Joey's POV
Hindi talaga ako nakatulog ng maayos kagabe🙈 Hindi ko kase alam kung pano ko sisimulan ang lahat kay KC pero sabi naman ni Macky mabait si KC kahit naman na mabait pa sya pano kung isumpa nya ko haixt naku naman😔.
Ako nga pala si Joey oldest brother ni Macky actually tatlo sana kameng mag kakapatid kaso nakunan si mommy dahil sa sobrang stress, puyat at pagod nya sa kompanya namen sobrang pang hihinayang namen nun kase may prinsesa na sana kame ang kaso nga nawala pa😣 Mag kaka batch lang kame nila Macky huminto kase ako nang ilang taon 3 years lang naman ang agwat namen ni Macky at late na rin ako nakapasok tapos natigil pa ko sa pag aaral dahil may business trip si dad sa Singapore at hindi naman pwedeng iwan si mommy magisa dahil nasa part pa sya ng pag momove on sa kapatid nameng bunso, kasali pala ako sa basketball team sa school namen pag nalaman ng mga ka team mates ko yung ginawa ko panigurado pagtatawanan na naman nila ko hindi ko na lang ipapaalam sa kanila.
Ting with light bulb sa ulo😅 Alam ko na kung pano kakausapin si KC matawagan nga.
Ako: (Nakaka dalawang ring pa lang sinagot na nya) Hmmm hi KC busy kaba ngayon?
KC: Hindi naman, wala nga kong magawa dito sa bahay halos naikot ko na nga yung bawat sulok ng bahay namen e. Ano bang atin at napatawag ka?
Ako: Aayain lang sana kita if pwede lang naman sayo?
KC: San naman tayo pupunta kung sasama ako sayo?
Ako: (Napaisip bigla, saan nga ba kaya?) A E
KC: I O U
Pag putol at pangaasar nya saken na May halong tawa ang ganda pala talaga ng boses nya, boses pa lang nya ang ganda na😍 Pero mas maganda pa rin si Janah my loves ko harthart❤️
KC: Hoooooy Joeyyyyyy anjaaaaaaan kapaaaaaa baaaaaaa?
Nailayo ko bigla yung cellphone ko sa tenga ko, grabe naman tong babaeng to nakalunok ba to ng mic? Jusme feeling ko nabingi ako dun.
Ako: Oo pasensya na, basta susunduin na lang kita jan sa inyo around 2pm okay bye.
At ibinaba ko na, sa Park ko na lang sya dadalhin mamaya atlis dun walang makakakita kung sakaling saktan nya ko😅 Maaga pa naman e makatulog na nga lang muna.
KC's POV
Ano naman kaya ang sa sabihin ni Joey saken? Around 2pm daw susunduin nya ko dito sa bahay nagulat ako ng biglang may kumatok sa kwarto ko haixt naku naman aatakihin na ko nito sa puso e.
Ako: Sino yan?
Sya: Anak aalis muna ako saglit ha? Pag nagutom ka magluto kana lang ng itlog sa baba nakapag saying naman na ako e.
Si nanay lang pala, teka (Bukas ng pinto at sabay tanong ng) "Nay san ka pupunta?"
Nanay: May pupuntahan lang ako anak, saglit lang naman ako dun, pagalis ko isara mo agad ang pinto sa harap at sa likod ha magisa ka lang dito baka kung mapano ka tulad ng mga napapanood ko sa mga balita.
Ako: Haixt naku ang Nanay talaga, wag ka na pong magalala saken, yan ang epekto ng kakapanood mo ng balita nay e aalis din naman po ako mamayang 2pm susunduin po ako ni Joey yung kuya ni Macky kaya wag kana pong magalala saken.
Nanay: Ah yung mistisong lalaki na yun na akala mo naman e pinaglihi sa harina sa sobrang puti😅 Osya sige na basta anak magiingat ka, kayo ha?
Ako: Opo Nay, ikaw din magiingat ka.
At umalis na nga sya, alas dose pa lang ng tanghali Tsss manonood nga muna ako ng TV sa baba.
Naenjoy ko yung panonood nakalimutan ko na may lakad pala kame ng 2pm naalala ko lang ng tumawag ulit si Joey na malapit na raw sya dito sa bahay namen, haixt naku naman KC makakalimutin kana talaga dali dali tuloy akong naligo at nag bihis naka pantalon lang ako at puting t shirt sakto naman pagbaba ko e ang pagkatok ni Joey sa pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/200143595-288-k146938.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Kita Mamahalin
AléatoireSana magustuhan nyo to guys😅 First time ko gumawa ng story in wattpad heheks😆