Chapter 7

707 17 0
                                    

"What the hell was that Eliot!" Sigaw sa kaniya ni Farine ng sundan siya nito papasok ng bahay ng mga Lagdameo.

Huminto siya saka napatapik ng ulo. Shit ano ba ang nangyayari sa kaniya?

"Ano ba ang nangyayari sa'yo? Bakit ka umalis nalang bigla!?" Ani pa ng babae sa kaniya.

"I don't know" wika niya dito saka napapikit.

"What the hell! Bastusan Eliot? I was there pero hindi mo ako napansin or should I say hindi mo ako pinansin!" Galit parin ang babae

Hindi niya alam kung paano niya paamuhin ang babae pero wala siya sa mood para gawin iyon.

"I'm sorry" wika niya dito at napasandig nalang dahil sa frustration.

"Sorry? No! You're not sorry Eliot. Is this because of that kid? Really? Nag seselos ka ba?"

"No...."

"Yes! Tangina naman Eliot o! We've been together for seven years tapos ngayon maapektuhan ka lang dahil sa babaeng iyon!"

Napailing nalang siya saka hindi pinansin ang babae. Ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya?.

"Mag break na tayo!" Ani ng babae pero sa halip na suyuin ito gaya ng ginagawa niya dati sa tuwing nakikita g hi walang ito sa kaniya, napakagat labi nalang siya saka hindi pinansin ang babae

"Really Eliot? Hindi mo ako susuyuin? Unbelievable!"

"Malayo ang tingin, babae ang natanaw~"

Hindi niya pinansin ang kung sino man na kumag na kumanta. Patuloy lang siya sa pag-inum. Hindi niya inaalis ang tingin sa babaeng nakikipagtawanan sa kasintahan nito.

"Hindi ko akalain na magdadalagang ganito kaganda si Eloi. Ikaw Eliot in- expect mo ba?"

Umiling lang siya sa tanong ng kaibigan.

"Who would have thought na magkakaboyfriend siya gayong head over heels 'yan sa'yo" tumawa si Bruno kaya tiningnan niya lang ito ng masama.

"Well, single pa naman ako hanggang ngayon and I have the ability para makaagaw ng jowa ng iba"

Hindi niya na pinansin ang lalaki at nilayasan ito. Nonsense.

Tumabi lang siya dahil nakaramdam na siya ng pagkahilo. Napadami na ata ang ininum niya.

Nakatingin pa din siya kay Eloi at malapit na siya dito. Sobrang ganda na talaga ng babae, tumangkad na din ito at kulot na ang dating nitong straight na buhok. Tama nga si Bruno, who would have thought na magkakaboyfriend ito gayong bukambibig nito ang pagpapakasal sa kaniya.

Hindi niya naintindihan ang pinag-uusapan nito tapos ng lalaki. Hindi niya naintindihan ang lenggwaheng ginagamit ng dalawa. Tch

"I'll just use the restroom" rinig niyang paalam ni Eloi sa lalaki.

"Be back immediately" ani naman ng lalaki

"Ne"

Pagkaalis ni Eloi ay tumayo siya, hindi niya naintindihan bakit ginawa niya iyon. Sinundan niya ang babae kahit pasuray suray ang kaniyang lakad.

"Kuya saan ka pupunta?"

Napahinto siya ng may biglang humawak sa braso niya.

"Ahmm... Magsi-CR"

Tumango lang si Anu at binitawan siya.

"Did you see Ankour?" Tukoy nito sa kasintahan nito.

Umiling siya. Hindi niya naman talaga nakita ang lalaki dahil buong magdamag ay nasa isang tao lamang ang paningin niya.

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon