Chapter 35

419 9 2
                                    

"So, anong plano after the wedding?" Tanong agad ng kaniyang ama matapos ilapag ng waiter ang inorder nilang pagkain.

Tumingin siya saglit sa kuya niya pero busy lang ang lalaki sa pagtulong sa pag-ayos ng mga pagkain.

"Ahm, we're flying to New York. Pictorial nila" ani ng lalaki saka inilapag sa harapan niya ang steak saka nito iyon hiniwa.

Agad siyang napatingin sa mga kasamahan niya at nakita niyang wala namang pakealam ang dalawang kapatid niya maliban sa mama niyang nakangiti ang mga mata at wari ba ay inaasar siya. Nginitian niya lang ang ina saka nag thumbs up dito.

"For pictorial lang? 'Yung honeymoon?" Tanong agad ng kaniyang ina kaya agad naman siyang nanigas dahil sa tanong nito.

Bahagyang nahinto si Eliot sa ginagawa pero maya't maya lang ay ngumiti ito saka umiling muna bago tumuloy sa ginagawa.

"Pwede din naman—"

"Kuya!" Asik niya sa lalaki saka ito hinampas sa braso kaya napuno ng tawanan ang mesa nila.

"Sadista, a!" Ani ng lalaki saka ibinaba na ang pork at knife sa magkabilang side ng plato niya.

Sinamaan niya lang ito ng tingin saka niya kinuha ang pork at kumain.

"Nahiya ka pa Lois, diba honeymoon naman after the wedding, diba?" Pang-aasar pa ng mama niya kaya napalabi nalang siya.

Her father and Eliot talks about business kaya hindi na siya nakisawsaw pa, tinuon niya nalang ang kaniyang atensyon sa bunso niyang kapatid na ngayon ay busy sa pagkain ng icecream. Tiningnan niya lang din si Edsielyn na busy parin sa pagse-cellphone.

"Lois" tawag ng kaniyang ina kaya agad naman siyang napatingin dito.

"Yes, ma"

"I'm glad that you're happy now" nakangiting wika ng ina kaya ngumiti nalang din siya dito.

"Wala naman po kasing masiyadong nakakapagpa-stress sa akin dito. Kuya and I are now doing fine" ani niya lang sa ina kaya tumango lang ito.

"After ng kasal ninyo ay ililipat ko na sa'yo ang investmet ko sa Three Metals" wika ng kaniyang ama kaya agad siyang napatingin dito.

He's talking to Eliot pero ang lalaki ay napatingin lang din sa kaniya.

"A, you don't have to tito" sagot lang ng lalaki saka muling hinarap ang kaniyang ama.

Nag-invest ang papa niya sa Three Metals?  Bakit hindi niya alam? well, she's not into business din naman pero walang naikwento sa kaniya ang papa niya.

"Napag-usapan na namin 'to ni Marjoone, we know naman na Eloi is not into business tho sa kaniya naman yung investment na 'yun" anas pa ng kaniyang ama saka tumingin sa kaniya.

"Pa—"

"Hmm. Matagal na akong investor sa Three Metals, tatlong taon ka palang Eloi ay nag-invest na ako sa kompanya ng mga Alcazar para kung sakali man na may mangyari sa akin ng mga panahong iyon ay may maiiwan ako sa'yo and ngayong mag-aasawa ka na, I think kailangan ko ng ilipat sa inyo 'yun—"

"It's okay tito, just let it. I can provide for our needs din naman, e. I am now the COO of Three Metals at pagnagritero na si papa ay baka ilipat niya na sa akin ang posisyon niya"

"It's your grandparent's company, Eliot. Hindi lang 'yun sa papa mo, there's your tito Threo at may mamana din ng posisyon nito. Maybe you should build your own" anas pa ng kaniyang ama kaya agad nalukot ang kaniyang mukha.

He's talking as if ang dali lang magtayo ng bagong kompanya.

"Pa, stop it" pigil niya sa ama pero tiningnan lang siya nito saka muli namang binalik kay Eliot ang tingin.

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon