12 // The Date

1.9K 38 5
                                    

Malakas ang dagundong ng katawan ni Carlo pagbagsak niya sa may lupa. Nagasgas ang kanan niyang kamay sa magasgas na flooring ng kalsada. Nabutas naman ng bahagya ang suot suot niyang jersey na jacket.

"Yan ang bagay sayo. Chicken shit ka! You have nothing or even one percent na respect para sa mga babae" Mariing sabi ni Nathan dito.

Agad naman itong tumayo at biglang ki nounter punch si Nathan sa kanang mukha nito. Napaiktad siya. Nagdugo kaagad ang ilong niya sabay ubo ng kaunti. "Ano? Sinong lampa ngayon! tayo!!!" Sigang sabi ni Carlo.

HIndi naman makapaniwala si Liza sa mga pangyayari. Gusto na niyang sumabog dahil sa sobrang hiya.

Hindi nagpatalo si Nathan. Niyakap niya ang katawan ni Carlo hanggang mapahiga ito sa may semento. Pinaulanan niya iyon ng mga sunod sunod na suntok. Nagsimula naring magdugo ang ilong ni Carlo. Ang dugo niyang iyon ay sumabog mula sa kanyang ilong na bumulwak naman hanggang sa kanyang leeg.

Sa puntong yun ay umawat na si Liza. Hinid na niya makayanan ang mga pangyayari. Sa kanyang palagay ay baka isa na sa kanila ang mapuruhan at mamatay ng gabing yun.

Niyakap niya  ang katawan ni Nathan. Pinilit niya itong itinayo mula sa pagkakadagan nito sa katawan ni Carlo. Ngunit malakas ang binata. Hindi parin maawat ang pagsuntok nito sa kawawa at nanghihina ng si Carlo. "Tama na!!!!!'' Sigaw nito.

Habol sa paghingang napatigil si Nathan sa pag suntok niya rito. Doon niya lang naramdaman ang pagkakayakap sa kanya ng dalaga. Mahigpit iyon. Damang dama niya sa pagkakahawak nito sa kanyang katawan nag sobrang pagaalala. Napatayo siya, tumingin siya sa mukha ng dalaga at nakita niyang humahagulgol na ito sa pag iyak. Nalungkot siyang bigla, ng pinaka ayaw niya kasi ay ang nakikitang umiiyak ito. Parang dinudurog ang puso niya.

Hahawakan na niya ang pisngi ng mukha nito ng bigla itong tumaliwas sa kanya. Agad itong nagpunta sa harapan ni Carlo at pinunasan kaagad nito ang mag dugo nito sa mukha.

Kitang kita ni Nathan ang pag aalala parin niya sa ex boyfriend nito. Mas masakit yun. Parang kinukuha ang puso niya mula sa kanyang dib dib ng walang anestisia.

Dahan dahan siyang pumasok ng Cafe. Mula sa kanyang pag alis ay naririnig niya parin ang pag iyak ng dalaga.

Tinayo ni Liza si Carlo mula sa pag kakasalampak niyon sa may lupa. "Gago!" Bulalas nito sa kanya. Ngunit bagkus ay niyakap niya lang ito. Sabay sabing. "Mahal na mahal parin kita." sa mahina nitong boses.

BInuksan ni Nathan ang ilaw ng kanyang office. Hinanghina pa ang katawan niya at bahagyang sumasakit pa ang kanayng kalamnan dahil sa laban nila ni Carlo kanina ngunit wala na yatang sasakit pa sa pagpili ni Liza sa ex boyfriend niya.   

Umupo siya sa kanyang reclining chair. Buhat doon ay umupo siya ng ayos. Tiningala ang kanyang ulo at pumikit. Hindi parin niya maalis sa isip ang galit. Napapagiwi siya, gusto niyang tanggalin na ang ulo ni Carlo at ipakain iyon sa mga aso. Ngunit kasabay nun ang pagbalik din ng memorya niya ng mukha ni Liza nang itoy umiiyak. Gusto niya itong yakapin at ipadama rito na mahal na mahal niya ito. Ngunit hinid na niya yata magagwa iyon. Dahil nasa iba na siyang kandungan ngayon.

Maya maya ay biglang may pumasok sa may pintuan. Nakita niya si Liza na halatang nagalala sa kanya. "Sir!" Wika nito sabay takbo sa kanya.

Agad na hinaplos haplos ni Liza ang sugat niya sa may ilalim ng mata. Masakit iyon kaya napangiwi siya. Agad namang kumuha si Liza ng bulak mula sa kanilang kwarto at inampatan niya iyon. Mainit ang kanyang nararamdamn ngayon mas uminit iyon ng hinawakan ni Liza ang kanyang mukha. Dahan dahan niyang hinawakan ang kamay nito at nagsalita. "Bakit kapa bumalik?" sa mahina nitong boses.

Cream and Honey (Book 1) NATHAN (Soon to be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon