Nakaramdam ng pagkahilo si Liza habang tinitignan niya ang operation ng Cafe kinaumagahan. Habang siya ay nakamasid sa mga bagong gawang cakes sa may kitcken ay bigla na lamang siyang natumba malapit sa working area. Agad agaran siyang dinala ng isa niyang staff sa may office. Pinaupo siya doon at agad na nilakasan ang lamig ng aircon.
Ipinag pahinga niya muna ang kanyang sarili. Sa kanyang palagay ay baka napagod lamang siya dahil sa ginawa nilang catering nung nakaraan. Nag gawa kasi sila ng halos one hundred pieces ng mini cakes at tatlong layer ng pondant cake para sa isang engrandeng kasalan.
Huminga siya ng malalim sabay buga ng paunti unti. Pinupunasan din niya ang kanyang noo dahil sa mga mumunting pawis na lumalabas doon. "Ano bang nangyayari sa akin?" Ika niya. Halos magdadalawang taon na silang kasal ni Nathan. Masaya naman siya sa kanilang pag sasama at pag mamanage ng bagong branch ng kanilang Cafe sa Thomas Morato. Hindi parin niya maiwasan ang pag babake ng mga cakes. This is her Passion. Sa kanya nagmumula ang mga new ideas para sa mga bagong cake creations at design na inilalabas ng cafe nila.
Dahan dahan namang bumukas ang pintuan ng office. Mula doon ay bumungad sa kanya ang mukha ni Nathan na nakangiti. Dinalahan pala siya nito ng korean stuffed chicken. Ito pa kasi ang ni rerequest niya kahapon pa kaya lang eh sa sobra niyang busy ay nakalimutan nitong bumili.
"Ohhh What happened?" Sa pag aaala nito.
"Nako wala lang to. Nahilo lang ako." Sa matamlay parin niyang pagkakasabi.
Agad niyang inaro ang asawa. Hinimas himas niya ang ulo nito. "Sabi ko kasi sayo eh na huwag mo ng kunin yung catering services nayon. Tapos yan nag kakasakit kana."
"Okey nga lang ako." Sabya haplos naman sa kamay nito.
"Ayy hindi magpapatingin ka sa doctor. Baka kung ano nayan."
"What? Ayoko nga Hon.. Baka pag pahingahin lang niya ako." Nag iba ang mukha ng binata. Nilapitan niya ito at nilambing lambing. "Honey. Sige na. Magpatingin kana. You need it." Sabay halik nito sa pisngi niya.
"Tsk! O sige sige. Pero kakain muna ako ng dinala mo. Okey bayun?
Ngumiti lang si Nathan sabay sabing. "OK."
X~X~X
Pagkatapos ng ilang eksamen kay Liza ay naghintay sila sa waiting area ang Saint Lukes Hospital. Habang sila ay naghihintay ay hindi naman maalis sa dalawa ang pag haharutan. Kinikiliti ni Nathan ang asawa, Habang sinusuklian naman niya ito ng kiliti rin. Para silang mga bata. Nakatingin lamang ang mga tao sa kanilang ginagawa ngunit hindi nila iyon iniinda.
Makalipas ang trenta minutos ay tinawag sila muli ng Doctor. Normal ang mukha nito pag pasok nila ng kwarto. Banaag sa mukha nito na tila may seryoso itong sasabihin. Nakakabahala iyon sa parte niya.
"Ahhm Doc. Ano po ba ang Result."
"Ahmm Liza. Sad to say but. I suggest na magpahinga ka muna sa pag wowork. I think in a month..."
Nagkatinginan silang dalawang mag asawa. Ano nga ba ang sakit niya at bakit siya pinapatigil nito sa pag tatrabaho?
"Doc pwede nyo bang direchahin mo na kami." Sa nababahala niyang tinig.
Bigla namang ngumiti si Doctor Rod. Bigla na lamang nag iba ang ora nito na ikina confused naman nila.
"Ahmm nothing to worry about...Congratulations Mrs. Liza.. You are two weeks pregnant."
"Hoooo!"
Nagkatinginan silang muling asawa. Nagkayakapan at tila shocked na shocked parin sa kanilang mga narinig. Ultimo ang doctor ay nakayap ni Nathan sa sobrang tuwa nito. Paulit ulit na isinisigaw sa hallway ng ospital na isa na siyang becoming daddy.
X~X~X
Pagka uwi ng bahay ay agad na tinrabaho ni Nathan si Liza. Tinaggalan niya ito ng sapatos, Ipina upo sa may sofa, Minasahe, Pinainom ng juice at kung ano ano pang paraan na angkop sa isang precious na serbisyo.
"Ano kaba hon ang OA OA mo!" Angil nito.
"Bakit naman? Dapat lang na pag silbihan kita. Lalo na ngayon na dala dala mona yung magmamana ng Cafe natin." Sabay luhod nito sa harapan niya at halik sa kanyang tiyan. Hinamas himas niya iyon. Tinapat pa niya ang kanyang tenga doon na tila ay buong buo na ang bata. Natawa naman si Liza. Tuwang tuwa rin siya sa inaasta ng kanyang asawa.
"Alam mo Hon. Nung unang kita ko sayo. Nakakinis ka talaga. Kasi ang hambog hambog mo. Tapos pakiramdam ko eh nababastos moko."
Napatigil si Nathan. Lumapit siya kay Liza at tumabi dito. "Eh ngayon ano ng tingin mo sa akin?" Hinawakan niya ang mukha nito. Tinignan ang mga mapupungay nitong mga mata at sinabi. "Ngayon. Na ikaw ang pinaka Mabait, Gwapo, at Mapag mahal na asawa na hinding hindi ko ipag papalit sa tanang buhay ko."
Bigla nalang umiyak si Nathan. Namula kaagad ang mga mata nito sabay labas ng kakaunting luha doon. "Salamat." Ika niya.
"Hindi Hon. Ako dapat ang magpasalat sayo." Sabay luha niya rin.
Pagkatapos nun ay nagyakapan sila. Dinama nila ang init ng katawan ng bawat isa hanggang sa humigpit yun.
"Ooy ooy teka teka!" Ika ni Nathan sabay bitaw nito ng pag kakayakap.
"OHH bakit?" Tanong naman kaagad ni Liza.
"Yung baby natin baka maipit.." Sa siryoso nitong mukha. Muli ay nag kasalubong ang kanilang mga tingin sabay tawanan nilang dalawa.
WAKAS.
BINABASA MO ANG
Cream and Honey (Book 1) NATHAN (Soon to be Publish)
RomanceIsang malaking trouble ang nangyari sa buhay ni Liza magsimula ng makilala niya ang hambog na si Nathan. Nagawa niya itong suntukin sa pinagtatrabahuhan nitong Cafe dahil narin sa angas ng binata. Pagkatapos nun ay sunod sunod na ang pag papahirap...