Araw ng linggo. Prenteng prente si Lizang natutulog sa isang kutchon na nilatag niya sa sahig. Dinadamdam niya every inch ng oras para naman ay mabawi niya ang kanyang lakas. Nakakuha na siya ng bagong boarding house at malapit lang yun sa pinapag trabahuhan niya.
Buti nalang ay napdapad siya sa isang kalye na malapit lang doon. Nakita siya kaagad ng matanda na tinulungan niya sa cafe. Ibinalik kasi ni Liza ang pera nito na walang hinihinging kapalit. Kaya naman inalok siya nito sa kanyang sariling boarding house.
Nung una ay ayaw rin pabayaran ni Aling Rosela ang tatlong buwang upa niya. Pero shes refuse. Mas pinili nalang nitong bigyan siya ng discount kaysa sa hindi siya nito pagbayarin ng tatlong buwan.
"Kahanga haanga ka talaga." Ika ni Aling Rosela.
"Nako alam ko ho na nagangailangan din kayo ng pera. Malaking kawalan po yun pag tatlong buwan akong hindi magbabayad. Kaya po wag nyo akong alalahanin. Pinautang po ako ng boss ko." Ika niya.
"Okey kung yan ang decision mo." Ika naman ng matanda.
Then nung gabi ring yun ay agad siyang naglipat. Hindi naman yun mahirap sa kalagayan niya dahil isang malaking bag lang naman at isang electric fan ang pag mamayari niya. Nag bigay naman si Aling Rosela ng isang kutchon para pag higaan niya. Malamig daw ang sahig pag gabi kaya naman eh baka magkaroon siya ng pulmunya.
Mas swerte si Liza ngayon. Sa halos anim na buwan kasing pagmamalupit na naranasan niya kay Aling bebang tungo sa boardig house nito ay talaga namang masasabi niyang she's free and ready for another game of her life.
Bigla namang may kumatok sa pintuan niya. Medyo naalingpungatan pa siya dahil sa sunod sunod na pagkatok nito.
"Teka lang." Ika niya habang ayaw pang bumangon.
Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya kaagad doon si Mavic. Naka simpleng shirt lang ito at may mga dalang isang bayong ng pagkain.
"Ang aga mo ata! Kakatext ko pang sayo kagabi ahh. Na locate moto kaagad?"
"Sus! Ako pa eh galaera yata ito. Saka may friend ako dito dati. kaya lang eh nag abroad na." Pagkekwento niya.
Nilapag ni Mavic ang dala dala niyang isang malaking plastic bag. Napapapikit pa si Liza na tinignan niya yoon. Isa itong naka prepare na breakfast meal para sa kanya.
"Wow ang dami naman yata nito?''
"Oo naman dapat lang na mag celebrate tayo dahil may bago kanang boarding house at naalis kana sa puder ng halimaw mong landlord."
Napatawa si Liza sa sinabing yun ni Mavic. Tama nga naman siya dapat ay magbunyi sila dahil para siyang natanggalan ng tinik sa kanyang lalamunan.
Binuksan na ni Mavic ang isang container na naroon. Mula doon ay agad na sumaboy sa hangin ang amoy ng friedrice na talaga namang katakam takam.
"Lets eat!" Yaya niya rito.
Tinikman ni Liza ang handog ng kanyang loyal friend sa kanya. Una niyang kinuhaan ang colorful na friedrice na ginawa nito sabay kanin din ng isang tapa na talaga namang wellmade.
Kitang kita sa mukha ni Liza ang saya. Buhat kasi ng pagtitipid niya para lang mabayaran si Aling bebang dati sa upa ay mabubusog na sa wakas ang kanyang sikmura ng mga totoong pagkain. Dati rati rin kasi ay lagi niyang ginigisa ang sikmura niya ng walang katapusang pritong itlog, Instant noodles at crackers.
"Oyy dahan dahan lang. Hindi kita uubusan. Nag didiet ako.'' Pag bibiro ni Mavic.
"Pasensya na ahh. Hindi ko mapigilan eh."
BINABASA MO ANG
Cream and Honey (Book 1) NATHAN (Soon to be Publish)
RomantikIsang malaking trouble ang nangyari sa buhay ni Liza magsimula ng makilala niya ang hambog na si Nathan. Nagawa niya itong suntukin sa pinagtatrabahuhan nitong Cafe dahil narin sa angas ng binata. Pagkatapos nun ay sunod sunod na ang pag papahirap...