Chapter 39

396 9 0
                                    

"Ayaw ko pa sanang umalis sina papa kaso may trabaho pa siya at may pasok sina Edsie at Briguel" ani niya saka iniayos ang mesa.

Alas syete na ng gabi at kararating lang ni Eliot galing sa trabaho. Makalipas lang kasi ang apat na araw na pagkauwi nila mula New York ay bumalik na muli ito sa trabaho nito. He's a busy man kaya kahit naka-leave ito sa trabaho ay panay parin ang trabaho nito kahit nasa bahay na.

Kakatapos niya lang mag luto kaya sakto lang ang dating ng asawa. Yes, asawa. Sinasanay niya na din ang sarili niya dahil isang linggo na din silang kasal pero hindi lang kasi maiwasang hindi niya ito matawag ng 'kuya'.

"Hindi ko nga alam kung kailan na naman ang balik nila, kaya si lola Rosie ay nalulungkot na naman dahil wala na naman siyang kasama sa bahay" wika niya pa sala nagsimula nang magsandok ng kanin.

"If you want, we can visit them" simpleng turan ng lalaki at saka muling tumuloy sa pagsubo.

"It's okay, busy ka pa naman sa trabaho mo"

"Hmm. Don't worry, tito Three asked me to visit the Three Metals in NorKor. You can come with me if you want"

"Talaga? Kailan and ilang araw?" She said half excited.

Nagtatalo din kasi ang isip niya kung maari ba talaga siyang pumunta doon. Umuwi siya ng Pilipinas para umiwas sa gulo na ginawa nila ni Hae Jin pero gusto niya din kasing makita ang pamilya niya.

"February 7 and five days" simpleng sagot nito na hindi man lang inaalis ang tingin sa kinakain.

"It's next week, Friday. Ayy, may check up pala si Anu, hindi nalang ako sasama kasi nakapangako na ako sa kaniya na sasamahan ko siya" she said pero agad siyang napahinto at tumingin sa lalaki habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Two days before your birthday. Malapit na pala ang birthday mo"

"Hmmm"

"Wala ka dito sa birthday, no?" Medyo malungkot niyang tanong sa lalaki kaya napahinto ito sa pagkain at saka tumingin sa kaniya.

"Wala" simpleng sagot lang nito kaya tumango nalang din siya at tumuloy nalang sa pagkain.



"Bukas na ang birthday ni kuya, hindi talaga tumawag?"

"Hindi nga, ang huling tawag niya ay kahapon mga bandang alas nuebe ng umaga" malungkot niyang wika saka inilagagay sa foodcart ang mga delata.

Gusto niya kasing libangin ang sarili kaya inaya niya ang buntis na mag grocery muna at saka hindi na din kasi ito masiyang lumalabas kaya baka kailangan na muna nilang magliwaliw na dalawa.

"Kailan uuwi si kuya?" Tanong pa nito habang todo kuya din ng kung anu-ano.

"Sa Tuesday pa" medyo malungkot niyangs sabi saka niya tinulak ang cart para kumuha naman ng iba.

Inilagay niya muna sa kotse ang ipinamili nila at saka sila bumalik sa loob ng mall dahil nag-ayang manuod ng sine si Anu. Ang kaibigan na niya ang pinapila niya para sa ticket at siya naman ay sa drinks at popcorn.

They're going to watch Earthquake Birds. Tiningnan na nila ni Anu ang trailer sa monitor kasama ang iba pang movies na available pero 'yun ang natipuhan ni Anu. Ayaw niya na din suwayin ito dahil wala naman siya sa mood talagang manood at gusto niya lang libangin ang sarili. 

"Barbeque flavor please and dalawang cola" she said then smile to the woman na ginantihan naman nito.

While waiting ay naramdaman niya ang pag vibrate ng kaniyang cellphone, she got excited thinking it was Eliot who's calling kaya agad niya iyong sinagot without looking who the caller is.

Head Over Heels (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon