Chapter 30

438 12 0
                                    

"This one is my new design, Elessé and sa'yo ko 'to unang pinakita" ani Doris saka iniusog sa kaniya ang laptop at ipinakita sa kaniya ang design.

Pinakatitigan niya iyon and hindi niya napigilan ang sarili na hindi mamangha. It's a no strap gown with long V line. It's daring and sexy at ang nakakuha ng atensyon niya ay ang mga beads nito.

Tumingin siya kay Doris na ngayon ay nakatingin din sa kaniya.

"Ahm I like it-"

"No"

Agad silang napatingin sa likod dahil sa taong nagsalita.

"No. I won't let you wear that Eloisa" maotoridad nitong wika habang nasa magkabilang bulsa ang mga kamay nito.

"My dear Eliot naman-"

"You'll change the design or no one will wear it? You choose Doris"

"Fine, I'll show you my next designs"

At saka nilipat na ni Doris ang slide at saka pinakatitigan naman ni Eliot pero lahat ng pinakita ni Doris ay hindi nito nagustuhan.

Ano ba ang problema ng lalaking 'to?

"No. Wala bang design ma hindi kita ang dibdib?"

"Know what Eliot ano ba ang pangit sa designs ko? Halerr? Lahat ata ng designs ko ay bagay kay Eloi at saka ang arte mo ha" ani pa ni Doris kaya bahagyang nanlaki ang kaniyang mata dahil sa bwelta nito kay Eliot.

"Still a no. Wala ka bang ibang designs na inihanda para kay Eloisa na hindi dairing?"

"Hoy lalaki. Bakit ba ang possessive mo? Kahit magbikini pa si Eloi sa araw ng kasal ninyo ay sayo padin naman siya uuwi-"

Napansin niya ang pagtaas ng gilid ng labi ni Eliot saka ang bagsik ng mata nito kaya agad siyang nabahala.

"Bikini!? really?"

She can feel the tension between the two kaya hindi na siya nakapagpigil at tumayo siya para pagitnaan ang dalawa.

"Stop,Will you?"

Tumingin siya kay Eliot saka ito sinamaan ng tingin.

"Ok hindi ko na susuutin ang alin man sa mga designs pero please naman kuya, kahit isa man lang sana is nagustuhan mo d'un. Bumyahe sina Ms. Doris papunta dito para lang sa wedding gowns na 'yan tapos-"

"Fine! Suutin mo kung ano gusto mong suutin" anas ni Eliot saka sila tinalikuran.

Aba't. Agad nag-init ang kaniyang ulo kaya bigla niyang hinarap si Doris.

"May copy ka po ba nung Ellesé? Printed?" Ani niya kay Doris.

"Ha?" Maang pa ni Doris kaya tinaasan niya lang ito ng kilay.

"Ah yes yes. Fred give her the picture" ani Doris akaya agad namang tumalima ang isa sa kasamahan nito.

"Ang please hand me a pencil" wika niya pa.

Pagkabigay ni Fred sa kaniya ng copy ay agad niya itong ipinatong sa mesa saka bumwelo. She made a new design on the Ellesé, may binura siya at dinagdag na alam niyang papasok na sa taste ni Eliot.

Ng matapos ay agad niyang ibinagsak sa mesa ang lapis kaya napapitlag naman ang lahat. Lumayo siya saka naglakad papunta sa bakanteng lugar ng salas.

"Okay Ms. Doris, get my measurements"








"Next month na pala ang kasal ano?"

Tumango lang si Eloi saka tumuloy sa pagbalat ng mangga. Nagki-crave na naman kasi si buntis.

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon