Chapter 8

715 19 0
                                    

Eliot Yilmaz

Naalimpungatan siya dahil sa sinag ng araw. Pupungas-pungas siyang gumalaw saka napapikit ng mariin.

Nakaramdan siya ng pananakit ng ulo kaya agad siyang napasigaw at umupo.

"Arggh!" Angil niya saka napakamot sa noo.

Pagkababa niya ay naabutan niya doon ang mga kaibigan niya at ang iba pang mga bisita sa kasal. Lumapit siya kay Sylvius na nakatulala lamang sa may gilid.

"Hoy" pukaw niya dito pero ang gago ay hindi man lang natinag.

Tumingin siya sa iba pa nilang kasamahan at nadako ang kaniyang tingin kay Bruno na tawang-tawa habang kausap si Chase. Tsk

"Bruno" tawag niya sa kaibigan na agad namang napatingin sa kaniya.

"Yep?"

"Nyare dito?" Nguso niya kay Sylvius.

"Aba malay ko? Ikaw katabi ba't 'di mo tanungin?" Ani nito saka humarap muli kay Chase. Tarantado

Nilibot niya pa ang kaniyang paningin at hinanap si Eloi pero wala ang babae. Wala ring bakas ng kasintahan nito, umuwi na ba?

Tumingin siya sa may labas pero wala parin siyang makita. Umiling na lamang siya saka tumungaga.

Maya't maya lang ay dumating ang boyfriend ng kaniyang pinsan. Si Ankour.

"Good morning guys!" Nakangiting bati ng lalaki.

Iba... Maganda ang umaga ng isang 'to.

Inirapan niya lang ang lalaki saka siya tumayo at pumunta ng kusina, naabutan niya ang tita Dorcas niya na nag-aayos sa kusina kasama ang mga katulong nito.

Naupo siya sa bakanteng silya sa pinagmasdan ang bawat galaw ng mga tao.

"O Eliot bakit narito ka na?" Wika ng tita niya habang patuloy lamang sa ginagawa.

"I feel bored in there" sagot niya lang

"Ah okay, just wait malapit na man na kaming matapos"

Tumango nalang siya saka tumunganga. Hindi naman siya papasok sa trabaho ngayon kasi on leave siya. Nakaramdam naman siya ng pagkatamad bigla kaya napasandig siya at napapikit.

"Mukhang napadami ata ang inum mo kagabi Eliot ah" wika ng ginang kaya agad siyang napamulat.

Ngumiti siya sa ginang at umiling-iling dito.

"Hasus, hindi na nga magkandaugaga si Eloi at Hae Jin sa pagbubat sayo"

Nanlaki bigla ang kaniyang mata at agad na napatuwid ng upo.

"Ha" maang niyang wika dito.

Tumawa ang ginang saka umiling-iing sa kaniya. Really? Ang huli niya lang kasing natatandaan ay kausap niya si Eloi at hanggang doon lang, teka?

Kunot na kunot ang kaniyang noo na napatingin siya sa ginang. Malawak lamang ang ngiti nito

"Pababa na ako kagabi para sabihin kay Sylvius na dalhan niya ng stock ng pagkain ang bagong kasal and ayon naabutan ko ang magkasintahan na akay-akay ka na"

Napakamot siya ng noo saka alanganing napangiti. Damn, nakakahiya.

"Goodmorning Love birds"

Agad siyang napalingon sa may salas kung saan niya narinig ang boses ng pinsan.

"Ganda ng gising ah! Blooming din"

Agad nangunot ang kaniyang noo kaya napatayo siya at unti-unting naglakad papunta sa may hamba ng pinto. Pagkarating ay huminto siya at sumandal doon saka pinagmasdan ang dalawang bagong dating.

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon