Love or Duty 2

314 14 1
                                    

              It's been a week now since makausap ko si dad and mom. They talked to me about me going with mom sa isa sa mga opreation tulong sa nga nangangailangang tao sa mga liblib ng lugar lalo na at isang doctor si mom while dad is running for presidency dito sa Pilipinas.

To be exact I need to go sa medical mission nina mom dahil laging wala ako sa mga ganitong bagay because I'm always out of the country. Ayaw ko manang isipin na isa itong campaign dahil matagal na itong gawain ng mga magulang ko since mga bata pa kami ng mga kapatid ko tulad ng mga ibang taong nag-iisip nito.

My brothers have their own activities to do or responsibility like Oscar who has his own family now then si Sam naman sinundan ang yapak ni dad na mag-business kaya sya ang namamahala ngayon ng business na pinagmulan nina dad, and lastly si Fred ang nakakatandang kapatid namin na may pagkamakulit at pilyong ugali ay di ko aakalaing susundan ang yapak ni dad sa politika.

Of my three brothers si Fred lang ang walang love life ay mali pala kasal na sya! Kasal sya sa trabaho nya!

Matindi rin ang inis ko sa kanya dahil sya lang naman ang nagsuggest kina dad na pasamahin ako sa medical mission na ito! What's more worst is that hindi ito basta-bastang liblib na lugar na malayo sa city but malayo na nga sa sibilisasyon isa pa itong island!

Don't get me wrong na maarte na maarte ako... well, ok may kaartehan nga ako, pero di nga talaga akong sumasama sa mga ganitong operation. I'm ok kung saan sa Luzon pa kami mag-medical mission kasi kahit papaano may signal at isang tawag ko lang makukuha ko ano man ipakuha ko. Ok na rin sa akin if makisalamuha sa mga tao be it rich or poor walang problema di ako mag-eenarte dahil alam kong di kami magtatagal.

Pero itong medical mission na ito? No, I want to strungle my good kuya Fred dahil we will stay there for a week!

I know it's an island at baka marelax at ma-enjoy ako doon but even then I don't care! Nawala nga ang trauma ko dito sa Pilipinas but that doesn't mean di pa rin ako natatakot. I'm still afraid no, lalo na ngayon na running for president si dad!

"Here..." rinig kong sabi ng umabot sa akin jacket. "Namumutla ka na at..." hinawakan nya kamay ko. "Inumin mo 'tong coffee ng mainitan ka at di nilalamig."

Napatingin ako kay Jillian kaya nga personal maid ang tingin ko sa kanya eh... v. 2 nga lang my PA/Body guard ko sya.

"Don't worry gawa yan sa bahay nyo si nay Rita nagtimpla nyan and if you want more marami pang laman ang dala kong-"

"W-wait! Wait! What do you mean by that? Gusto mo ba akong mamatay sa nerbyos?"

"It's what calms you sa tagal ng pagbantay ko sayo. Eh... kung ayaw mo naman..." inilahad nya ang right hand nya. "Akina yan at doon ka sa tabi ng mom mo wag dito sa gilid kung saan ka lalamigin at mababasa."

"Ano to ibibigay mo tapos kukunin din sa huli?" Mataray kong tanong at akmang tatayo para pumunta kay mom.

Ayaw ko ring makipagtalo pa sa taong ito dahil alam kong bangayan ang uwi... well, ako lang naman dahil sya mahinahon pa rin sya sasagot sa akin kahit na sigawan ko pa sya sabihin pa ng mga tao dito na saan ba ako nagmana?

Eh, ako pa nagmukhang masama. Haist... lagi na lang mainit ulo ko sa kanya.

I admit we could be friends gaya ng iba ko rin naging bantay noon. Some of them became my friend kaya nakukuha ko silang pagtakpan ako kay dad.

Ayon when dad knew about it gusto silang tanggalan ng trabaho good thing napakiusapan ko si dad na wag na lang at itransfer sila pag nakahap na sya ng kapalit but sadly almost three years ago nahanap ni dad si Jillian.

Di nga kumukontra si Jillian sa mga pinaggagawa ko at naging utusan ko pa sya pero laging report ng report kay dad nasaan ako.

She is a good girl naman after ng mas makilala ko sya. Matulungin at magalang na syang tao but like I said before di tulad ng mga dati kong bantay there seems a wall between her and the people around her kaya naiinis ako lalo naman if nakikita ko at ramdam kong she puts down her guard around dad pag walang nakakakita.

Love or DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon