Maagang inayos ni Liza ang kanyang susuotin para sa magaganap na interview. Hindi man niya mawari sa kanyang sarili ngunit tila ibang excitement ang kumikibabaw sa kanya.
Simpleng 3/4 na shirt ang napili niyang suotin. Papartneran naman niya ito na pencil cut na palda. It's almost perfect. Konting retouch nalang sa kanyang maamong mukha ay lalakad na siya.
Naalala pa niya ang boses ni Mavic na tila umauugong sa loob ng utak niya habang kinukuha niya ang make up kit sa kanyang itim na bag.
"Basta bess ahh kailangan eh nude makae up lang ang gamitin mo para mas mukang fresh ka. Saka wag mong kalimutang ngumiti. Nakakadagdag din yun ng X factor." Wika nito.
Sinunod naman ni Liza ang pangaral ng kaibigan. Talagang tumapat pa ito sa salamin habang pinapraktis ang kanyang pag ngiti. Paminsan minsa ay nag momonologue din ito na ang mga sinasabi ay. "Good Morning Sir! I'm Liza Martinez at your Service!" Sabay ngiti.
Tinatapik ni Liza ang kanayang dib dib. Ito kasi ang kanyang sariling paraan upang matanggal ang kanyang kaba.
"LIza kaya mo yan!" Wika nito pagkatapos ng lahat ng preperasyon.
Iniayos pa nito ang kanyang lipstick sa harapan ng salamin at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng kanyang kwarto.
Sa labas naman nito ay nakita niya si Aling Bebang. Si aling Bebang ang matabang may ari ng inuupahan niya ngayon.
Lumapit ito sa kanya. HIndi paman nito binubuka ang kanyang bibig ay tila alam na niya ang sasabihin nito.
"Aling Bebang magandang umaga po." Bati nito rito.
"Liza alam mo kahit hindi mo ako batiin eh.. Isa lang ang mag papasaya sa akin." Pagririnig nito.
"Oho alam ko ho. Ito nga po eh may intervier ako ngayon."
"Mabuti naman." Wika ni Aling bebang sabay irap.
Hanggang sa pag alis ay kanyang sinundan ng tingin ang pag lalakad ni Aling Bebang. Pakembot kembot pa ang puwitan nito na tila parang pwet ng manok.
Napaisip tuloy si Liza habang kinakandado niya ang pintuan ng kanyang kwarto. Ano nalang ang gagawin niya if ever na hindi siya magustuhan ng bago niyang boss???
Magugustuhan ba nito ang mga characteristics niya??? Ano ba ang itsura nito? Masungit ba ito? Isa ba itong babae o isang lalake?
Napasinghal si Liza pagkatapos niyang kandaduhin ang kanyang kwarto. Tila sa mga iniisip niya nayon ay malapit na siyang mapraning.
"Ayy Hindi !!! Kaya ko to!" Sabi niya sa sarili sabay ayos sa kanyang buhok at damit.
Tama si Liza kailangan niya ngayong makuha ang slot sa trabahong ito. Dahil kung hindi ay dun siya sa kalye titira. Whenever she like it or not!
X~X~X
Halos isang oras din ang binyahe ni Liza papunta sa lugar na sinabi sa kanya ni Sir. Vince. Hawak hawak pa nito mula sa kanyang kamay ang isang maliit na papel na nakalagay ang address at mapa na parang ginawa ng isang bata.
"Pambihira. Pano ko naman to matatagpuan eh sa mapa palang eh hindi ko na maintindihan." Sabay singhal.
Palinga linga siya sa paligid. Tila kinakarkula nito ang bawat kalye sa parteng ito ng Maynila na kung saan ay baka malapit na siya.
Sa kanyang pag lalakad ay may nakita siyang matandang babae na may dalang maraming bitbitin. Ayaw man niyang magtanong at sundan nalang ang kanyang sariling instinct eh sa ngayon ay no choice siya.
BINABASA MO ANG
Cream and Honey (Book 1) NATHAN (Soon to be Publish)
RomansIsang malaking trouble ang nangyari sa buhay ni Liza magsimula ng makilala niya ang hambog na si Nathan. Nagawa niya itong suntukin sa pinagtatrabahuhan nitong Cafe dahil narin sa angas ng binata. Pagkatapos nun ay sunod sunod na ang pag papahirap...