Chapter 42

398 15 0
                                    

"Magpahinga ka muna dahil mamayang gabi ay pupunta tayo sa bahay nina ma" ani Eliot habang tutok lang ito sa pagmamaneho.

Nakaramdam siya ng pananakit ng katawan dahil na rin siguro sa jetlag. Galing silang New York dahil umattend siya ng graduation and finally, graduate na din. Si Eliot ang kasama niya at ang kaniyang pamilya pero naghiwalay lang sila ng flight ng kaniyang pamilya dahil balik NorKor na naman ang mga ito.

Dalawang araw niya lang nakasama ang pamilya niya kaya agad niyang na miss ang mga ito pagkasakay nila sa eroplano. Bale siya ang naunang lumipad papuntang NY dahil nag practice pa sila at sumunod nalang si Eliot dahil inasikaso din nito ang companya. Her husband never leave her side mula ng magsama sila. Suportado siya nito sa lahat ng bagay at feel na feel niya naman ang pagiging misis nito.

Their relationship improved mula ng magkaaminan sila sa doon sa resort. Matagal na pala siyang mahal ng lalaki kahit sila pa noon ni Hae Jin, hindi niya mapaliwanag ang nararamdaman niya ng mga panahong iyon dahil alam na alam niya sa sarili niya na mahal niya din ito.

They live as a real couple at walang halong takot na masaktan.

"Grocery muna tayo?" She suggested pero umiling lang ang lalaki.

"No. Magpahinga ka muna"

"Ako lang?" Kunot noong tanong niya sa lalaki. Kung magsalita kasi ito kay kala mo siya lang ang pagod sa byahe.

"May pupuntahan lang ako"

"Sama" parang bata niyang sabi dito kaya tumingin sa kaniya ang lalaki pero saglit lang at muli itong tumingin sa daan.

"No"

"Sege na"

"Kulit"

"Ano ba kasi ang gagawin mo? Sama na kasi" pag kukulit niya pa dito pero hindi na siya nito pinansin.

"Matulog ka nalang okay?" Ani Eliot saka inayos ang unan sa kaniyang ulo.

"Sama na kasi ako. Bakit ba ayaw mo? Mambababae ka, no?" Saka niya ito binigyan ng mapanghusgang tingin.

Agad nangunot ang noo ng lalaki dahil sa kaniyang sinabi, tumitig ito sa kaniya saka nameywang at sinuri siya ng mabuti.

"Bakit ganiyan ka makatingin? Totoo no? Makikipagkita ka kay Farine?"

Tumayo siya saka akma sanang lalayasan ang lalaki ng bigla siya nitong hilahin. Nakahawak ito sa kaniyang braso na pilit niya namang inaalis pero hindi siya hinahayaang makawala dito.

"Bitaw!" Asik niya dito pero wari ba ay wala itong narinig at nanatili lang itong nakatitig sa kaniya. "Bitaw sabi!"

"Nag seselos ka ba?" Diretsang tanong ng lalaki kaya agad nanlaki ang kaniyabg nata at maya't maya ay napangisi.

This man is unbelievable.

"Nagseselos ako! Baka kasi asawa mo ako diba?" She said sarcastically saka pilot paring inaalis ang pagkakahawak ng lalaki.

"Yes you're my wife and there's nothing to be jealous" ngumisi ito saka siya hinila papalapit dito.

Nagdikit ang kanilang katawan kaya agad dumapo ang kaniyang kanang kamay sa matipunong dibdib ng lalaki. Tumingala siya para salubungin ang titig nito.

Unti-untimg nanubig ang kaniyang mata at maya't maya lang ay lumabo. Naiiyak na naman siya, pero bakit ba kasi naman siya nag seselos? At bakit naman kasi pupunta ito sa babaeng 'yun. Kahit papaano ay minahal din ni Eliot si Farine at ito ang naging dahilan para pagtabuyan siya ng lalaki noon.

"Si Farine 'yun" she said almost a whisper.

"Shhh. Don't cry, am not going to meet Farine" pag-aalo pa nito sa kaniya saka siya niyakap.

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon