Kabanata 8

17 9 0
                                    

Enjoy reading my cutreass! I'm so happy! I'm in chapter 8, I couldn't imagine this before but I made it! This is my first story. Kung gumawa kasi ako ng story noon ay hanggang chapter 1 lang haha! share ko lang.

---------

ALYANA GRACE'S POV


Naiirita na talaga ako sa mag jowang ito. Pinapainggit nila ako, hindi naman ako naiinggit no. Nag papalitan sila ng matatamis na salita at palaging hinahalikan ni Marky si Faye sa pisngi. Ang sweet. Pero supportive best friend naman ako no!

"Ang daming langgam! kinakagat ako!" I yelled

"Saan ang langgam?" Tanong ni Christian

"Ayyyyy" natawa ako at inirapan s'ya. Hindi n'ya naman sinakyan ang trip ko.

"Nandito ang mga langgam kinakagat nila ako!" sigaw ni Christian. What? Is he really serious?

"Stop that, para kang tanga" Wala sa mood na sabi ko. Nag tatawanan na ngayon ang mag Jowa.

Pinsan ni Marky si Christian kaya palagi na kaming magkasama kapag nasa gala ang dalawa. Natahimik nalang ako, at napatingin sa kawalan.

"Girl nandito lang pala si christian oh, look kasama n'ya pa ang mga malandi!" sigaw ni Reign.

"Kasama n'ya pa ang ex ko! bagay nga sa kan'ya ang mangolikta ng basura" mataray na sabi ng impokritang Kimyuri. Kakainis na talaga ang pagiging immatured nila.

Hindi nalang namin sila pinansin.

"Tol, tara gala tayo?" Sabi ng kasintahan ni Reign na si Dave. Nakaupo kasi kami ngayon sa malapad na bench dito sa park. Nag iisang tambayan namin.

"Sige, Sumama kana sa tropa mo" sabi ko sa kan'ya.

Si Kim si Lance naman ang jowa, hanep! baka bukas si Dave naman.

"Tol bilis na, mag tatampo na kami sa'yo!" saad ni Lance. Tiningnan naman ako ni Christian, tinanguan ko naman s'ya. Tumango naman ako.

Dahan dahan s'yang tumayo at sumama sa tropa n'ya. Hindi na sila nanggulo dahil nakuha na nila si Christian.

---

"Ang pag ibig konggg itooo luhaa ang nakamit buhattt sayoooo" kanta ko habang nag lalakad pauwi ng bahay. Wala na talaga ako sa mood. Sarap tumakbo papunta sa pinakamalayo na lugar.

"Butiking walang panty!!" sigaw dahil sa bigla. Ginulat ako ni Christian. Hyss "ikaw talaga bakit nang gugulat ka!?" bulyaw ko sa kan'ya, panay naman ang tawa ng mukong. Hindi na talaga nakakatuwa.

"Hindi naman ako butiking walang panty!" natatawang sabi n'ya at patalon talon pa s'ya na parang tipaklong. Hyss para s'yang bata!

"Ewan ko sayo!" Sigaw ko sa kanya at nag patuloy lang ako sa pag lalakad.

"Hintayin mo ako!"

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon