Chapter 13

616 18 0
                                    

Three days had been passed at nakatunganga lamang si Eloi sa kaniyang Condo. Kinaumagahan din ng usapan nila ni Hae Jin ay bumalik na ito ng Norkor dahil sa nalalapit nitong kasal.

The moment Hae Jin asked her to be his girlfriend ay pumayag agad siya dahil hindi naman malabong magustuhan niya ang lalaki at sa mga panahong iyon ay baliw na baliw pa siya kay Eliot Yilmaz. Maybe Hae Jin will be the way para makalimutan niya ang lalaki and yes, he is.

Alam niyang may hangganan lamang iyon and they just did it for fun but on their second anniversary ay nagconfess na sa kaniya si Hae Jin ng pagmamahal nito at sa mga oras ding iyon ay inamin niya na din sa lalaki ang pagtingin niya.

It became real hanggang ngayon but their relationship has its end. The moment Hae Jin turns 23 ay dapat na nitong pakasalan ang anak ng Commander in chief na kanang kamay ng Prime Minister.

She has been broken for the second time, una ay ng pagtabuyan siya ni Eliot Yilmaz at ngayon ay ito.

She cut all her connections to her family dahil gusto niya na munang mapag-isa. Alam niyang alam na ng papa niya ang tungkol sa kanila ni Hae Jin, why wouldn't he? He's one of the important persons of the Prime Minister at hindi maaaring hindi magdalo ang kaniyang pamilya sa kasalan.

Ng makaramdam ng gutom ay agad siyang tumayo at nahinto ng makarinig ng sunod-sunod na tunog mula sa kaniyang doorbell.

Kunot noong lumapit siya doon. She's not expecting any visitors today tapos na din naman yung tagalinis mag linis kahapon pa but still ay pinagbuksan niya padin ang nasa labas.

Maliit palang ang sewang ng pinto pero nangahas na ang kung sino man na pumasok sa pad niya.

"Who the hell are you— kuya?"

Nanlaki ang kaniyang mata ng makumpirma na ang kuya Eliot niya nga ito. What the hell is he doing here?

"Really Eloi? You're parents are worried sick because they can't contact you. What's happening to you?" Ani ng lalaki habang nakataas ang kilay nito

"What are you doing here?" Tanong niya din dito.

"Don't answer me with a question Eloi and please answer my goddamn question!" Asik nito sa kaniya.

Umalingawngaw sa kaniyang pad ang boses ng lalaki kaya napapikit naman siya.

"Sagot!" Sigaw pa ng lalaki.

Minulat niya ang kaniyang mata saka nanlilisik ang matang tiningnan ng lalaki.

"What do you care!? Umalis ka na" taboy niya pa dito.

"Talaga? Ganito ka ba talaga? You're closing your door to those who are concern to you?" Ani pa ng lalaki.

Unti-unti itong lumapit sa kaniya kaya napaatras naman siya hanggang sa wala na siyang maatrasan dahil pader na ang nasa likod niya.

"Why aren't you calling your parents? Dahil broken hearted ka? Masakit puso mo? Nagluluksa ka? Tell me" mahinahon na turan ng lalaki.

Lumapit pa ito ng kaunti sa kaniya at ilang pulgada na lamang ang layo nila sa isa't isa. Nakaramdam siya ng pagkailang kaya tinulak niya ang lalaki at lumayo siya dito.

"Umalis ka na please" ani niya dito saka tinuro ang pintuan.

"Hindi mo pa ako sinasagot babae"

"Wala kang pakealam. Bakit ka ba naririto? I don't need anyone at this moment!" ani niya

"That's not what your eyes are saying" seryosong wika ng lalaki habang direktang nakatingin sa kaniya.

Napatawa naman siya dahil sa sinabi ng lalaki. Ano ba ang kahibangan ng isang 'to?

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon