Malinis ang center table na katapat niya. Nakatingin lamang siya roon at walang iniisip kundi kung nasaan na ang lalaking kanya sanang pupuntahan sa cafe na iyon. Napatingin din siya sa iba pang parte ng cafe. Naalala niya ang pagbubunga nga sa kanya nito hanggang sa i promote siya nito sa isang pagiging patissier.
Agad ring dumating si Franco in a matter of minutes. Mula sa kanyang kamay ay dala dala niya ang dalawang basong latte na siya mismo ang gumawa.
"Pag pasensiyahan mo na Liza kung panget ang lasa. Actually eh first time kong mag hands on sa pag gawa ng kape. Kaya eto. Sana magustuhan mo." Ika nito. Nilapag niya iyon sa may lamesa habang wala parin itong imik. "Babalik kana ba dito? Kung ganun eh its a good news." Na kunyari eh natutuwa. Alam mo bang matagal din akong naghahanap ng kapalit mo. Buti nalang eh may pumayag na isang patissier kahit na eh dalawang Cafe ang pinagtatrabahuhan niya sa gabi eh ginrab parin niya yung offer ko.
Tumingin si Liza sa mga mata ni Franco. Kakaiba ang kanyang mga titig dito. "Hindi yan ang ipinunta ko. Nasan si Nathan?" Sa matamlay nitong himig.
"Umalis siya." Sagot naman nito.
Muli siyang tumingin sa kawalan. "kailan pa?"
"Simula nung gabing yun hindi na siya natutulog. Lagi siyang umiinom. Ni pumasok sa cafe eh hindi na niya ginagawa. I was worried. Gusto ko mag sabihin kila Tita but mas lalong gagrabe ang situation."
Nakinig lamang siya sa mga kwento nito. Naiiyak na siya ngunit pinipigilan niya ang kanyang luha. Kung nung araw lang sana nayon ay nag sink in na kaaagd sa utak niya ang nakatao nitong pagamamahal para sa binata ay hindi na mangayayri ang mga bagay na ito. Mas lalo pa siyang nanlumo ng marinig niya mismo sa bibig nito na nagtangka itong magpakamatay.
"Eh nasan na nga siya ngayon?" Pag uulit niya.
Natigil si Franco sa pag kekwento. Tila marami pa itong gustong sabihin sa gabing iyon ngunit hindi na niya magawang ituloy pa.
"Nagpunta siya sa Sagada."
Napatingin siya rito. "Sagada?"
"Yeah! Sa may mountain province." Sabay higop nito sa inihain niyang kape.
Hindi siya pamilyar sa lugar na sinabi nito ngunit hindi rin siya pwedeng magkamali na narinig na niya ito sa isang travel show sa T.V.
Agad siyang tumayo. Hindi man niya alam ang pagpunta duon at kung ano ang madadatnan niya doon ngunit kailangan niyang ipakita sa lalaking kanyang minamahal na busilak parin ang kanyang pag ibig dito. "Sige pano ang papunta don?" Sa mataray niyang boses.
Agad namang nadura ni Franco ang kapeng kanyang iniinom. Hindi dahil sa mainit ito o kaya naman ay sa panget ang lasa nito kundi dahil sa sinabing kataga ng dalaga.
"Are you sure?"
"Y-y-yes definitely!" Sa nanginginig niyang boses." Kahit na sa totoo ay hindi rin niya alam ang mga pinagsasabi niya.
X~X~X
Maagang iniayos niya ang kanyang mga gamit. Sa katunayan niyan ay hindi siya nakatulog. Ultimo siya ay super excited sa pag punta niya sa Sagada. Matamos niyang makuha ang eksaktong address ni Nathan sa tinuluyan nitong five star hotel ay dali dali siyang umuwi na at nag ayos ng gamit.
Pabaling baling din siya ng tulog. Kahit kasi ipipikit na niya ang kanyang mga mata ay agad siyang nagigising in short eh sabik. Sabik na mahagkan na ang lalaking kanyang iniibig, Sabik na mayakap na niya ito sa kanyang mga bisig at madama ang init ng katawan niyon, Sabik na masabi na niya ang kanyang tunay na nararamdaman dito.
BINABASA MO ANG
Cream and Honey (Book 1) NATHAN (Soon to be Publish)
RomanceIsang malaking trouble ang nangyari sa buhay ni Liza magsimula ng makilala niya ang hambog na si Nathan. Nagawa niya itong suntukin sa pinagtatrabahuhan nitong Cafe dahil narin sa angas ng binata. Pagkatapos nun ay sunod sunod na ang pag papahirap...