Special Chapter

9 1 0
                                    

Dylan Keith Lopez 's POV

Matapos siyang namatay, pakiramdam ko nasa tabi ko lang siya. Araw araw, Gabi gabi pakiramdam ko andito lang si Alyana Grace sa tabi ko. Mahal na Mahal ko siya, kahit ngayong wala na siya.

5 years had been passed, and yes I am pilot now.

Tama ba ang nakikita ko? Nakangiti siya sa akin sa bawat achievement ko? Pinadala ba siya dito ng deity para samahan ako? O sadyang illusion lang ang lahat? Nakikita ko siyang bigla nalang nakatanaw sakin, pero alam kong illusion lang siya, kaya't nakatitig lang ako sa kaniya.

Ito ang unang beses na gusto ko siyang kausapin.

"Hi kamusta kana? Kalika dito Wife, hawakan mo ang kamay ko, huwag mo akong titigan lang." Ngiti ko sa kaniya. Tahimik lang siyang nakaupo sa silya at nakatingin sa akin ng blangko.

"Dad? Nababaliw kana ba?" Narinig kong sabi ni Brent

I am not crazy.

Kinabukasan ay biglang pumasok si Brent sa kwarto ko kasama ang taong nagasuot ng puti. He's a doctor.

"A-Ah meet Dr.Felix, he's a psychiatrist Dad. Kailangan mo ng treatment, hindi na biro ang pinapakita mo Dad." Nag aalalang sabi ni Brent.

Nag iillusion lang ba ako? Hindi. Si Alyana ay andito lang sa tabi ko, simula no'ng gabing Iniwan niya ako hangggang ngayon andito lang siya sa tabi ko.

"Hindi ako baliw Brent. Bakit ka nagdala ng psychiatrist dito?" Malamig kong sabi. Malungkot naman akong tiningnan ni Brent.

"What's your symptoms Sir?" Tanong sakin ng Doctor. Wtf?!

"Doc, andito ngayon ang Asawa ko, hindi mo ba nakikita? Ayan siya nakatingin sa akin!" Sigaw ko

Napailing iling sakin ang Doctor. Hindi siya illusion, totoong andito lang sa tabi ako si Alyana.

"Illusion isn't a joke Mr.Lopez." Sabi niya sakin.

"Take this medicine. You have to forget her. Wala na dito sa mundo ang Asawa mo." Sabi niya pa. Ano ba ang alam niya? Para sa akin andito lang sa tabi ko si Alyana!

Tinanggap ko ang gamot at pinaalis na ang doctor. Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin ng iba. Para sa akin, buhay parin ang Asawa ko.

She's my angel. And she's with me right now.

"I am sorry Dylan." She said seriously. " You have to forget me in this world. See you in the paradise." She smiled. Totoo na ba ito? Si Alyana na ba talaga ang nasa tabi ko ngayon. Hinahaplos niya ang aking mukha. Pero ng hawakan ko siya ay para lang siyang multo na walang laman at mga buto.

"This is my proper goodbye." She smiled

"Huwag ka munang umalis please." Pakiusap ko

Sobrang sakit ng dibdib ko. Napahawak nalang ako dito. What's wrong with my heart? Ito ba ang ang sagot sa panalangin ko. Gusto ko ng makasama si Alyana. Nakakamatay pala ang labis na pangungulila.

"Makakasama rin kita. You have 13hours left." Ngiti sakin ng babaeng mahal ko, babaeng tinatangi ko, at babaeng kahit sa kabilang buhay ay mamahalin ko.

13hours left? I am going to die. Wala ng silbi ang buhay ko kung hindi siya kasama, sa loob ng 5 years hindi ako naging masaya dahil wala si Alyana sa tabi ko.

Pinatawag ko si Brent dito sa aking kwarto.

"Yes Dad? Bakit ang putla mo? May sakit ka ba?" Tanong niya sakin

"Brent listen. Mag aral kang mabuti, lahat ng ari arian ko ay Ikaw ang tagapagmana. Mabuhay ka ng masaya at hintayin ang true love mo. Sa mundong ito, suwerte ka kung makasama mo ng mas matagal ang taong mahal mo, suwerte ka kung magkasama kayo hanggang sa pagtanda. Brent please, be healthy. Kung sino man ang babaeng mamahalin mo, huwag mong hayaan na dupuan siya ng sakit, hanggang sa maaari ay araw araw kayong magpa check up para sure na wala kayong sakit." Nakangiti kong sabi kay Brent. Hindi ko nagawa ay Alyana lahat ng sinabi ko kay Brent. Kung bigyan pa ako ng pangalawang pagkakataon, babaguhin ko ang lahat. Gagawin ko ang lahat sa una palang para humaba ang buhay namin ni Alyana pero huli na ang lahat.

Ginawa ko naman ang lahat pero hindi ko na siya nailigtas at iyun ang biggest regrest ko.

"Dad naiiyak ako sayo. Parang nagpapaalam ka." Naiiyak na sabi ni Brent.

"Brent, naiinggit ako kay Faye at Marky kasi nakikita ko sa kanilang dalawa na tumanda sila na magkasama at inlove parin sa Isa't isa. Iyan lang ang pangarap ko na pinagkait sa akin. Ang magmahal kami ng Asawa ko hanggang sa pagtanda pero mas maaga siyang nawala." Nanghihina kong sabi

"Dad naman. Diba sabi mo nasa tabi mo lang si Mommy?" Naiiyak niyang sabi

"Sinusundo na niya ako." Ngiti ko sa kaniya. Masaya ako na mawala dito sa mundo.

Nanghihina na ang lahat, ang katawan ko ay sobrang hina na, hindi ko na kayang labanan ang antok. Matutulog na kami ni Alyana ng sabay sa mundong ito.

"B-Brent. Matu-tulog n-na ako." Napahawak ako sa aking dibdib.

Narinig ko ang iyak ni Brent. Pinipilit niya akong gumising at idilat ang mata.

"Dad, I love you! Thank you so much for everything—for saving me and loving me. Mahal ko kayo ni Mommy."

I love you too, Brent. Ikaw Ang naging gift namin ni Alyana sa mundong ito' gusto kong sabihin pero wala na akong lakas

Napangiti ako ng nilahad ni Alyana ang kaniyang kamay. Hinawakan ko naman ang kamay niya, at sumama ako sa kaniya.

Hindi na kami maghihiwalay. Ito na ang happy ending naming dalawa.

-------

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon