Darwin's POV
Hi guysssss ako nga pala si Darwin John Padilla yes isa akong Padilla at kuya ko si kuya Daniel pareho kaming DJ ang nick name because Daniel John sya at ako naman ay Darwin John ewan ko ba kila mommy at daddy yun ang ibinigay samen pareho, kapag nga may tumatawag kay kuya na DJ diko mapigilan hindi lumingon.
Naghahanap ako ng ilang damit na dadalhin sa bahay nila Jelay nagaya kase siya na mag sleep over kame sa kanila inaabot ng 1 week or more pinaka matagal namen na mag sleep over sa kanila is 3 weeks🤣 Panigurado nanaman na matatagalan yung parents nila kung san man sila pumunta ngayon.
Humarap ako sa salamin, grabe ang pogi ko talaga😍 Kaya ang daming naiinlove saken e pero hanggang ngayon isa lang yung gusto ko kaso hindi nya ko magustuhan🙈 Wala pa kong nagiging girlfriend hindi tulad ni kuya na iba iba ang babaeng palaging kasama😂 Yes babaero si kuya pero hindi nya dinadala sa bahay yung mga nagiging babae nya, dahil may isa daw syang salita yun ay 'Kung sino daw ang babaeng dalhin nya dito sa bahay at ipakilala kay mommy at daddy yun na daw ang pakakasalan nya' o diba ang sweet💙 Hindi ko namalayan pumasok na pala si mommy sa kwarto ko, sabagay tapos na rin naman ako maligo at mag bihis.
Sya: Gwapong gwapo sa sarili anak?
Natawa naman ako sa sinabi ni mommy, "Good morning son" binati naman nya ako at niyakap, pagka bitaw namen sa yakap
Sya: Mukhang bihis na bihis ang anak ko ha, san ang lakad natin ngayon?
Ako: E kase mommy nagaya si Jelay mag sleep over daw kame sa kanila wala daw ulit sila tita at tito.
Sya: Oo nasa zamboanga sila Ally at Cris kasama namen sila kahapon at nabanggit nila samen na aalis nga sila para sa company nila, so kumain ka muna bago ka umalis.
Ako: Yes mom, sunod na po ako tapusin ko lang po tong pag aayos ko ng mga gamit.
Sya: Okay son, tyt.
At lumabas na nga sya, siguro kinatok na rin nya si kuya sa kwarto nya malapit lang naman yung kwarto ni kuya sa kwarto ko tsaka patapos na rin naman ako, pumunta na ko sa kitchen para kumain wala pa si kuya pero nandito na si mommy kaya kumain na kame.
Kuya Dj: Goodmorning little bro (Sabay tapik nya sa balikat ko)
Ako: Anong good sa morning? Okay na sana e bakit may little bro pa sa huli😏 Hindi na ko bata kuya malaki na ko malapit na nga kitang maabutan e.
Sya: Oo na po sige na HAHAH, Kanino yung bag dun sa sala? Sayo ba yun ma?
Mommy: Hindi anak, sa kapatid mo yun.
Agad naman syang tumingin saken at sabay sabing "San punta bro?"
Ako: Kila Jelay nagaya kase sya na mag sleep over kame sa kanila.
Sya: E bakit ang dame mong dalang damit? Hindi kana ba babalik? Mag sasama na ba kayo ni Jelay? Ayiiieee.
Ako: 1 week kase kame dun, and besides pagtapos ng 1 week start na ng klase kaya tama lang yun mag mo movie marathon kame sa kanila, mag suswimming basta mag eenjoy kame bago matapos ang bakasyon at isa pa kuya hindi naman si Jelay ang gusto ko e.
Sya: E sino? Si Jeric?
Naibuga ko naman yung tubig na iniinom ko, mabuti na lamang at sa right side ko naibuga atlis dun walang tao, nag death glare naman ako sa kanya at nagsalita ulit sya.
Sya: HAHAHAH Joke lang, alam ko naman na si Chezka yung gusto mo☺️ Magaling kang pumili (Sabay kindat saken).
Ako: Aba syempre, hindi mo naman ako katulad kuya na pipili na lang ng laruan e yung mga sumobra pa ang kolorete sa katawan kulang na nga lang mag lagay sila ng pulang kamatis sa ilong😂
Mommy: Tama na yan, baka kung san pa mapunta yan. Sige na kumain na kayo.
Sya: Darwin mga kaibigan mo lang ba ang pupunta kila Jelay?
Ako: Ewan ko, pero andun si ate Janah so i'm sure na pupunta rin yung mga kaibigan nya.
Sya: Tutal wala naman akong gagawin e, edi sasama na lang ako sayo makikigulo na lang din ako kila Janah😁
Ako: Naku kuya kung may binabalak kang masama wag mo ng ituloy.
KC's POV.
Tumawag saken si Janah kanina sleep over daw kame sa kanila nag paalam naman na ko kay nanay at pumayag naman na sya, dun naman din kase sya matutulog kila ante mising sasamahan nya daw sila ante Tumawag din kase kanina hmmm teka what if kung ayain ko kaya si Joey tama teka matawagan nga.
Ako: (Sinagot naman agad nya) May gagawin kaba ngayon?
Sya: Wala naman, bakit?
Ako: Tamang tama, Tara sama ka samen mag sleep over kame kila Janah.
Sya: Talaga? Osige pero teka baka naman dalawa lang kayong babae tapos ako lang mag isang lalake?
Ako: Hindi naman tsaka kasama si Macky at yung mga kaibigan ni Jelay, yung kapatid ni Janah.
Sya: Osige, susunduin kana lang namen jan ni Macky para sabay sabay na tayo pumunta kila Janah yieeee excited na ko sige na see you later buddy😉
Ako: Sigesige, nagaayos pa naman ako ng mga gamit ko e wait BUDDY?
Sya: Oo mula ngayon yan na ang tawag ko sayo☺️ Pwede mo rin akong tawaging BUDDY or BUDS it depends sayo kung anong gusto mo.
Ako: Oo na bilisan muna at kanina pa tayo hinihintay nila Janah.
At pinatay na din nya yung tawag, ito talagang si Joey ang dameng naiisip, napailing na lang ako at napa ngiti. Tinapos ko na rin naman yung pagaayos ng mga gamit ko na dadalhin kila Janah.
Chapter: 8 is done...
Si Danica Padilla ay si Angelica Panganiban sya ang mommy nila Daniel at Darwin John Padilla at sya din ang nasa multi media sa taas💙

BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Kita Mamahalin
De TodoSana magustuhan nyo to guys😅 First time ko gumawa ng story in wattpad heheks😆