Chapter 27

487 12 0
                                    

Paka-slide ng card ni Eliot ay agad na lamang siyang binitawan nito na pabalibag. Sapo-sapo niya ang kaniyang braso at mangiyak-ngiyak na tumingin sa lalaki.

"What was that!?" Bulyaw sa kaniya ni Eliot

"What?" Mahinahon niyang tanong dito. Hindi niya alam kung ano ba ang sinasabi ng lalaki. Eh siya dapat ang mag tanong nito ng ganiyan dahil bigla-bigla na lamang itong nanghihila.

"At nakipagngitian ka talaga sa lalaking 'yon? Really Eloi? Nagpapa-cute ka du'n?"

"Ano bang pinagsasasabi mo ha!?"

Napahawak sa ulo ang lalaki saka ginulo nito ang sariling buhok saka inilapit sa mukha niya ang mukha nito. Bahagya siyang napaatras pero hinawakan ng lalaki ang batok niya at inilapit sa mukha nito. It feels awkward kaya tumingin na lamang siya sa gilid. Napansin niya ang pagtingin ni Eliot sa mukha niya hanggang sa kaniyang paa bago siya nito binitawan at lumayo sa kaniya.

"Look at yourself. Ganito ka ba manamit sa New York? Kung ang mga lalaki doon ay walang pakealam sa hitsura mo pero dito meron! Hindi mo ba nahahalat kanina na panay ang tingin sa 'yo ng mga lalaki? They're fantanizing your body!" Bulyaw nito kaya napapikit naman siya.

Na concious naman siya bigla sa suot niya kaya mamasa-masa ang kaniyang mata ng tumingin siya sa baba. Sobrang ikli naman talaga ng short niya at natatabunan na ito ng malaking t-shirt na suot niya kaya siguro napagkamalan siyang katulong noong babae.

Hinawakan niya ang kaniyang braso na sa tingin niya ay namamaga dahil nararamdaman niya ang kaunting kirot mula doon. Eliot pulled her hard at ang higpot ng hawak nito sa kaniya kanins.

"Magpalit ka na" ani ng lalaki saka siya iniwan.

Ng hindi niya na maramdaman ang prisensya ng lalaki ay otomatikong tumulo ang kaniyang luha. Pigil ang kaniyang iyak ng mapansin niyang wala pala ang maleta niya. Shit asan ba 'yon?

Saka niya lang naalala na dahil sa paghila ni Eliot ay hindi niya nakuha yung maleta sa elevator. Palpak.

Dali-dali siyang lumabas saka tinungong muli ang elevator na sinakyan nila. Inantay niya hanggang sa bumukas iyon at ng tuluyan na ngang bumukas ay nanghina siya ng makitang wala ang maleta niya. Shit.

Akma na sana siyang papasok sa elevator para bumaba ng may tumawag sa kaniya.

"Eloisa"

Agad rumihestro sa kaniya ang boses, kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Hae Jin. Nakangiti siyang humarap sa likod pero agad napawi iyon ng hindi ang inaasahan niya ang nakita.

"Hi" ani ng lalaki. Nangunot ang kaniyang noo ng bumago na ang boses nito. Maybe she just miss Hae Jin

"I believe this is yours" anang lalaki saka inilagay sa unahan nito ang maleta, ang maleta niya.

Ngumiti siya saka agad kinuha iyon. Thanks God.

"Thank you so much" ani niya saka yumuko ng paulit-ulit sa lalaki.

"When your boyfriend dragged you, you forgot to bring that thing with you"

"Thank you sir" pasasalamat niya muli dito.

"It's fine" ani nito saka pinakatitigan ang kaniyang mukha.

"Are you alright? Did you cry? Your nose is reddish" anang lalaki kaya napatawa naman siya.

"Not really, I just thought that I lost this" ani niya saka ipinakita ang maleta niya.

Tumawa ang lalaki kaya napangiti na lamang siya.

"You're a cry baby huh?" The guy said half amaze

"Of course not" tanggi niya pa

"By the way am Brent, Brent Jackson" pakilala ng lalaki na siyang nakapagpalaki ng kaniyang mata.

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon