Miss dito po ba yung Global Bakers Corporation?" Tanong ni Liza sa customer service ng Citadel building. "Yes Maam!" sa nakangiti nitong sabi. "Just go Maam to the fifth floor then theres a receptionist maam to assist you." Ngumiti lang si Liza rito. "Salamat."
Nagpunta kaagad si Liza sa may malapit na elevator. Pinindot niya ang button na nagsasabing pataas sabay bukas ng pinto nito ng mahigit isang minuto. Habang nasa loob siya nito ay hindi niya mapigilang mangamba. Sa tototoo niyan ay ng like lang siya sa facebook ng isang page. Ang page na ito ay tungkol sa mga pagbabake ng cake. Nakita niya iyon sa newsfeed niya na ni like din ng kaibigan niyang si Mavic.
At kaninang umaga lang ay may ng Personal message sa kanya na sinasabing siya daw ang nanalo sa free one month training para daw ma enhance ang kaalaman niya sa pag ba bake ng cake.
Nung una ay hinid niya lang ito inintindi. Ngunit ng makausap niya na mismo si Mavic tungkol dito ay siya na mismo ang nagpatunay. Kwento kasi ni Mavic na meron siyang kaibigan na ganun din ang nangyari. Nag like din siya sa facebook page ng Global Bakers Corporation at napili rin siya nito upang magkamit ng free traning.
Pagkabukas ng elevator ay biglang binungad kay Liza ang isang babae na ka blue scarf. Binati siya nito at kaunting tumungo. "Good evening maam."
Nikayad siya kaagad nito at hinila siya nito sa isang mala office na kwarto. Malaki yun. Pagpasok nila sa loob ay nakita niya kaagad ang mga magiging kaklase niya na naghihintay sa mga mono block na upuan. Sa harapan naman nila ay makikita mo ang isang mahabang lamesa.
Umupo na siya. Napatingin siya sa kanyang katabi at nginitian naman siya nito. Ngumiti rin naman siya rito.
"Miss tinawagan karin?"
"Oo. kaya lang ngayon lang ako nakapunta Akala ko kasi scam." sagot niya.
"Noo. its a big no! Hindi ito scam. Ahhm Actually eh yan din akala ko nung una. Pero nung sinubukan ko eh okey naman pala." Pagpapaliwanag nito.
Maganda ang babae. Medyo wavy ang buhok nito na blondy. Nilatag naman nito ang kamay nito kay Liza sabay halatang makikipag kamay ito.
"Im Mediline Rosales. Pero Meddy nalang for short."
"Im Liza." Pakikipag kamay niya rin dito.
Maya maya pa ay dumating na ang magtuturo sa kanila. Dahan dahan itong pumasok sa pintuan ng kwartong iyon na parang pa suspense type pa. Nahulog naman ang bagang niya dahil napaka gwapo ng kanilang teacher ng gabing yun. Hindi niya matanggal ang tingin niya dito. Lalo nat nakakaagaw ng pansin ang mala brown eyes nito at mahabang pilik mata. Sabayan pa natin ng mapupula nitong labi at maputing balat.
"What do you think? Gwapo diba?" Tanong ni Meddy rito.
"Absolutely!" Na hindi na napigilan ang paghanga.
Nag theory lesson muna sila. Tinuro ng guro nilang si Mr. Gustavo ang basic sa pagluluto ng cakes. Kung ano ang dapat na lakas ng temprerature sa tipo ng mga cakes. Ang mga tipo ng cakes mismo. At kung pano ang pagpili ng magandang ingredients para dito.
"Class bukas nga pala eh. Uumpisahan na natin ang ating pag ba bake. Alam ko na meron na ditong magaling nang mag bake. But for all fairness eh lahat ay mag ba back to basics. Maliwanag bayun?" Tanong ni Mr. Gustavo.
"Yes Sir!" Sagot naman ng lahat na parang mga hgih school student.
Napatingin din si Mr. Gustavo kay Liza. Alam niya iyon dahil nahuli niya ito. BIglang namula ang kanyang mga pisngi ng nahuli niya ang mala brown eyes nito na sinusulyapan siya. Tumango naman kaagad siya. Kunyari ay busing busy siya na nililigpit na ang mga gamit niya.
BINABASA MO ANG
Cream and Honey (Book 1) NATHAN (Soon to be Publish)
RomanceIsang malaking trouble ang nangyari sa buhay ni Liza magsimula ng makilala niya ang hambog na si Nathan. Nagawa niya itong suntukin sa pinagtatrabahuhan nitong Cafe dahil narin sa angas ng binata. Pagkatapos nun ay sunod sunod na ang pag papahirap...