Tuliro parin si Liza habang siyay nakahiga sa kanyang kwarto. Dalawang araw na ang nakakaraan ng magtapat ng pag ibig si Nathan sa kanya ngunit hindi parin maalis sa isipan niya ang mga pangyayari.
Nakatingin lamang si Nathan sa kanyang mga mata habang kitang kita rito ang senseridad. Para itong isang sisiw na naghahanap ng makakaliga dahil iniwan ito ng kanyang ina sa gitna ng kalsada. Biglang umugong ang tenga ni Liza ng marinig niya ang salitang I LOVE U sa mumunting bibig nito. Pakiramdam niya ay biglang lilindol anytime. Ito naba ang katapusan ng mundo at bigla na lamang nagtapat ang akala niya ay huling lalaki na iibig sa kanya? O isa lamang itong panaginip at kailangan na niyang magising.
Agad na hinawakan ng binata ang kamay niya. Hindi siya makapanilawala. Nararamdaman niya ang init ng mga kamay nito na ang ibig sabihin lang ay hindi siya nananaginip.
"Liza. I Love you." Pag uulit niya.
Biglang tumibok ng mabilis ang puso niya. Gusto niyang magsalita at umatras ngunit tila may pwesang tumutulak sa kanya upang hindi iyon gawin. Hindi niya alam ang gagawin niyang kilos. Nahihiya siya ngayon lalo ng mas dumarami pa ang nakikiisyoso sa romatic scene nila.
"Sir???" Tanging nasabi niya rito. Muling tumingin si Nathan sa kanyang mga mata. Mas matamis yun. Kulang na lamang ay langgamin ang mga mata nito at tirahan ng isang kumpol na bubuyog.
"Liza I mean it. Matagal na kitang gusto.'' sa malambing nitong pag kakasabi.
Napalunok siya. Gusto rin naman niya ang binata ngunit parang nabigla siya sa mga pangyayari.
Bigla ring dumating sila Steve at Franco sa eksena. Nasa kabilang kwarto kasi sila tinignan at ibang doctor rin ang sumuri sa kanila. Nakatingin lamang ang dalawa sa nagaganap na eksena.
Pigil ang hininga ng lahat sa mga tagpong iyon. Lahat ay nakaabang lamang sa kung anong sasabihing sagot ng dalaga.
"Nathan..." sa mahina niyang boses. Gusto na niyang sabihin ang salitang hindi dito ngunit nagsimulang manginig ang kanyang mga labi. Mas lalong nanginignig pa iyon ng maramdamn niya ang mabilis na pag tibok ng puso nito. Tinapat kasi ng binata ang kamay niya sa dib dib nito.
Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay ni Nathan sa dibdib nito at sabay tumungo.
Nagsimula ng magbulungan ang mga tao. Para silang mga bubuyog sa sobrang dami ng kanilang mga sinasabi.
Dun na tumulo ang mga luha ng binata. Hindi niya iyon mapigilan . Ito kasi ang kauna unahang babae ang nag refuse sa pag ibig niya.
Tumalikod na siya. Mula sa kanyang likod ay nakita niya si Steve na nakatingin lamang sa kanilang ginawang eksena. Inalis niya ang kanyang tingin rito. Ibinalig niya iyon sa kabilang banda ng pasilyo. Ultimo siya ay nahihiya sa ginawa niyang desisyon.
Pagkatapos nun ay dali dali na siyang umalis. Hinawi ng kanyang kamay ang ibang taong nakikiisyoso doon. Hindi narin niya mapigilan ang kanyang damdamin. Biglang tumulo ang kanyang mga luha habang papaalis mismo sa pintuan ng ospital. Ayaw man niyang gawin ang pag bigo sa pagibig nito ngunit yun na ang ginawa ng kanyang kilos. Kaya naman ay Pinangatawanan niya na lamang ito. At sa kanyang tingin ay hindi nayun mababago pa.
X~X~X
Tinawagan kaagad siya ni Mavic sa kanyang cellphone kinagabihan. Nag aalala kasi ito sa kanya dahil tila wala parin ito sa kanyang sarili ng nakaraang dalawang araw.
BINABASA MO ANG
Cream and Honey (Book 1) NATHAN (Soon to be Publish)
RomanceIsang malaking trouble ang nangyari sa buhay ni Liza magsimula ng makilala niya ang hambog na si Nathan. Nagawa niya itong suntukin sa pinagtatrabahuhan nitong Cafe dahil narin sa angas ng binata. Pagkatapos nun ay sunod sunod na ang pag papahirap...