19 // Forever in Love

2K 37 2
                                    

Nasa kalagitnaan na sila ng kabundukan ng bigla namang umulan sa buong Sagada. Hindi nila inaasahan iyon dahil sa sinabing magiging maaraw daw sa buong pilipinas ayon narin sa weather report sa T.V. Humid narin naman ang langit pag kaalis nila ng hotel. Pero sa sobra yatang pagka excited nitong si Liza ay hindi na niya yun ininda maski magdala ng payong ay hindi niya kinonsider sa mga dapat nyang dalhin.

"Shit!" Ika niya. Agad niyang itinago mula sa kanyang suot na maliit na pouch ang dala dala niyang camera phone. Naramdaman na lamang niya ang mumunting patak ng tubig na unti uting pumapatak sa kalangitan. Pagkatapos ay nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang ulo upang gawin itong payong.

Nilapitan naman siya kaagad ni Nathan. Agad nitong sinukob sa kanilang mga ulo ang dala dala nitong gamit ni Liza. "Babalik paba tayo?" Tanong ni Liza dito.

"Sige try natin."

Agad silang tumakbo mula sa maputik na daanan. Konti palang ang ulan at wala pa yata silang minuto sa bangis nito ngunit tila binuhusan ng chokolate ag buong daanan.

Agad silang tumakbo ng mabilis. Napuputikan ang kanilang likuran habang inaapak nila ang kanilang mga paa sa maputik na lupa. Maya maya pa ay natigil si Liza. Nawala kasi sa paningin niya si Nathan na nasa gilid lang niya kanina.

Hinanap niya kaagad ito. Pag tingin niya sa kanyang likuran ay kaagad niya itong nakita na naka upo na sa lupa. Nagsihulog din ang kanyang mga gamit na hawak hawk nito kanina. Nilapitan niya ito.

"Nathan anong nangyari sayo?'' Tanong niya kaagad rito na balot ng pagaalala.

"Nadapa ako." Ika niya.

Sinuri rin niya ang tuhod nito at nakita niya ang gaslos nito duon na nagdududgo na. Malakas parin ang buhos ng ulan ngunit mas importante pa sa mga gamit niya ang kalagayan nito. kaya naman ay agad niya itong tinayo. Tinulungan niya itong tumayo kahit na kaya na niya.

"No kaya ko nato. Sugat lang to ng konte." Ika ng binata.

"Wag ng matigas ang ulo." Ika naman niya.

Natahimik lang si Nathan at that momment. Mas ginunsto nalang niya na tulungan siya nito kaysa sa mag away pa sila.

Agad silang nagpunta sa isang bukana ng kwebang naroon. Pumasok pa sila sa loob nun hanggang sa hindi na nila naririnig ang malakas na buhos ng ulan. Tinanggal na niya ang pagkadantay na kamay ng binata sa balikat niya at inialalayan niya ito na umupo sa may mabatong pader. Muli niyang sinuri ang natamo nitong sugat. Pinanusan iyon at tinalian. Hinipo hipo ang gilid niyon at muling nanermon.

"Kasi ang laki laki muna. Lampa ka parin."

"Hindi ko lang nakita yung bato." Pagpapaliwanag niya.

"SSSHHH! I dont need your explanation sir." 

"What??? Anong Sir?" Napatiglil siya sa pagsasalita. "Ilang beses ko bang sasabihin sa yo na Cream ang itawag mo sa akin!" Demand nito.

"Ahh ganun!"

Agad agaran naman niyang hinaplos ang natamo nitong sugat. Dinaiinan iyon at agad naman itong napahiyaw ng malakas.

"OUCHHHHHH! Napaka sama mo talagang babae." Na naapapiyak na.

"Dapat lang sayo yan!" Sa pairap nitong sabi. Napatigil naman ang binata nag bago muli ang timpla nito sa mga sinabi niya. Nakatitig lamang ito sa kanya at matagal yun. Ni hindi yata magawa nitong kumurap.

"Ohh bakit ka ganyan makatingin?" Sabay sulyap dito.

"HIndi mo paba ako napapatawad. How many times kong sasabihin sayo na si net up lang ako."

Cream and Honey (Book 1) NATHAN (Soon to be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon