Chapter 23

503 10 0
                                    


"You better should"

Wala naman siyang mapapala kaya kwinento niya sa pinsan ang mga nangyari kung bakit humantong sa ganito. Yung pakikipagrelasyon lang naman ni Eloi ang ni kwento niya dahil hindi na kailangan pang malaman pa ni Anu ang mga nangyayari sa Siguenza family and they have no rights to middle on them.

"I'm just helping them besides tito Pier is my father's besftfriend" ani niya dito

"Pero kasal na ito kuya. Hindi ito kasal kasalan lamang"

"Stop it Anu. Hindi basta basta ang pinasok ni Eloi, apo ng Prime Minister iyon Anushka at alam ng lahat ng tao kung gaano kasama iyon. Let's come to the situation na hindi ikinasal si Eloi and they found out that it was Eloisa who's with Hae Jin, what do you think will happen? D'you think tatantanan ng pamilya ng asawa ng koreanong 'yon si Eloi? You know they won't"

"Kuya..."

"Kailangang palabasin na ikakasal sa akin si Eloi para matapos ang issue kasi how can a supposed to be married woman have an affair to a married man? Eloisa and Hae Jin are bestfriends at iyon ang alam ng lahat"

Hindi umimik si Anushka at yumuko na lamang ito, napansin niha ang pasimpleng pagpunas nito ng luha kaya nilapitan niya naman saka niyakap.

"Shhh stop thinking about it Anu baka makasama sa bata. Ako na ang bahala nito and please refrain your self from thinking about so many things"

Tumango lang ang babae saka tuluyan na ngang umiyak.

"Saan daw ba tutuloy si Eloi?" Tanong siya sa pinsan ng gumaan na ang pakiramdam nito at natigil na sa pagiging emosyonal

"Sabi niya kila lola Rosie daw" patungkol nito sa ina ng tito Caspier nila

Agad nangunot ang kaniyang noo dahil sa sinabi ng babae.

"Ang layo-layo n'un dito sa atin" ani niya naman

"Kaya nga. I told her na sa bahay ko nalang siya tumira para may kasama naman ako pero aba mukhang ayaw nga" ani naman ni Anu.

Sinamaan niya ng tingin ang pinsan kaya nag-iwas ito ng tingin sa kaniya.

"Diba sabi ko kila mamala ka na tumira o kaya umuwi ka muna sa bahay ng mga magulang mo? Ang tigas ng ulo mo"

Ilang beses niya na itong pinagsabihan na umuwi na muna dahil sa kalagayan nito, palaging mag-isa. Paano pag may mangyaring hindi inaasahan dito? Sino dudulog dito? Saka gusto niya itong umuwi sa mamala nila para kahit papaano ay hindi ito mapuntahan ni Chase dahil mababangasan niya talaga ang lalaking iyon.

"Ayaw ko maging pabigat kuya saka kasalanan ko naman kung bakit nangyari ito sa akin eh" wika naman ni Anu habang may lungkot sa mukha nito.

Nakaramdam naman siya ng awa sa pinsan. Hanggat maaari ay ayaw niyang masaktan ang pamilya niya, siya ang panganay na apo at pangalawa si Anu. Dalawang babae lamang ang apo ng mga Lagdameo at si Anu lang iyon at ang kapatid niyang si Ella Thalia kaya sobrang mahal niya ang mga ito.

Umusog siya papalapit kay Anu saka ito niyakap na muli. Hindi deserve ni Anushka ang ganito, hindi niya deserve ang masaktan dahil prinsesa ito ng pamilya nila.

"Okay na okay na. Basta pag seven months uuwi ka na ah" ani niya sa pinsan kaya tumango-tango lang ang babae.

Eloisa Priety

Pagkagising niya ay dumiretso agad siya sa banyo para maligo. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto kahit may tuwalya pa siya sa ulo.

Hinanap ng kaniyang mata si Anushka pero hindi niya ito nakita. Otomatiko siyang napatingin sa orasan na nakadikit sa dingding. Alas sais na ng gabi, aba at napahaba ata ang tulog niya.

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon