Kabanata 6

15 11 0
                                    


ALYANA GRACE'S POV



Natapos lang ang klase ay may saya parin ang mukha ko. Hindi naman siguro mapupunit 'tong labi ko sa kakangiti no? hindi lang talaga ako maka get over sa sinabi sakin ni Dylan.



-Flashback-

Kumikinang ang aking mata habang minamasdan si Christian at syempre dito na rin sila mag aaral. Araw araw ko ng makita ang mga idolo ko. Fan girl ako kaya ko ito nararamdaman.

Kahit kailan talaga! mahilig makisawsaw ni Kim. Kahit sa kaniya na si Christian! Basta akin si Dylan. Panay nga dikit n'ya kay Christian, paano kasi kaklase pa namin at yung Reign naman panay landi kay Dave mabuti nalang may Marky na si Faye kung wala baka kanina pa sila nag rambulan ni Reign.

Panay ang papicture nila sa tatlo. Parang gusto ko rin magpa picture kay Christian. Wala pa naman ang teacher namin kaya carry lang.

Tumayo ako at mag lalakad na sana ako kaso may humawak sa aking kamay. Muntik na akong mahimatay sa spark. Dahan dahan ko s'yang tiningnan. Si Dylan! Nakakasindak ng tingin n'ya.

"Saan ka pupunta?" malamig na tanong n'ya. Kinikilabutan tuloy ako.

"Ahh mag papa-picture lang sana ako kay C-Christian" kinakabahang tugon ko. Bigla n'ya nalang ako hinila pabalik sa upuan ko. Katabi ko kasi s'ya, ang sakit ng pwet ko. Luko talaga 'to!

"Then let's take a selfie. He's not that famous para magpapicture ka sa kaniya." Seryosong sabi n'ya na kinabigla ko. Tila paulit-ulit na nag-eecho sa isipan ko ang sinabi n'ya.

Isipin ko sanang nag bibiro s'ya, ngunit seryoso talaga ang pananalita n'ya at mukha.

"Ah-eh a-ano ba ang pinagsasabi mo?" utal na tanong ko. Wala naman sa aming nakapansin dahil tutuk na tutuk sila sa celebrity.

"Pagnasabi ko na, hindi ko na inuulit." naka ngiting sabi n'ya. Ha? ang sama n'ya!

Napatungo nalang ako dahil namumula na talaga ang dalawang pisngi ko. Narinig ko nalang na tumawa s'ya ng mahina.

-End of flashback -

"Oh Yana bakit? bakit namumula ka? may sakit ka ba?" asked ni Faye. Hinawakan n'ya pa ang leeg at noo ko kung may lagnat ba. Umiling lang ako at ngumiti.

"Kwento ka naman d'yan" saad n'ya na may panunuksong tingin. Tumikhim naman ako at nag kwento sa kaniya.

"He's probably like you!" Irit ni Faye. Namula naman ako. I hope so!

"Hmm Faye kwento ka naman. Ang daya mo eh ako nag kwento tapos ikaw hindi" nakangusong sabi ko.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon