Kabanata 2
Tiyahin
MASAYA akong umuwi sa inuupahan naming bahay. Maliit lang ito, pandalawahang palapag at masasabi kong komportble na kami ni Nanay dito.
Sa ikalawang palapag ay ang dalawang silid, kay Nanay at sa akin na may kaniya-kaniyang banyo. Sa unang palapag naman ay ang sala, hapagkainan, kusina at banyo rin sa tabi ng kusina.
Naabutan ko si Nanay na naghahanda sa mga pagkain na aming pagsasaluhan mamaya.
Kahapon ng lumabas ang resulta ng board exam ay naiyak si Nanay. Jennica informed me through call na lumabas na raw ang resulta. Hindi ko sinadyang na-loud speaker iyong tawag niya kaya narinig rin ni Nanay ang malakas niyang boses sa kabilang linya.
"Totoo ba iyan? Baka scam na naman iyan? Tulad nung isang linggo na napabalitang may resulta na! Iyon pala joke lang para kabahan na iyong mga nag take ng exam?!" paninigurado ko noong araw na iyon. Baka kasi matulad na naman ito noong isang linggo na para akong aatakihin sa puso sa sobrang kaba.
"Totoo nga Bespreen! Heto na nga ako ngayon ohh! Nag-i-scroll para makita kung sino ba ang mga pumasa. Bakit ba kasi ang hina ng PLDT ngayon? Panay loading at ikot-ikot lang nitong sh*t na loading na ito. Hinahanap ko kasi iyong apelyido mo! Nasa Letrang "K" na ako!"
Kinabahan ako nung mga sandaling iyon ng sabihin niya iyon sa akin.
Napamura pa ako.
Totoo nga na lumabas na ang resulta.
"Ito na! Ito na! Nasa lettet "L" na ako ng mga surnames," bulalas ni Jennica sa kabilang linya.
Mas lalo akong kinabahan dahil doon. Pinagpawisan pa ako nun. Hindi ko na napansin si Nanay sa likod ko.
"Labrada... Labrado... Labrador... Lac-" Pinutol ko na ang tawag. Mahihimatay na ako nung mga sandaling iyon.
Sh*t talaga!
Nilingon ko pa si Nanay. Umiiyak siya.
"Nay?! Lumabas na raw po ang resulta," kinakabahan kong sabi. Nanglalamig ang mga kamay ko sa mga oras na iyon.
Niyakap ako ni Nanay na wari ko ay pumasa na talaga ako.
Kaya ang ginawa ko ay iniwan ko si Nanay na umiiyak parin at dali-dali akong pumunta sa may pinakamalapit na pesonet. At sa kamalas-malasan, wala akong dalang barya kaya humiram muna ako ng limang piso kay aling Matilda na siyang may-ari ng Pesonet.
Totoo nga ang sinabi ni Jennica, lumabas na ang resulta. At totoo rin ang sinabi niya!
Sh*t talaga!
Paikot-ikot at naglo-loading ang server. Mahina talaga ang internet connection noong araw na iyon.
Nang ma-confirm ko na pumasa ako ay nagtatatalon ako sa tuwa at niyakap si aling Matilda na nagtataka kung ano ang nangyari sa akin. Sinabihan ko siya kung bakit at siya naman ay ginantihan ako ng yakap at nagtatakbo ako papuntang bahay pagkatapos at masaya kong binalita kay Nanay ang pagkakapasa ko sa Board Exam.
Naalala ko pa na panay ang tunog ng cellphone ko. Lahat ay mga mensahe ng pagbati ng aking mga kaklase at clinical instructors, maging si Jennica at John ay may mensahe rin. Ang pinakahuling mensahe na nabasa ko ay sa aming Dean na si Mrs. Maribeles na sinasabing ang lahat ng mga pumasa ay iniimbitahan sa gaganapin na thanksgiving party bukas sa Nursing Department ng Lansher's University.
BINABASA MO ANG
FATHER'S LOVE (COMPLETED)
RomanceF. o. r. b. i. d. d. e. n. SINFUL LOVE 1 Terrence Elishua Reiko Lansher BLURB Paano mo ipaglalaban ang isang pag-ibig na bawal sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos? Mula ng siya ay magkaisip ay hinihiling na ni Sharice na sana ay buo ang kanilang...