Maaga pa ay narinig na ni Uno ang pag-ring ng kanyang cellphone. Tinakpan niya ang tainga gamit ang unan dahil bitin na bitin siya sa tulog.
Nanghihinayang siya sa naudlot na panaginip sapagkat abot-kamay na sana niyang maitali nang patiwarik si Varny, The Purple Dinosaur. Masamang-masama ang loob niya sa nasabing hayop dahil sa pagsira nito sa kanyang kabataan at pagbibigay sa kanya ng trust issues. Noong nasa kindergarten pa ay ang show nito ang palaging pinapapanood ng ina kaya akala niya ay kaibigan ito ng katulad niyang mga bata. Nang makatuntong na ng elementary, nagimbal siyang malaman na salbahe pala ito at hindi talaga sila mahal.
"Tsk! Malapit na malapit na, e!" nanlulumo na nasambit niya habang sinusubok ulit na makatulog. Subalit, desidido ang tumatawag sa kanya kaya nais man niyang balikan si Varny, napilitan na siyang bumangon at sagutin ang nangungulit.
Nang damputin ang cellphone mula sa katabing mesa ay nakita niya na ang pinsang si Luis pala ang maysala ng alanganing pagkagising niya. Nais man niyang ibalibag ang gadget sa inis ay nagpigil siya dahil mamahalin iyon at may sentimental value pa.
"Luis," pagsagot na niya sa tawag. "Ang aga-aga mo naman, 'Tol!"
"Solve na ang problema mo, cousin dear!" excited na pagbati nito. "Kaya na-excite ako!"
"Problema?" pagtataka niya sa pahayag nito. "Anong problema? Maaga pa at huwag mo sana akong ipa-prank dahil magagalit talaga ako!"
"Ang init naman kaagad ng ulo mo! Siguro, kulang ka sa vitamins!" pagbibiro pa ng nasa kabilang linya sapagkat alam na nitong may kasungitan nga si Uno kapag bagong gising. "Basta! Pumunta ka mamaya sa Black Swan Resto mamayang alas sais. May ka-date ka na!"
"Date?" Biglang nagising ang diwa niya sa binalita ng pinsan. "Paano? Wala naman akong naaalala na kikitaing babae."
"May nakita ako na reliable na 'dating app' daw," excited na pagmamalaki pa nito. "Magugulat ka kung sinong ipapares ko sa iyo! Big time 'to, Dude! Nagmula pa sa Italy!"
"Sandali! Ayaw kong makipag-date! I-cancel mo!" pagtutol sana siya sa plano ngunit pinutol na ni Luis ang tawag. Sinubukan niya itong kontakin ngunit unattended na ang cellphone nito.
"Nakakainis!" tiimbagang na pagrereklamo na lang niya. Isa pa naman sa pinakaayaw niya ay ang nirereto siya kung kani-kanino dahil base sa mga naging karanasan niya, sumasablay ang mga iyon.
Humiga siya muli at nagmuni-muni kung nararapat bang magpunta sa blind date. Wala pa naman siya sa mood na makihalubilo sa ibang tao mamayang gabi kaya medyo nairita siya sa nagawa ni Luis na wala man lang paalam. Nagkasunod-sunod din ang fan meeting niya kaya pagod na rin siya. Ang plano sana niya ngayong araw ay umuwi nang maaga pagkatapos ng car racing practice at magpahinga muna.
Isa pa na dahilan kung bakit gusto sana niya ng kaunting break ay napag-usapan nila ni Alfa na tuturuan niya itong magluto ng adobo. Kahapon kasi ay nagtangka itong magtimpla ng nasabing ulam subalit napasobra ang nilagay na suka kaya kilawin ang kinalabasan.
Nanghinayang siya dahil nais sana niya na makakwentuhan ang kakatwang kasambahay at mausisa pa ang pagkatao nito. Nais niyang malaman kung bakit mga pangbanyaga ang alam nito na mga putahe at tinapay, at mas pino pang kumilos kaysa sa kanya.
Marahil, pag-aanalisa niya, prinsesa talaga ito na nagkukunwaring kasambahay.
Nahihiwagaan talaga siya sa dalaga.
Sa taglay din nitong lakas at liksi na tila ba walang kapaguran ay mapapaisip kahit sinuman kung normal pa ba ito.
"Anu-anong na-i-imagine mo mo!" pagsaway niya sa sarili. "Baka marami lang siyang nainom na tiki-tiki noong baby pa siya kaya ganoon!"
BINABASA MO ANG
Semira Boys Series: Uno Emir (Completed)
RomanceSemira Boys Series: Uno Emir Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan. Dahil sa pangitain ng mapupungay na mga mata at maalindog na katawan ng binata, aksidenteng nabangga sa tore ng kury...