Chapter 22

496 11 1
                                    


"Welcome to the Philippines Ma'am" nakangiting bati sa kaniyang ng flight attendant pagkalabas niya sa pinto ng eroplano.

Ngiti lamang ang iginanti niya dito saka siya lumabas.

Palinga-linga siya sa airport at hinahanap ang kaibigan niyang susundo sa kaniya. Asan na ba ang buntis na 'yon?

"Eloi!"

Agad siyang nagpalinga-linga at hinanap ang boses na iyon. Nadako ang tingin niya sa mga taong nag-aantay din ng mga susunduin nila at binabasa isa-isa ang mga nakasulat sa papel ng mga ito pero hindi niya makita ang kaibigan.

"Eloi!"

Napatingin na naman siya sa kung saan dahil naririnig niya talaga ang boses ni Anu. Asan ba 'yon?

"Eloisa Priety Singuenza! Nasa may bench ako, sa may likuran mo!"

Agad siyang humarap sa kaniyang likod and there she saw her bestfriend. Nakaupo nga ito nakaunat ang mga paa.

Natatawa siyang tumakbo papalapit dito saka ito binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Anu!" Wika niya saka ito pinangigilan.

"Teka lang ninang Eloi baka naipit ang mga chikiting" ani Anu kaya hindi siya magkandaugaga sa paglayo dito.

"Am sorry haha" paumanhin niya saka tinawanan ito.

Lumayo siya ng kaunti dito saka pinagmasdan ng mabuti ang nakaupo niyang kaibigan kaya lalo lamang siyang napabunghalit ng tawa ng makitang ang lakilaki na nito.

May kinuha ang babae sa gilid nito saka inilagay sa harapan. Isang carbord pala na may nakasulat na

Welcome Home Ninang Eloi

Napangiti siya saka muling niyakap ang kaibigan, sobrang na miss niya ito.

"I miss you so much Anu" wika niya bago humiwalay dito at naupo sa tabi nito.

"At bakit narito ka? Alam mo bang dapat nandoon ang mga naghihintay?" Wika niya saka tinuro ang mga taong nakatayo sa may gilid at may kaniya-kaniyang cardboard na dala.

"Ihhh, ang bigat na nitong dalawa saka naglilikot" wika ng babae saka hinimas-himas ang umbok nitong tiyan.

She got amazed kaya inalis niya ang kamay ni Anu at pinalitan ng kaniya. Nakangiti niyang ginagalaw-galaw ang kamay sa ibabaw ng tiyan ng kaibigan.

"Wow. Feeling ko ang laki na nila" komento niya saka inilapit ang taenga sa tiyan ng babae.

"Hello potie potie" ani niya kaya nakatanggap naman siya ng batok sa kaibigan.

Iniangat niya ang ulo saka tiningnan ng masama ang babae. Ganito ba ang mga buntis, sadista?

"Anong potie potie ka diyan?" Ani Anu na lukot na lukot ang mukha

"Wala kang pakealam. Endearment ko na iyon sa kanila" wika niya dito

"Aba't. Ang bantot niyan Eloi ha, itigil mo yan" pagmamaldita din ng babae.

"Anong mabantot? Ikaw mabantot kasi minsan ka lang maligo hasus anyare sa Anu na hindi makatiis na hindi maligo sa umaga, tanghali at gabi-?"

"Shut up! Iba feelings ng mga buntis kaya ikaw Eloi pag nabuntis ka huwag mo akong artihan kung hindi mo kayang maligo ah"

Inirapan niya ang kaibigan saka niya ito tinawanan.

Siya na ang nagprisentang magdadrive dahil ayaw niya ng e-stress ang buntis dahil namamaga na din ang mga paa nito.

Wala naman masiyadong nagbago kay Anu eh maliban lang sa lumaki ito. She's still beautiful and sexy, mataray pa din ito at maporma. Napuna niya nga ito kanina noong palabas na sila ng Airport kasi naka takong pa ang bruha.

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon