Pakiplay ng song habang nagbabasa para feel mo yung pagbabasa😅 Yan yung napili kong song kase about friend yung meaning and maganda rin yung song promise😍
KC's POV
Nag aasikaso ako ng mga lulutuin ko ng may nag door bell napatingin naman ako sa orasan ng makita kong alas dos pa lang ng hapon teka ang aga naman ata ni Allan siguro tapos na sila magusap ng daddy nya.
Pag bukas ko ng pinto parang huminto yung paligid ko at nagulat na lamang ako ng nakayakap na saken si Janah, niyakap naman nila kong lahat at sabay sabay nilang sinabi na namiss daw nila ako🙂
Ako: Miss na miss ko na rin kayo guys (sabay pinapasok ko na sila sa loob at pinaupo muna) Kamusta naman na kayo?
Janah: Grabe ka naman KC hindi ka manlang nag paramdam samen.
Ako: Sorry guys gusto ko lang kase muna makalimutan yung mga nangyare and besides tinutulungan naman ako ni Allan na hanapin yung totoong mga magulang ko.
Daniel: So pati ba kame kinalimutan muna.
Ako: Hindi, hindi naman sa ganon, gusto ko kase sana kasama ko na ang totoo kong magulang bago ulit ako humarap sa inyong lahat.
Joey: KC hindi na kailangan dahil matagal muna silang nakita at nakasama.
Napatingin naman kaming lahat kay Joey at tinignan nya isa isa ang barkada at saken sya huling tumingin.
Ako: Ano bang sinasabi mo Joey? Pano nangyare yun?
Sya: Nasabi muna samen nuon na sinabi sayo ni tita na may kwintas na naiwan sa gamit mo at pinasok yung bahay nyo pero tanging yung kwintas lang ang kinuha.
Ako: Oo yun nga.
Chezka: Teka teka anong kwintas? Atsaka parang wala naman akong naaalala na may sinabi kang ganyan samen ate KC.
Darwin: Sinabi na nya yun samen.
Jelay: Kung ganon, sino sila at nasan na sila?
Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas at niluwa si Allan tumayo si Jeric at sinalubong nya si Allan at inakbayan sya nito dahilan upang ako ay magtaka.
Ako: Magkakilala kayo?
Jeric: Magkakilalang magkakilala, syanga pala guys i want you to meet my cousin si kuya Allan.
Allan: Hi guys nice to meet you😊
Sila: Sayo din.
"Matagal muna palang kasama si ate KC pero hindi mo manlang sinabi saken."
Sabi ni Jeric kay Allan.
Allan: Hindi ko naman alam na magkakilala kayo ngayon ko lang nalaman atsaka hindi mo rin naman sya nababanggit saken mula pa nuon.
Daniel: Sus kasalanan mo naman pala Jeric e😒
Jeric: O bakit ako? Hindi ko naman kase alam na mangyayare yung mga nangyare nuon.
Ako: Hep hep tama na nga yan mamaya kung saan pa yan makarating e, hmmm guys dito na kayo kumain magluluto ako.
Jeric: Talaga ate KC? Tamang tama gutom na ko.
Jelay: Kailan kaba nabusog? E kahit naman kakakain mo lang maya maya gutom kana rin naman agad.
At sabay sabay na tawanan nameng lahat pumunta na ko sa kusina at nag insist naman si Janah na tutulungan na nya kong magluto sumunod din si Joey.
Chapter: 34 is done...
Tuluyan na kayang makilala ni KC ang tunay nyang mga magulang?
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Kita Mamahalin
RandomSana magustuhan nyo to guys😅 First time ko gumawa ng story in wattpad heheks😆