Chapter 34

377 10 0
                                    

"Miss Eloisa wala na daw pong available na lilac sa Flores and hindi po namin alam kung kukuha po kami sa iba kasi po—"

"It's okay, palitan nalang natin yung flower. By the way parang gusto kong maglagay ng gumamela" ani niya.

Kasalukuyan siyang nasa San Jose Five Star hotel dahil inaasikaso niya ang venue ng kasal niya. Siya na ang nagprisenta na ayusin ang venue dahil wala naman siyang ginagawa sa condo. Pumayag naman ang lalaki kaya agad siyang tumalima para asikasuhin ang lahat.

"A, sege po ma'am pero kung fresh gummamela po ang gagamitin natin ay baka sa araw po mismo ng kasal ninyo iyon mailalagay" ani Mikey na siyang inasign niya para sa pag disenyo ng kaniyang venue.

"It's okay Mickey, basta ayusin ninyo nalang—"

Naputol ang sinasabi niya ng tumunog ang kaniyang phone at ng makita na ang kuya Eliot niya ang caller ay agad siyang nag-excuse sa kausap at saka sinagot ang tawag.

"Yes kuya?"

"Are you now done?"

"Ahm, I think yes?" Hindi niya sigurado, she heard a man chuckled on the line kaya napangiti naman siya ng todo.

"Not sure?" She can sense that the man on the other line is smiling.

"Oo na tapos na. D'you have work?" Pag-iiba niya saka naglakad siya papunta sa kaniyang mga gamit at pinulot ang kaniyang bag.

"I cancelled all of my appointments. Let's meet— what the hell Bruno!..... You look like an idoit Eliot, stop smiling.... The hell you care! Piss off! Wala kang trabaho!?"

Napakunot ang kaniyang noo dahil sa dalawang boses na nag-aaway sa linya. Is he with Bruno again? Lately kasi ay napapansin niyang palaging kasama ng lalaki si Bruno.

"Hello Eloisa"

"Yes?" Sagot niya agad saka kumaway sa mga tauhan niyang busy sa kaniya-kaniyang mga ginagawa. She gestured to Mickey na mauuna na siya kaya tumango naman ang babae sa kaniya.

"I was saying na puntahan na natin 'yung Hugo's Cater"

"Ahhh, ngayon na tayo mag fo-food tasting? O sege"

"Let's meet sa Agdel tapos iwan mo na kotse mo d'un. I'll drive"

She just nod her head as if makikita iyon ni Eliot. She bid her goodbye then hang up the call.

Pagkapark niya sa parking ng Agdel ay nakita niya agad si Eliot na nakasandig sa kotse nito. He's still wearing his office suit at nakashades din ang lalaki kadahilanan para lalong gumwapo ito. Pagkapatay niya ng makina ay nakangiti siyang lumabas ng kotse at agad lumapit sa lalaki pagkasara niya ng pinto ng kotse. 

"Hi" she greeted him then give him a kiss on his cheeks.

Kitang-kita niya ang paglukot ng noo ng lalaki kaya sinipat niya naman ang sarili. Mabaho na ba siya?

"Bakit?" Tanong niya pa dito.

"You're sweating" simpleng lintaya ng lalaki saka pinunas ang butil ng pawis sa kaniyang noo gamit ang dulo ng coat nito.

Hindi siya gumulaw at nginitian nalang ang lalaki na agad naman nitong sinuklian.

"Kanina ka pa?" Ani niya pa dito habang nakatingala parin kay Eliot at patuloy parin ito sa pagpunas sa kaniya.

"Hindi naman. You're sweating alot, let's go"

Pagkapasok nila sa kotse ay agad binuhay ni Eliot ang makina ng kotse saka ito unti-unting umatras. Nasa nakabukas na bintana ang kaliwang braso ng lalaki, samantalang ang kanan naman ay nasa manibela. Nakatingin ito sa side mirror kaya malaya niya lang na pinagmamasdan ang lalaki, ba't ba ang gwapo nito?

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon