Kabanata 2

35 13 1
                                    

Alyana Grace's POV

I just kept walking and didn't look back. Tumpak, kahit paano may alam ring English to utak ko.

"Oh? Yana bakit hindi kapa kumakain?" Tanong sakin ni Faye. Nandito kami ngayon sa restaurant nag hahapunan. Nagtataka siguro dahil ang takaw ko tas hindi ko na nagalaw ang pagkain sa harapan ko. Naiisip ko parin ang pangyayari kanina!

"Kakain na nga." Sabi  ko sabay lantak ng letchong manok may papikit-pikit pa habang sumusubo. Hindi sana maulit yung kanina!

"Ang sharap *chump* shana sinabi mo agad!" Sabi ko kay Faye habang ngumunguya pa.

"Sira ka talaga Yana! Hinay hinay naman para kang asong patay gutom eh." Natatawang saad ni Faye. Inirapan ko nalang s'ya. Hindi naman ako asong PG. I just love eating, what is wrong with that?

"Busog na ako" Wika ko habang hinihimas himas ang tiyan. Naglakad nalang kami patungong park, since ang boring naman.

"Bal kilala mo ba yung dalawa na nakasabay natin sa eroplano?" tanong sakin ni Faye sabay hawak sa kamay ko habang naglalakad.

"Ah, yung Dylan ba 'yon? nagkita na kami ng bakulaw na yun sa church kanina lang Bal. Naligo kase ako sa ulan at nabangga ko s'ya. Nabigla nga ako e' hinawakan n'ya yung braso ko at kinaladkad papuntang shed." Pag kwe-kwento ko kay Faye.

"Gosh? Wee? So ibig sabihin concern s'ya sayo? so ibig sabihin gusto----" hindi na n'ya natapos ang kan'yang sasabihin dahil nag salita na ako.

"Heeeep! hindi no! sabi n'ya sakin hindi n'ya ako gusto, sira ka talaga! alam mo Faye bagay kayo nung kasama n'ya. " saad ko with taas kilay pa.

"Sira ka! Ang brutal mo" Sigaw naman n'ya at inirapan pa ako.

Hindi namin namalayan na nandito na pala kami sa park. Medyo madilim narin 'di bale marami namang mga lights at kay ganda. Iba iba ang kulay, Ang dami ding mga couples, mga bata, mag tropa at mag Best friend. December na kasi, palapit na ang pasko, 5 days to go. Tiningnan ko saglit ang wrist watch ko 6:01 PM na pala.

"Bal bili tayo ice cream" Pagyaya n'ya.

"Ikaw nalang bumili Bal libre mo nalang ako." saad ko sabay puppy eyes

"Tamad mo talaga! Sige na nga hintayin mo ako dito ha?" sabi n'ya, tumango naman ako. Sa hindi kalayuan natatanaw ko naman yung dalawang sira ulo. Sino pa ba? Waittt!! Sila nga! wahh! bakit sila andito?

Yung Dylan! At Marky Lee

May kasama pa silang dalawang babae. Kahit sa malayuan kitang kita parin ang kanilang ganda. Yung kasama ni Dylan, maganda naman medyo may katangkaran, maputi ang kaniyang balat at kulay chocolate ang kulot n'yang buhok. Infairness  malaki yung ano nya ---- basta hahahaha! Pero mas maganda yata ako sa kan'ya.

Bakit ganito medyo may kunting kirot sa puso ko t'wing titingin ako sa kanila? Mukhang mag couple nga yung Marky at babaeng kasama n'ya. Ewan ko lang kung GF ba ni Dylan yung girl baka alalay haha o kaya best friend? Ewan.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon