14 // Selfish Plan

1.8K 37 4
                                    

Pinaglalaruan ni Nathan ang isang mamahaling ballpen sa kanyang kamay. Pinapaikot ikot niya ito dito at paminsay minsay pinipitik sa ibabaw ng desk niya. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lang siya sa kabuuan ng kanyang opisina. Tila nag iisip at parang tuliro. Hindi kasi niya maalis sa kanyang isipan ang mga nasaksihan niya kagabi.

Nakita niya si Liza na maagang nag out sa trabaho. May gagawin daw itong importante. Agad naman niyang pinayagan ito. Kahit hindi ito magsalita ay kakaibang excitement ang nararamdaman nito. Hindi si Liza maaring mag sinungaling. Kahit ilang buwan palang na tumitigil sa kanyang cafe ang dalaga ay alam na alam na niya ang takbo ng isipan nito.

Kinabukasan ay ganun nanaman ito. Maaga nanaman itong nagpaalam sa kanya. Sa pagkaktaong yun ay hindi na niya nababanaag sa mukha ng dalaga ang kaba bagkus ay napalitan na ito ng kakaibang kasabikan.

Napaisip siya. Bakit ganun na lamang ang maagang pagpapaalam nito at saan ito pumupunta? Napatingi din siya sa kanyang relo. Alas otcho na ang gabi. Kung di siya nagakakamali ay palagi itong nag papaiwan sa baking area niya ng gantong oras at lumalabas nadun ng alas nuebe na ng gabi.

Sinilip niya ito mula sa siwang ng pintuan ng kanyang opisina. Nag aayos pa ito ng kanyang sarili at pinaplantsa ang kanyang kasuotan ng kanyang kamay. Nang nakita na niya itong umalis ay dali dali na niya itong sinundan.

Dinala siya nito sa isang gusaling tinatawag na Citadel building. Nang makapasok na si Liza sa loob niyon ay siya namang pagbaba niya ng kotse. Agad siyang nagpunta sa may customer service at saka nagtanong doon. Doon din niya nalaman na ang pinupuntahan pala dun ni Liza ay isang Baking school.

Na relieve siya. Ang inaakala niyang pakikipag kita nito sa ex boyfriend niya ay unti unti ng nabura sa kanyang isipan.

Bumalik na lamang siya sa loob ng kanyang kotse. Ang kanyang binabalak ay surpresahin ito pag labas niya sa nasabing baking lesson at yayain itong lumabas.  

Halos magdadalawang oras na si Nathan na naghihintay sa loob ng kanyang kotse. Sa kanyang pagmumuni muni doon at pakikinig ng classical music ay nakatulog pala siya. Nagising nalang siya ng marinig niya ang mga nag lalabasang ingay ng mga estudyante sa naturang baking school. Agad siyang namulat. Hinanap niya kaagad si Liza sa kumpol na mga estudyante ngunit wala pa siya roon.

Naghintay pa ito ng ilang saglit pa. Pinipitik pitik pa niya ang kanyang kamay habang ginagawa niya iyon. Ilang sandali pa ay nakita na niya si Liza. Napangiti siya. Mas lalo siyang nabuhayan ng loob ng hanginin ang buhok nito at tuluyang isayaw ng hangin. "Ang ganda!" Bulalas niya.

Handa na niyang itong puntahan at akmang bababa na ng kanyang kotse ng bigla namang may humawak sa likod nito. Napigilan siya. Nagtaka siya kaagad kung sino ang lalaking iyon.

Mas nanglumo pa siya ng niyaya niya ito sa may parking area ng naturang gusali. Natigilan siya at sa puntong yon ay hindi na niya ito sinundan.

Biglang may kumatok sa pintuan ni Nathan habang siyay nagbabalik tanaw. Bigla siyang napatingin sa may pintuan at agad na iniiayos ang upo.

"Sino yan?" sa normal niyang boses.

"Dude? Ako to?" Sabay bukas nito ng pintuan.

Agad niyang nakita si Franko na naka postura. Kakagaling lang nito sa bahay ng isa sa mga ka fling niya. Gayon malapit lang dito ang Honey and Cream Cafe ay naisipan niyang dalawin ang kanyang lokong kaibigan.

"Oh bakit ka nandito?"

"Bakit wala naba akong karapatang bisitahin ang best friend ko?"

"I said that?"

"Nope not yet." Sa nakangiti nitong sabi.

Tumawag kaagad si Nathan sa telepono na naka connect sa naturang cafe. Mula doon ay inutusan niya si Dessa na dalahan sila ng dalawang strong coffee at isang black forest cake.

Cream and Honey (Book 1) NATHAN (Soon to be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon