ALYANA GRACE'S POV
Nagising ako dahil sa pag uusap ni Faye at Kuya. Saan ako? sa tagaytay pa kaya ako? nanunuod kami ng seni ang huli kong aalala at nakatulog ako, tapos saan ba ako ngayon? shit bakit masakit ang ulo ko?! dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata. Color white ang paligid? Nasa langit na ba ako?
"Kuya ikaw po ba si San Pedro?"Sigaw ko bigla. Nabigla nalang ako ng tumawa si Kuya at Faye.
"Yana nandito tayo sa hospital nawalan ka ng malay. Tatlong araw narin ang nakalipas" sagot ni Faye na ikinabigla ko!
"Tatlong araw akong walang malay? ano ba kaseng nangyari sakin? bakit masakit ang ulo ko? may coma na ba ako? nasa tagaytay parin pa tayo? saan na sila Dylan? " sunod sunod na tanong ko
Pamilyar talaga! bakit parang may maalala ako pero parang nakalimutan ko ulit?!
"Easy lang Grace nandito na tayo sa Laguna, hindi na kami nag celebrate ng pasko dahil sa kalagayan mo" sabi ni kuya sabay upo sa tabi ko.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Kuya tumango tango naman ako.
"Yana umuwi na sila Dylan at Marky sa kanilang tahanan para mag cerebrate ng pasko. Nag aalala din sila sa'yo dahil sa umiiyak ka no'ng nawalan ka ng malay" paliwanag ni Faye habang ng babalat ng mansanas.
"Oh' ito kainin mo para madaling bumalik ang lakas mo" sabi n'ya sabay abot sakin ng platong may mansanas na hiniwa-hiwa.
"Salamat Bal" Ngiti ko
May gusto akong maalala pero sumasakit ang ulo ko kapag pinipilit ko!
---
Tumutulong ako kay Manang Celine sa pagluluto ng iba't ibang putahe para mamayang gabi kase mag babagong taon na. Magaling na din naman ako, limang araw na ang nakalipas bago ako nakalabas ng hospital.
Ang weird lang sabi ni Faye umiiyak daw ako bago mawalan ng malay? bakit hindi ko maalala? nakakalungkot mag babagong taon na pero hindi parin bumabalik ang alaala ko.
"Aray" usal ko ng nahiwa ng kutsilyo ang daliri ko, maliit lang naman pero sobrang hapdi!
"Yana hija juskomariajosep! ako na dito mag pahinga ka nalang mukhang masama ang 'yong pakiramdam, 'yan tuloy na sugatan ka." Nag-aalalang sabi ni Manang.
"Opo manang, mauna na ako." sagot ko at nag lakad na ako papunta ng silid ko.
Kinuha ko ang aking gitara at nag umpisa na akong umawit. I love singing! gumagaan ang pakiramdam ko kapag kumakanta ako.
"Two old friends
Meet again
Wearin' older faces
And talk about the places
They've been" Panimula ko habang dinadama bawat lyrics. May kunting lungkot at kirot akong naramdaman. Maybe I feel bereavement! Hindi ko namalayan lumuluha na pala ako at parang may pumapasok na alaala ngunit agad ding nawawala bukod doon ay sobrang labo pa.... the heck?Agad kong pinunasan ang mga luhang patuloy parin sa pag-agos. Siguro dahil ako ay lubos na nangungulila sa pagmamahal ng aking magulang, sobrang miss ko na sila. Parang sinisisi ko ang aking sarili sa pagkawala nila na hindi ko rin naman maunawaan kung bakit?
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
JugendliteraturAlyana Grace Reyes is the girl suffering with her life, She was a chosen victim of the fate, she reached that extent where she wanted to give up on her life. She is lucky enough for having a best friend, like a sister; still, she is unlucky for love...