Maaga pa ay may narinig na si Alfa na nagdo-doorbell. Pagsilip niya mula sa sala ay may nakita siyang magandang babae at mala-modelo ang itsura. Mestisahin ito at mala-hourglass pa ang hubog ng katawan. Mas nahalata ang kaakit-akit na pangangatawan nito dahil sa suot na pulang tube top at black skinny pants.
"Good morning, Ma'am!" pagbati niya habang papalapit sa may tapat ng gate kung nasaan ang bisita. "Anong kailangan nila?"
Tumaas ang kilay ng tinatanong at umismid nang makita siya. Imbis na sumagot nang maayos ay nagawa pa nitong magsuplada.
"Sino ka?" mataray na pagtatanong nito na ikinagulat ni Alfa. "Inuwi ka lang ba ni Uno kagabi? Is this a one-night stand?"
"H-Ha?" pagtataka niya na may halong pangingilabot habang patuloy sa pagbibintang ang estranghera.
"Siguro, nakikipag-flirt ka! Pinagsisiksikan mo lang ang sarili mo sa kanya!"
Kahit naman na todo ang panliligaw sa honeybunch niya ay hindi naman siya liberated katulad ng sinasabi nito. Seryosong relasyon kasi ang hanap niya at hindi mga pang-good time lamang. Ang ultimate dream pa naman niya ay magpapakasal muna sila ni Uno bago pa man may mangyari sa kanila. Kahit na kung minsan ay natutukso nga siyang sunggaban ito ay hindi naman niya gagawin, lalo na kung labag pa sa kalooban nito.
"Hindi ko kailanman pagsasamantalahan ang pagkalalaki niya!" pangangako pa niya sa sarili. "Ang cheap ko naman kung ipagpipilitan ko ang sarili sa kanya. Eeew kaya kapag ganoon!"
Ganoon pa man ay bahagya pa rin siyang namula nang ma-imagine ang future honeymoon nila.
"Ano kaya ang itsura ni love of my life ko kapag nakahubo't hubad sa dilim?" natatawa pa niyang na-imagine. "Siyempre, wala akong makikita kasi madilim. Haha! Adik ka, girl!"
"Hindi ka makapagsalita kasi totoo, hindi ba?" nagulat pa siya dahil sa paggising ng 'di kilalang babae sa kanya mula sa pagde-daydream.
"E, Miss. Mali ka ng inaakala. Kasam-"
"Anong kailangan mo?" paggambala na ni Uno sa usapan nila. Mabilis na gumalaw ang mga mata niya mula kay Alfa patungo sa babaeng naging parte ng kanyang nakaraan.
"Honey!" pagtawag na nito. Nang makita ang binata ay kaagad na naging malambing ang kanina lamang ay mapaghamon na pamamaraan ng pananalita nito. "Na-miss kita..."
"Sino itong bruha na ito?" tahimik na naitanong ni Alfa, gamit ang isipan. "Girlfriend ba niya? Naku, my loves! Malaking pagkakamali kung papatulan mo 'yan! Sa akin ka na lang, darling ko, hindi ka magsisisi!"
"You did miss me?" pagdududa ni Uno. "Alam ba ng boyfriend mo na narito ka?"
"Wala na kami," mahina nitong tugon. Mas lumapit pa ito sa gate at humawak sa mga barandilya na tila ba nagsusumamo. "Hindi mo ba ako papapasukin? I tried going in pero iniba mo na pala ang lock combination. Why?"
"Iba na ngayon, Zeta."
Sa tono ng pananalita nito ay naramdaman ni Alfa na mukhang may naging malalim na relasyon ang dalawa pero hindi naging maayos ang paghihiwalay. Papasok na sana siya ng bahay upang hindi na makialam sa privacy nila ngunit laking gulat niya nang maingat siyang hinawakan ni Uno sa kamay. Mataimtim siyang tinitigan sa mga mata nito na tila ba nakikiusap na huwag siyang iiwanan.
Hindi rin nakawala sa paningin ng dating nobya ang akto nito na dati-rati ay sa kanya ginagawa. Bumalik sa alaala niya na kapag nakakaramdam ng insecurity o pagkaaligaga ang ex, kumakapit din noon sa braso niya upang pandagdag kumpiyansa na hindi nga nag-iisa.
Nang mga oras na iyon, batid niya na iba ang pagtingin ni Uno sa babaeng kasama. Hindi man nararapat ay nabalot pa rin ang kabuuan niya ng selos dahil para sa kanya, hindi kaparapat-dapat si Alfa na maging bagong magmamay-ari sa puso ni Uno.

BINABASA MO ANG
Semira Boys Series: Uno Emir (Completed)
RomanceSemira Boys Series: Uno Emir Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan. Dahil sa pangitain ng mapupungay na mga mata at maalindog na katawan ng binata, aksidenteng nabangga sa tore ng kury...