04 // I'm Surrender

2.5K 43 1
                                    

Agad na kinuha ng isang panot na interviewer ang resume ni Liza. Mula sa expression na pinapakita ng mukha nito ay halatang matatanggap na siya. Kung di niyo kasi natatanong eh pang apat na to sa mga company na napupuntahan na niya ngayon pero...

Kringg!!! isang tawag ang biglang nagpatigil sa pagsulyap ng manager sa resume ni Liza. Bahagya niya itong nilapag sa kanyang desk at sinagot ang telepono.

"Yes?" tugon nito.

Agad na bahagyang tumingin ang panot na manager nayon sa dalaga. Tila sa mga tingin niyang yon ay isa nanamang its a no! ang matatanggap niya.

Tatlong minuto ring nagtagal ang tawag. Maaring isang client lang ito or isang kaibigan na kinakamusta ang naturang manager. Lahat na yata ng positive thought ay isinasaisip na niya para lang matanggap siya. Pero tila hanggang ngayon ay wala parin sa kanya ang hinahanap niyang alas.

Agad na binaba na ng Manager ang telepono. Na papa pout lips pa ito na tila nadismaya sa naturang usapan.

"Sorry about that." Wika nito kay Liza dahil sa labis nitong pag hihintay.

"Okey lang po." Sagot naman nito.

"Okey I'm impress about your resume. Palagi kang nakakakuha ng award for being  loyalty on your work." Pagpapasagi ng Manager.

Bigla namang nabuhayan ng loob si Liza. Sa wakas ay tila makakamit na niya ang tagumpay ngayong araw. 

Dumating nanaman kasi si Aling Bebang kanina pag alis niya ng bahay. Hindi man kasi magsalita si Aling Bebang pero lalapit palang ito ay tingin niya sa mukha nito ay isang malapad na pera.

"Yes sir." Wika ni Liza sa normal na boses pero hindi niya pinapakita ang ka ekcitedan.

"But hindi kita matatanggap." Wika ng Manager. "Im so soryy." Pagpapatuloy nito.

Nagbago ang timpla ng mukha ng dalaga. Ang kaninang halos mag pa party na navibes ay napalitan ng labis na pag luluksa.

"Okey lang po yun." Sagot naman nito sa manager.

Agad ng tumayo si Liza sa kinauupuan niya. Tumungo pa siya sa naturang manager upang kahit papano ay mag bigay galang at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Bagsak parin ang mundo ni Liza pag labas niya. She can't help it. Para ba siyang ayaw umalis sa mismong kwarto nayon at gagawa don ng eksena na kesyo luluhod siya sa harapan ng panot na manager nayon ng isang italian restaurant sabay iiyak ng malakas.

Pero naisip rin niya na hindi lang yun ang kaisa isang restaurant sa buong Maynila. Sa taglay niyang ganda at liksi ay marami pang restaurant diyan ang tatanggap sa husay niya.

Sa labas ng opis nayon ay nakita niya ang iba pang aplikante. Ngunit tila isa dun ay may nakakaintrigang ayos. Dahil sa sobrang sikat ng araw ay todo long sleeve pa ito.

"Para tanga lang." Wika ni Liza sa kanyang isip.

Agad ng lumabas si Liza sa backdoor ng naturang restaurant. Muli siyang tumingin mula sa nilabasan niyang pintuan at kanyang sinabi na. 

"Makakahanap din ako ng trabaho." ng taas noo.

 X~X~X

Its almost twelve o'clock in the afternoon pero lahat na yata ng puntahan ni Liza ngayon ay puro failure ang nahihita niya. HIndi lang isa, Not twice or third raher dahil halos limang company ang napuntahan niya sa single na aplayan pero puro bagsak ang inabot niya.

 Kulang nalang eh ang gawin niyang word of the day ang salitang SORRY.

 Napatingin si Liza sa isang kalye. Heavy traffic ang sumalubong sa kanya pag uwi niya. Halos isang kilometro din ang tatahakin niya pauwi kaya naman eh naisipan nyang puntahan si Mavic sa PISTACCIO cafe. Malapit lang yun sa ruta  niya ngayon. Pwes tanggahali na naman at nagugutom narin siya so why not kung yayain niya itong lumabas.

Cream and Honey (Book 1) NATHAN (Soon to be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon