Chapter 33

390 12 0
                                    

Eloisa Priety

"Asan na ba 'yon?"

Muli niyang hinalungkat ang drawer at ng hindi makita ang bracelet ay lumuhod siya sa sahig saka sinilip ang ilalim ng kama. Kanina niya pa hinahanap ang bracelet pagkagising niya pero wala na ito at tanging ang box na lamang ang natira.

Tanda niya na hawak-hawak niya iyon kagabi hanggang sa makatulog siya pero paanong nawala?

Kung saan saan na niya hinanap pero wala talaga kaya nagpasiya na lamang siyang magluto dahil alam niyang may trabaho pa si Eliot. Baka nailagay niya lang iyon sa kung saan at hindi niya na alam.

Inayos na niya ang mesa saka pinagtimpla na din ng kape ang lalaki, feel na feel na niya ang pagiging may bahay niya. Pagkaupo ng lalaki sa hapag ay saka niya naman ibinigay dito ang kape nito. Nakabusangot siyang naupo saka nagsandok na din ng kanin at hindi niya napansin na nakatingin na din pala sa kaniya ang lalaki.

"What's with the face?" Usumisa naman ng lalaki

Iling lamang ang sinagot niya dito saka siya nag simulang kumain.

"May problema ba?" Tanong pa nglalaki nito.

Napabuntong hininga nalang siya saka tiningnan ang kaharap.

"Wala naman. May hinahanap lang ako na hindi ko makita" ani niya saka muling bumusangot.

Bakit ba kasi nawala pa 'yon?

"Ito ba?" Wika ng lalaki saka itinaas ang kanang kamay nito saka ipinakita ang suot nitong bracelet.

Agad nanlaki ang kaniyang mata saka dali-daling inabot ang kamay ng lalaki. Sinipat niya ang bracelet at 'yon nga ang hinahanap niya.

Pero binigyan ni Farine ang lalaki ng kaparehong bracelet at pwedeng iyon ang gamit nito ngayon. Napairap siya saka binitawan ang kamay ng nito.

"Hindi ko alam" ani niya saka muling nagpatuloy sa pagkain.

"This is not what Farine gave me. You dropped this last night"

Agad siyang napahinto sa akma niyang pasubo saka unti-unting iniangat ang ulo saka tiningnan ang kaharap, seryoso na itong nakatingin sa kaniya.

"At first, I thought this was the one that Farine gave me but the momemt I put this in my drawer I found out that I already have two so I put it together then see the differences. It's both the same kaya I got confused not untill I saw your signature and the date of my birthday dito sa bracelet na 'to" mahabang lintaya ng lalaki.

Ngumiti si Eliot saka ipinatong ang dalawang kamay sa mesa saka pinagsakop ang dalawang kamay at saka naman ipinatong ang baba nito doon. Tumitig ito sa kaniya at hindi niya alam kung iiwas ba siya o lalabanan ito but she chose the latter. Pakiramdam niya ay matutunaw siya dahil sa titig nito.

"You're the designer of this bracelet also that ring that you are wearing right now" at saka tinuro ang engagement ring na suot niya sa kaniyang daliri.

Paanong?....


A week had passed at nakatanggap na sila ng tawag mula kay Doris. Tapos na daw ang wedding gown niya pati na din ang suit ni Eliot. Two weeks na lamang at kasal na nila ng kuya Eliot niya, nakakaramdam siya ng kaba sa tuwing iniisip niya na ikakasal na nga siya sa lalaking dati niyang pinapangarap na maging asawa.

This is no longer a joke kaya hanggang ngayon ay hindi pa din sumi-sink in sa kukote niya ang mga nangyayari. 2 weeks of living with Eliot is not easy dahil naiilang pa din siya sa lalaki, they're sharing the same house, same room and same bed. It's kinda uncomfortable kaya ipinilit niya na lamang na sanayin ang sarili.

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon