Alyana grace's POV
No'ong New Year, I thought hindi na ako makakagising pero kinabukasan noon ay nagising akong yakap ng aking Nobyo. That day mas lalo kong na feel yung pagmamahal nila sa akin. Si Marky at Faye ay nanatili lang para alagaan ako, tinulungan nila si Dylan at dinamayan ang kalungkutan. Sila ang dahilan kung bakit mahirap lisanin ang mundo, pagod na pagod na rin ako. Gusto ko ng makasama sa libingan sina AMA, INA at KUYA.
Isang buwan narin ang nakalipas, kasama ko ngayon si Baby Brent rito sa Park, Buti nalang at pinayagan kami ni Dylan na lumabas, kaya ko pa naman eh. Hindi namin kasama si Dylan dahil may lakad rin s'ya, ayaw n'yang sabihin kung saan pero sabi n'ya may surpresa s'ya samin sa pag uwi n'ya! Na excite tuloy ako!
"Mom, alam mo ba kanina no'ng bumili ako ng cotton candy ay may nakita akong babae. I think, kaedaran n'yo rin." Malungkot na sabi ni Brent sakin. Na curious naman ako dahil bakit n'ya sinasabi sakin.
"N-Naawa ako sa kaniya. Pwede ba natin s'yang puntahan? Sige na Mom. Gusto ko s'yang pasayahin!" Masiglang sabi ng Bata. Nasa sampong taong gulang palang si Brent, nakakatuwa ng katangian ng batang ito.
"Sure Baby." I smiled, natuwa naman s'ya saka ako marahan na hinila. Habang naglalakad kami ay maraming alaala ang bumabalik sa aking isipan. Dito, ito ang Parke na madalas naming puntahan ni Fayeche. Dito rin kami madalas na puntahan at sugurin nila Reign at Kimyuri. Kamusta na kaya sila? Si Reign? Galit parin ba s'ya sa akin?
"Mommy ayon s'ya!" Tinuro n'ya ang babaeng malungkot na nakaupo sa old bench. She looks familiar! Owwww si Reign?
"I-I know her." Maikling sabi ko. S'ya nga! Ang payat na n'ya masyado, sa bagay parehas lang kaming pumayat. Dahan dahan kaming lumapit sa kaniya, agad n'ya kaming napansin saka tiningnan ng may pag tatanong. She looks pale, is she sick?
"R-Reign, how are you?" I smiled. Hindi s'ya ngumiti pabalik, saglit s'yang napahawak sa kaniyang dibdib na parang hirap na hirap s'yang huminga at ibuka ang labi n'ya para magsalita.
"Are you okay ate?" Brent ask her.
"A-Alyana." She said weakly saka napatingin kay Brent at napatango lang. Naupo kami ni Brent sa tabi n'ya. Tahimik lang si Brent na nakatingin kay Reign. Is he admired Reign? Nakikita ko sa kaniya mga mata ang pagkamangha.
"I-I am so t-thankful to see you here." She smiled. She's weird, bakit s'ya thankful? Hindi na ba n'ya naaalala na ako ang dahilan kung bakit natigil ang kasal nila ni Marky? Ako rin ang dahilan kung bakit hindi s'ya masaya ngayon.
"Hindi ka na ba galit sa akin?" I asked her. She just smiled weakly and just stared at me.
"I-I can't stay any longer Alyana." Matamlay n'yang sabi. Is she really sick? Is she also sick?!
"I-I want to marry him, I want to be his wife before I die." Nakatingin sa kawalan n'yang sabi. Si Marky ba ang tinutukoy n'ya?
She suddenly hold my hand and look straight on my eyes.
"D-Dahil sayo nakalaya si M-Marky mula sa aking makasariling intensyon. Thank you, ngayon ko lang na realized na mali ako noon." She smiled. Namumuo ang mga Luha sa mata n'ya, hanggang ngayon ba ay Mahal n'ya parin si Marky?
"R-Reign, ano ba ang pinagsasabi mo?" I asked confusedly
"I-I am d-dying. M-May sakit ako sa P-Puso." She said difficulty. Maari pa naman s'yang gumaling kapag may Heart Donor pero siguro nawawalan na s'ya ng pag asa. Kung mahina ako, ay mas nanghihina s'ya. If she's really dying then bakit hindi s'ya binigyan ng pagkakataon na makilala ang taong para sa kaniya? Ang lungkot pero mas masakit sa setwasyon ko.

BINABASA MO ANG
Maybe This Time
Teen FictionAlyana Grace Reyes is the girl suffering with her life, She was a chosen victim of the fate, she reached that extent where she wanted to give up on her life. She is lucky enough for having a best friend, like a sister; still, she is unlucky for love...