Chapter: 22

8 0 0
                                    

Kc's POV

Ilang araw na ang dumaan pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita yung kwintas ko😣 Classmate ko pala si Chelsea sa second subject at last subject namen.

Papunta na sana ako sa second subject ko ng mabangga ako ng isang babae

Ako: Ayyy sorry miss hindi ko sinasadya, hindi kase kita napansin

Pag tingin ko si Chelsea pala kasama nya yung mga kaibigan nya binasagan na nga silang 3G dito sa campus.

Sya: Bulag kaba? Sa ganda kong to hindi mo ko napansin? Or sinasadya mo lang talaga na banggain ako?

Ako: Hindi Chelsea, hindi ko talaga sinasadya hindi lang talaga kita napansin kase may iniisip lang ako.

Sya: It means hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, bakit ba kase pinag pipilitin mo pa yung Sarili mo dito samen e samantalang hindi ka bagay dito puro mayayaman ang nagaaral dito.

Ako: Grabe ka naman magsalita, oo mahirap lang ako pero marunong akong rumespeto

Sya: Dapat lang naman talaga ng i respeto mo ko dahil mas nakakataas ako sayo and besides charity case ka lang naman ni mom kaya ka nakapasok dito kung wala si mommy hindi ka makakapag aral dito.

Ako: Chelsea ayoko ng gulo, humingi na nga ako ng pasensya diba? Hindi ko naman sinasadya na nasa gilid na nga ako pero nabangga ko pa kayo yun ang nakakapag taka e ang lawak lawak ng daan pero dito kayo sa gilid nag susumiksik sa pag daan.

Sya: Ayyy bakit? Sayo ba tong daanan? Wala namang pangalan mo e.

Ako: Alam mo Chelsea kesa sa makipag talo ka saken basahin muna lang yung hand book ng school para maiaapply mo sa sarili mo yung Good manners

Sabayakad ko palayo sa kanila tsss sumasabay pa akala ko mabait yang Chelsea na yan, may nabangga nanaman ako ano ba yan.

Sya: Wala kabang mata?

Ako: Sorry hindi ko sinasadya

Sya:KC?

Tumingala naman ako para makita sya.

Ako: Daniel sorry hindi ko sinasadya

Sya: Sus, kunyare kapa e ang sabihin mo talagang binangga mo lang ako para mapansin kita.

Aba ang kapal naman nitong lalaki na to.

Ako: Hoy ang kapal ng mukha mo bat ko naman gagawin yun Aber?

Sya: Because you like me

Ako: Lakas din ng apog mo no😏 Kahit ikaw na lang ang nagiisang lalaki dito sa mundo hinding hindi kita magugustuhan.

Sya: Talaga lang ha, wag ka magsalita ng tapos baka kainin mo yan pag dating ng araw.

Ako: Grrrrr asa ka.

Sabay walk out bwiset ang panget ng araw ko ngayon akala mo mga kung sino ang sasarap nilang sakalin.

Janah: Pst bes lagpas kana sa room natin.

Hindi ko napansin na lumagpas na pala ako sa room namen e nakakain is naman kase e dumadagdag pa sa mga iniisip ko yung dalawang yun😪

Janah: Ano ba problema mo at kanina kapa naka busangot jan?

Ako: Wala, iniisip ko lang kung nasan na kaya yung kwintas ko.

Janah: Alam mo girl hindi mo talaga makikita yung kwintas mo kung iisupin mo lang kung nasan yun bat hindi mo kaya hanap in para makita mo.

Ako: E hindi ko nga alam kung saan ko hahanapin e kung saan ako maguumpisa, hindi nga ako naka tulog ng maayos kagabe dahil sa kakaisip kung saan ko hahanapin yung kwintas ko.

Hanggang Kailan Kita MamahalinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon