!" aligagang pagtawag niya. Naghanap pa siya sa ilalim ng mga upuan at damuhan ngunit hindi niya makita ang pinakamamahal na alaga. "Lumabas ka na! Masamang biro ito!"

"Anong hinahanap mo?" pag-uusisa ni Uno nang mapansin na kanina pa paikot-ikot ang dalaga.

"Nakita mo ba 'yun garapon dito?" maluha-luhang naitanong naman nito. "'Yun may butas-butas sa itaas at may kulay blue 'yun takip?"

"Oo," tugon naman niya. "Mga four liters ang laki?"

"'Yun nga! Nasaan?" pagpa-panic na nito.

"Tinapon ko. Dumaan kasi 'yun nangongolekta ng basura kaya isinama ko na sa sako," pahayag niya. "May matabang ipis pa nga, kadiri!"

Hindi inaasahan ni Alfa na napaaga pala siya ng gising at kanina pa nasa labas ng garahe. Nang makita ang waste management truck ng subdivision,  inilabas na niya ang mga basura at dinampot na rin ang bote na may nakapaloob na ipis.

Halos himatayin ang dalaga nang dahil sa nagawa nito. Kahit na nanghihina ang mga tuhod sa pagkabigla ay pinilit pa rin niyang kumilos upang hanapin ang truck ng basura.

"Sandali!" pagpigil ni Uno sa kanya. "Saan ka pupunta?"

Dahil sa pagmamadali ay hindi na niya nasagot ito. Dalu-daling lumabas na siya ng gate para iligtas si baby Fifi.

Kinuha niya ang cellphone upang malaman kung nasaan ang insekto. Maswerte siya at nalagyan ng micro chip ito kaya na-trace niya kaagad kung nasaan. Nasa kabilang barangay na pala ang truck kaya kailangan niyang magmadali bago matabunan ang garapon ng iba pang mga basura.

Nakisakay pa siya sa motor ng kapitbahay upang makarating sa kinaroroonan ng trak. Hindi pa nakakapreno ang sinasakyan ay tumalon na siya at nagsisigaw.

"Mga manong!" pagpapatigil niya sa mga kolektor ng basura. "Wait lang po! May kukinin ako!"

Sumampa na siya sa tuktok ng trak at nagsimulang maghanap. Pinagkaguluhan pa siya ng mga naroon dahil sa ginagawa niyang kakatwa.

Wala na siyang pakialam doon dahil ang tanging nasa isip niya ay ang mahanap si Fifi.

Pagkatapos ng paghahalungkat sa ilalim ng mga patong-patong na garbage bags ay matagumpay naman niyang nakita ang ipis na hilong-hilo na dahil sa kakagulong sa kinalalagyan nito.

"Baby!" may luha ng kagalakan na niyakap niya ang garapon. "Sorry na, hindi dapat kita iniwan!"

Gumalaw-galaw ang mga antenna ng kausap at maliksing umikot-ikot sa kinaroroonan bilang pahayag na maligaya itong makita muli ang amo. Lubos na natuwa naman si Alfa sapagkat maayos ang kalagayan nito at hindi naman pala nagtatampo sa kanya.

Semira Boys Series: Uno Emir (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon