Alyana Grace's POVNabigla nalang ako dahil niyakap n'ya ako ng mahigpit. Sobrang lakas din ng tibok ng puso ko. Hindi ko pwedeng maramdaman ito dahil hindi na ako ang dating Alyana na uto-uto at hindi na ako ang dating AG na hindi mabuhay kung malayo sa kaniya.
Bakit pa s'ya bumalik?
"S-Sorry for everything I've done b-babe" he whispered
Ano? nag sosorry s'ya? mabubura ba ng sorry n'ya ang lahat? mawawala ba lahat ng hirap na pinagdaanan ko? ano pa ang silbi ng sorry n'ya!
Humiwalay na s'ya sa pag yakap sakin. Lahat ng tao ay nakatingin samin at nakikitaan ng gulat ang kanilang mga mata. Nawala narin ang iritan ng mga babae at nakatingin silang lahat samin. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Nabigla nalang ako ng lumapit sakin si Faye at hinila ako.
"S-Sir excuse me. Uuwi muna kami ng kaibigan ko may sinat pala s'ya!"sigaw n'ya pero nahila na n'ya ako palayo sa lalaki.
"Ikaw na babae ka! ilang beses na kitang sinabihan na kalimutan mo na ang lalaking iyon! masasaktan ka lang! kahit kailan ang tanga mo parin! kung buhay pa ang kuya mo baka ----haytsss nvm!" putak ni Faye. para s'yang nanay ko pero sanay na ako sa kaniya.
"P-Pero s-sya naman ang yumakap sakin! wala akong sinabi na kong ano sa kanya!" Malamig na sagot ko
"Pinapaalala ko lang sayo na huwag kang mag tiwala sa kan'ya." Sabi n'ya at binitawan ako. Tumango naman ako at ngumiti.
"B-Bal mag papahangin muna ako, naguguluhan ako e' sana maintindihan mo ako" malalim na sabi ko. Tumango naman s'ya at ngumiti.
Thank you faye
---
Nagtungo ako sa tahimik na lugar, andito ako ngayon sa ilalim ng narra, naka upo ako sa maliit na tabla. Hilanghap ko ang sariwang hangin, naguguluhan ako.
Kung ang kapalaran ang susundin ko ay mas mabuti ng layuan ko si Dylan, pero kong ang puso ko ang susundin ay handa itong makinig at mag patawad. Pero kapag ang puso ko ang aking susundin maaaring masaktan kami pareho sa laro ng tadhana.
"B-babe"
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat no'ng narinig ko ang boses ni Dylan.
Andito sya? pero bakit pa? bakit kailangan n'ya pang lumapit? bakit kailangan n'ya pa akong saksakin ulit ng matulis n'yang tinik. Pero kong ang puso ko ang aking susundin ay handa s'yang tanggapin ang sakit.
Dahan dahan ko s'yang nilingon, madaming nag bago sa kanya. Naging matured ang kaniyang gwapong mukha. Dapat ba akong makinig? O dapat na akong lumayo? Ano ba dapat? Ayaw kong maging tanga.
Nabigla nalang ako dahil may tumutulong luha sa kan'yang mga mata. Bakit kong tingnan n'ya ako ay parang napaka inosente n'ya!?
Tumayo ako at tiningnan ko s'ya ng matigas.
"It's been a long time since I saw you, you looks matured and strong woman" english n'yang sabi. Malalim ang boses n'ya, he changed a lot. Sabagay doon s'ya nanatili sa states. yeah I am!
"H-How are you? I'm sorry for everything I had done with you Y-Yana. I'm sorry if I am too late, I came back for you" dumaloy sa pisngi n'ya ang mga luha. Sa pagkakataong ito ay pipiliin ko ang puso ko na hayaan s'yang mag paliwanag. Kapag tatakbo ako maging komplikado lang ang lahat at mas lalong humahaba ang mga dapat na mangyayari.

BINABASA MO ANG
Maybe This Time
Fiksi RemajaAlyana Grace Reyes is the girl suffering with her life, She was a chosen victim of the fate, she reached that extent where she wanted to give up on her life. She is lucky enough for having a best friend, like a sister; still, she is unlucky for love...