Alyana grace's POV
Until now naguguluhan ako dahil sa sinabi ni Christian kahapon. I couldn't believe! Is he love me?
Nasa kalagitnaan kami ng pagkaklase ng biglang dumating si Faye at Kimyuri. Napatingin ako sa kanila, namumugto ang mga mata ni kimyuri nahahalata na kakagaling n'ya sa matinding pag iyak.
"Y-Yana. W-Wala na s'ya" naiiyak na sabi ni Faye. HA?
"What do you mean Faye?" I asked her
"S-Si I-Ian." Naiyak s'ya sa harapan ko. Maging si Kimyuri ay nag umpisa nading umiyak. Nasa amin ang atensyon ng lahat at may pagtataka ang mga mukha.
"Na--Naaksidente s'ya" iyak ni Faye, naupo s'ya sa tabi ko dahil nanginginig na s'ya. I don't get them!
"Dinala s'ya sa hospital pero agad din s'yang binawian ng buhay"patuloy n'ya.
Humagulgol si Kimyuri. Ngayon ko lang s'yang nakita na ganito, Ex s'ya ni Christian kaya hindi na ako nagtataka.
"Te-Teka nga! Di ko maintindihan e!" Agad na sigaw ko. " Tumigil nga kayong dalawa sa kakaiyak! umupo nalang kayo at mag aral huwag 'yung kung ano ano ang sinasabi n'yo." natawa pa ako at inirapan sila.
natigil kami dahil dumating si Marky. Niyakap n'ya agad ang umiiyak na nobya, Doon ko nalang na realized na totoo ang sinabi ng dalawa!
Napayuko ako at inalala ang huling usapan namin ni andong.
"I will always love you Grace"
Napapikit ako at hinayaang dumaloy ang aking mga luha.
'Ang daya mo dong! Di ka man lang nag paalam!'
Napaubo ako at kahit anong gawin ko ay ayaw ng matigil. Hiningal din ako dahil sa pag ubo at pag iyak. Lumapit sakin si Faye at agad akong niyakap. I can't breath!
Unti unting nag dilim ang paningin ko, sa pagkakataon na ito ay alam kong malala na ang sakit ko.
No'ong dinilat ko ang aking mga mata ay nakikita ko ang puting paligid. NO! sisigaw na sana ako pero naramdaman ko na merong nakayakap sakin. Napa tingin ako sa kanya, Sobrang amo ng mukha n'ya! Si Dylan. Naiyak ako ulit habang minamasdan ko ang mukha ng aking nobyo, I love him so much.
Wala na akong lakas para tumayo. Sobrang hina ko na, merong nakalagay sa oxygen sa ilong ko.
Mula bata ako ay sobrang hina na talaga ng lungs ko, mas lumala ito noon dahil sa mga nalalanghap ko na usok mula sa sigarilyo ng ibang tao. Lalo na sa iskwater ay sari sari ang amoy na nalalanghap ko. I'm so hopeless
" I love you babe. Don't leave me"
Napatingin ako kay Dylan na nagsalita na tulog. I hold his hand and bring it on my lips and immediately kiss his cold hand.
"I love you Captain." Ngumiti ako ng pilit at hinimashimas ang kaniyang buhok.
Kahit sobrang nanghihina ako ay tumayo ako. Kinuha ko lahat ng nakakabit sakin. Kailangan kong puntahan si Christian. Kailangan naming mag usap! Hindi na s'ya iba sakin. Hindi n'ya pa alam na sobrang mahalaga s'ya sakin, I love him as my old brother. Palagi n'ya akong inaalagaan noon kaya dapat bumawi ako!
Dito s'ya sa hospital at nagpapahinga diba? Kaya pupuntahan ko s'ya! Kahit mahina ako dapat hanapin ko s'ya!
Iniwan ko muna ang natutulog kong nobyo. Sobrang nahihirapan na akong maglakad dahil sa paninikip ng aking dibdib at ayaw matigil ng pag ubo ko.

BINABASA MO ANG
Maybe This Time
Teen FictionAlyana Grace Reyes is the girl suffering with her life, She was a chosen victim of the fate, she reached that extent where she wanted to give up on her life. She is lucky enough for having a best friend, like a sister; still, she is unlucky for love...