Chapter 12

27 11 1
                                        

Alyana grace's POV


Masaya ako habang pinagmamasdan sina Marky at Faye. Finally, nahanap na nila ang happiness nila sa isa’t isa. Worth it lahat ng ginawa ko. She deserves it.

Habang masaya ako para sa kanila, may gumugulo naman sa isip ko. Si Reign. Alam kung may mali.... kailangan ko rin siyang maka-usap... I need to help her too… kahit papaano.

1st monthsarry namin ni Dylan ngayon, we can still together until the end of course. Maybe End for our life or end of the world.

Pinaupo ko si Dylan sa gitna ng lugar, kung saan naka-focus ang red light. Umupo rin ako saglit, pero tumayo ulit.

"Magbabanyo lang ako." paalam ko.

Gusto kong gawing special ang araw na ‘to. Napaka-special niya sa puso ko.

Nagbihis ako ng red dress hanggang tuhod at black sandals. Loose lang ang buhok ko, simple but classy looks ba. Gusto ko sana ng black dress, pero may kakaiba akong feeling kapag naka-black ako. Parang pumapasok sa isip ko na… katapusan ko na. Na para bang nag-uudyok yung kulay na ‘yon na tapusin ang buhay ko tuwing sobrang lungkot ko.

Kanina ko pa hinanda ang piano sa maliit na stage habang nasa banyo si Dylan.... habang busy rin sina Faye at Marky sa pagmo-moment.

Agad akong naglakad papunta sa switch at pinatay ang ilaw. Perfect timing.

"Manang, after one minute po… pakibukas ng ilaw." sabi ko sa maid ni Dylan.

"Opo, Ma'am." sagot niya.

Umupo ako sa piano, binuhay ang mic, at nagsimulang mag-strum ng keys. Sakto namang bumukas ang ilaw. Napatingin ako kay Dylan... he looked surprised.

Ngumiti ako.

I can play the piano. Natuto ako no’ng bata pa ako. Kapag malungkot ako, doon ako bumabaling... sa musika. Sa piano, sa gitara at sa pagkanta.

"Happy one month of love… b-babe." halos paos ang boses ko.

I started singing Promise by BTS... Park Jimin.

Honja jjujeo anja Saenggag man keojyeoga…

Si Dylan ang lalaking para sa akin. Kaya gusto kong kantahin ang kantang ito.... promise. Mahilig ako sa BTS, I mean fan girl ako. Hinahangaan ko ang talento nila. Pero hindi ko pinangarap magmahal isa man sa kanila. Kasi kahit anong gawin ko.... hindi magkakaroon ng kwento.

Neodo apeujanha 'cause you’re mine…

I looked at Dylan. He was crying like a baby.

Napangiti ako. God, I love him.

"WOW ANG GALING MO!!" sigaw ni Faye habang naka-focus ang camera sa akin.

"Ipapakita ko ‘to sa co-ARMY natin! Wahhh!" tawa niya.

I just smiled.

I want you to be your light, baby…

Hindi alam ni Dylan na fangirl ako, pero sana suportado niya ako. Tumulo ang luha ko... not from sadness, but happiness.

Nang matapos akong kumanta, lumapit ako kay Dylan. Namumula ang mata niya.

"I love you." bulong niya bago ako niyakap.

Please, wag ngayon… wag akong umubo…

Pero hindi ako sinunod ng katawan ko.

Umubo ako. At shit.... may dugo.

Wala akong panyo. At mas malala, napunta ang dugo sa white polo ni Dylan because I touched it.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon