Chapter 20

529 18 1
                                    


Third Person

Matapos asikasuhin ni Marjoon ang kaniyang mga anak ay tinungo niya ang bawat kwarto para kunin ang mga nagamit ng mga damit. Inuna na niya sa kanila sunod kila Edsie at Briguela, nilagay niya sa bawat hamper ang mga lalabhang damit.

Nangunot ang kaniyang noo ng mapansin sa hamper ang puting short ni Edsielyn na may mantsa ng dugo.

"Aba't hindi talaga napagsasabihan ang Edsie na 'yon. Sabing huwag gumamit ng puti pag nireregla eh, hay naku" umiling na lamang ang ginang saka inibabaw ang ay mantsang short.

Matapos asikasuhin sa dalawa ay tinungo niya naman ang kwarto ni Eloi. Nabusan niya agad ang kwarto ng anak dahil pinag sasabihan niya ag mga anak niya na huwag mag lalock ng pinto kapag gabi.

Naabutan niya ang nakadapang si Eloi at sobrang himbing ang tulog. Numiti lang siya saka ibinalik ang atensyon sa gagawin.

Tinungo niya ang hamper ni Eloi saka inilipat ang mga labahing damit sa dala niyang hamper na walang laman. Patuloy lamang siya sa paglipat ng matigilan siya.

Iniangat niya ang dress na pamilyar sa kaniya, ang dress na nakita niya sa balita kagabi.

Agad nag-init ang ulo ni Marjoon kaya pinuntahan niya ang anak bitbit ang damit nito saka iyon pinaghahampas sa babae.

"Walang hiya ka! Ano ba ang pumapasok sa kukote mong bata ka!?" Ani nito habang patuloy sa paghampas sa babae.

Hindi niya tinitigilan si Eloisa hanggat hindi ito nagigising. At ng magkaulirat ay todo iwas naman ang babae saka sinasalag na ang kaniyang mga hampas.

"Ma ano ba!? Ke aga-aga"

"Ano 'to?" Ani ni Marjoon saka itinapon kay Eloisa ang damit na pinanghampas niha dito.

Agad nagunot ang noo ni Eloi ng makilala ang damit. Abot langit ang kaniyang naging kaba dahil 'don.

"Ma, I can explain"

"Reserve your explination later. Tatawagan ko ang papa mo" ani nito saka tinalikuran si Eloisa.

Eloisa Priety

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari diyan sa anak natin Caspier" ani ng kaniyang ina habang lumuha at nakayakap sa kaniyang ama. Todo patahan naman ang kaniyang ama at hindi pa siya pinapansin.

Truth to what her mother say ay agad nga nitong tinawagan ang kaniyang ama at makalipas ang tatlong oras ay dumating na ito. Hindi sila nagpansin ng kaniyang ina sa loob ng tatlong oras na iyon at iyak ng iyak lamang ang mama niya dahil sa sama ng loob sa kaniya.

Tanghali na dumating ang papa niya at hindi din siya nito pinansin pagkadating nito.

"Hindi ko akalain na magiging ganu'n siya-"

"Stop Joony, let me talk to her" ani ng kaniyang ama.

"What's this Eloisa?" Maotoridad na wika ng kaniyang ama sa kaniya.

Galit ito dah ginamit na nito ang buong pangalan niya. Ohkey.

"Pa I can explain" ani niya dito

"Yeh, you should" ani ng ama saka namewang.

Kasaukuyan silang nasa opisina ng papa niya sa loob ng bahay nila. Dito sila palaging dinadala ng ama dahil ito sin ang naging confession room nilang magkakapatid.

Kinuwento niya naman sa ama niya ang mga nangyari, sinula sa simula hanggang sa kasunduan nila ngayon. Umiiyak siya habang nagsasalita dahil nakikita noya ang galit sa mukha ng kaniyang ama na ngayon niya lamang nakita.

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon