Inayos ni Liza ang kwelyo ng bago niyang suot na uniporme. Kasalukuyan siya ngayong nasa kanilang locker room. Maliit lang itong kwarto pero kinompleto sa gamit. Sa gilid ay may isang water dispenser, Isang katamtamang laki ng locker at isang maliit na lamesa na may dalawang upuan.
Unang araw kasi ngayon ng Honey and Cream cafe. Yeah yun ang naisip na pangalan ni Nathan sa kanyang bagong business. Mula naman sa opinyon ni Liza ay napaka panget na binigay nitong pangalan. Parang hindi daw pinag isipan.
Tinignan ni Liza ang kanyang sarili sa isang maliit na salamin. Wala pa kasing salamin sa may locker room kaya tila pinagkakasya niya ang kabuuan ng kanyang sarili sa isang maliit na compack mirror.
"Maganda yung uniform natin no?" Biglang tanong ni Dessa.
"Oo maganda nga." Sagot naman nito.
Si Dessa ang isa pang waitress sa Honey and Cream Cafe. Nagulat nga daw siya ng tinawagan siya mismo ni Nathan for the interview. HIndi naman daw sa nabigla siya dahil sa hindi siya magaling kundi dahil mas marami padaw ang mas magaganda sa kanya nung araw ng paghahatol or the interview day.
Makulay ang kanilang suot na uniprome. Matingkad ang kulat ng blue lace nito sa bandang baba ng kanilang medyo loose na palda at may blaser pa. Hotel na hotel ang dating. "Wika ni Dessa."
Kwento kasi ni Dessa ay nagkapag trabaho na siya sa hotel dati. Kaya lang eh agad siyang nagresign dahil kailangan niyang magbantay sa kanyang pinakamamahal na lola. Sinusuportahan naman daw sila ng tatay nito na nasa abroad kaya okey lang na umis stop siya pero syempre iba parin yun galing sa sarili mong bulsa.
Excited naring si Lizang mag serve sa mga bago nilang customer. Mas hinahanap hanap narin kasi ng katawan niya ang mga gawaing ganito. Nung nasa Pistaccio cafe pa kasi sila ay lagi siyang natatapat sa rush hour kaya naman eh parang sumasabak din siya sa gera pag oras na niya. Pero hindi man niya mawari pero yun ang mas gusto niya. The undrenaline rush, The Fire, The Flush. Lahat na yata ng extreme na gawain sa trabaho ay nagugustuhan niya.
"Okey malapit na tayong sumabak.'' Wika ni Liza na halata ang pag ka excited sa mukha.
"Dyosko oo nga eh. Excited narin ako.'' Sagot naman ni Dessa.
Maliit lang naman ang crew ng Cream and Honey Cafe. Si Dessa at siya na serbidora, Si Lito na isang door man and sebidoro rin at the same time at si Mr. Gregory na isang high paid pastry chef na nag aral padaw sa ibang bansa for the master baking degree.
Nagtungo na ang dalawa sa may pintuan ng cafe. Mula doon ay nakita nila si Nathan at si Lito na handa ng buksan ang naturang pintuan ng cafe.
Mababanaag naman mula sa mukha ni Nathan ang sobrang kaba. He didnt know kung papatok ba ang bago niyang business sa napili niyang location. Ayon sa kanyang kaalaman ay wala pang gantong istablishment na malapit lang dito. Kung meron man eh nasa kabilang kalye pa ito pero he didnt mind na magiging kakompetensiya niya ito dahil sa tingin niya eh mas maganda at mas magaling parin ang cafe niya.
It's a mater of minutes bago paman nila buksan ang naturang cafe. Mula naman sa kanilang malaking baking area ay naamoy na nila ang aroma ng mga binibake ni Mr. Gregory.
It's smell like home. Mas naunumbalik kay Nathan ang buo niyang kabataan pag nakakaamoy siya nito. He fells like kid again. Perhaps!
"Okey in 5- 4- 3 - 2- 1!"
Lahat sila ay nag count down. Ultimo si Mr. Gregory na nasa kusina ay naririnig nilang nagbibilang.
Mula sa harapan ay binuksan na ni Nathan ang pintuan ng cafe. Hinawakan niya ang saradora nito at agad na hinila.
BINABASA MO ANG
Cream and Honey (Book 1) NATHAN (Soon to be Publish)
Storie d'amoreIsang malaking trouble ang nangyari sa buhay ni Liza magsimula ng makilala niya ang hambog na si Nathan. Nagawa niya itong suntukin sa pinagtatrabahuhan nitong Cafe dahil narin sa angas ng binata. Pagkatapos nun ay sunod sunod na ang pag papahirap...