"Tita, faster!" Reklamo ni Ixa, hinila-hila niya laylayan ng shirt ko. "You're so tagal!" She crossed her arms and pouted.
Ang hirap naman maging yaya! Minsan na nga lang ako umuwi tapos mauutusan pa. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero eto kasing bulilit na 'to mas malala pa sa nanay niya kung makapagmadali.
"Wait for tita downstairs." Naglalagay pa akong mascara.
"Tagal tagal." She pouted again at nagmartsa palabas ng kwarto.
That 4-year-old really gets on my nerves sometimes, ang suplada masyado! Buti na nga lang at cute siya, malambing naman minsan pero kapag may kailangan lang.
Engr. Velasco: San ka na?
Alyxa: Paalis, maghintay ka kasi.
Engr. Velasco: Sige boss, sungit mo na naman.
Nilagay ko na ang phone sa bag ko at nagsuot ng sapatos. Nakashirt lang ako at pants, may appointment lang naman si Ixa sa doctor, magpapacheck up lang.
Ako ang sasama sa kanya kasi parehong may trabaho parents niya, hindi naman siya pwedeng samahan ng katulong kaya ako na lang.
"Let's go." Hinanap ko siya sa sala, andon siya sa sofa, masyado pang mataas sa kanya kaya hindi niya abot ang sahig, she hopped off pero nakapout pa rin. "Sorry na, we'll buy ice cream later, okay?"
Her eyes lit up, "Okay!"
Paglabas namin ng gate, andoon na ang sasakyan ni Zeke, umupo ako sa shotgun pagkatapos lagyan ng seatbelt si Ixa sa likod.
"Hi Tito Zeke!" Nagfist bump sila.
"Kanina ka pa?" Tanong ko.
"Medyo, tagal mo."
"Oo nga so tagal!" Sagot ni Ixa sa likod, "She was wearing make up pa. Hmp."
Tumawa si Zeke, "Ano ba yan sinong pinapagandahan mo?"
"Shut up. Magdrive ka na."
"Okay, sungit."
"San si Nicole?"
"I don't know, ikaw ang bestfriend diba?"
I shot him a look at hindi na sumagot, wala naman akong maayos na sagot na makukuha sa kanya.
Nagscroll scroll lang ako sa ig feed ko, sa stories, sa pinaka last, may faded out na circle. I muted his account years ago, pipundutin ko sana kaso I stopped myself. Ilang taon ko nang ginagawa yan.
"Tito, buhat." Ixa raised her arms pagbaba naming sasakyan. Agad naman siyang binuhat ni Zeke. Napakaspoiled na bata.
Nauna akong maglakad sa kanila dahil hinahanap ko pa clinic ng pedia niya.
"Isa!" Pagbabanta ko kay Zeke, kanina niya pa tinatapakan likod ng sapatos ko.
He just laughed at me, nakakapikon as always.
"Pag ako madapa." Tiningnan ko pa siyang masama.
"Edi mabuti." Ngumiti siya kay Ixa, naaaliw din ang batang nagsasagutan kami.

BINABASA MO ANG
The Free Fall
Teen FictionAlyxa never wanted to be in the middle of anything. But when Chase arrived and Zeke came back, she wasn't given a choice. It wasn't a game, yet she was something they played for.