KABANATA 17: EX-BESTFRIEND

2.7K 50 8
                                    

Kabanata 17

Ex-bestfriend

NANDITO ako ngayon kasama si Jennica dito sa may maliit na restaurant, ang Diners' Choice and Barbecue Hauz. Dito kami malimit na tumatambay na magkakaibigan para mag review ng aming mga aralin. Pero siyempre, nag-oorder rin kami. Nakakahiya kayang sitahin ng mga waiters at waitress kung mag-oorder kaba or hindi. Maraming beses ko nang na-experience iyon. Sa huli ay tumatayo nalang ako sabay ngiti sa mga ito at lakad ng walang lingon-lingon

"Kumusta na? Ang tagal natin hindi nagkita ahh? Almost two decades din," sabay ngisi niya sa akin.

Nginitian ko nalang siya. Nandito lang naman ako kasi namimiss ko ang lukaret na ito. Kami lang dalawa ngayon dahil iyong iba ay naging abala sa pag-aasikaso ng mga documents nila para makapag apply na. Ewan ko sa tatlong lalaki kung seryoso ba talaga sila sa mga plano nilang mag trabaho hindi bilang nurse.

Napapailing nalang ako sa mga pumapasok sa kukute nila. Pero sabagay, wala namang mawawala kung itutuloy nila iyong mga balak nila. Magagamit naman siguro nila ang pagiging nurse nila nevertheless. Tinagurian pa naman silang mga HUNK NURSES ng Lansher's University.

I sighed again.

"Nakakailang buntong hininga ka na ba? Anong meron Besh?" Na-curious tuloy siya. I shrugged my shoulders.

"Hindi ko alam, Besh. Na-miss lang siguro kita?" patanong pa iyon kaya napaismid siya.

"Ewan ko sa iyo."

Sa totoo lang ay ayaw kong sabihin kay Jennica ang mga ganap ng buhay ko lately. Natatakot kasi ako na baka mag-iba ang paningin niya sa akin, ngayon pa na alam na ng lahat ng mga nakakakilala sa amin na nililigawan ako ng kaniyang Kuya. Ayaw kong magalit siya sa akin. Batid ko pa naman na gusto niya ako para sa Doc niyo.

Speaking of John, lampas 2 weeks na siyang nanliligaw sa akin. Pero hindi ko na alam ang dapat kung maramdaman. His kisses still linger in my mind but madali lang iyong mawala sa isip ko at napapalitan ng ibang halik.

Hindi talaga mawala sa isip ko iyong halik ng demonyo na iyon. Kaya ako naiinis. Kaya nga ng tinanong niya ako kaninang "How's my Lips?" ay sinagot ko siyang naghalikan na naman kami ni John for the third time. Pero hindi iyon totoo. Gusto ko lang inisin siya which is I don't know why I did that. Kung tutuusin ay puwede ko naman siyang i-ignore.

"Lalim naman ng iniisip mo? Ano ba talagang meron?" nababagha na talaga si Jennica sa katahimikan ko.

"I'm not sure, Besh," pag-uumpisa ko. Im not sure kung papasok naba ako sa first day of Job ko bukas. Gusto ko sana iyung sabihin kaso pinigilan ko ang aking sarili.

"Of what?" takang tanong niya.

"I'm not sure kong dapat pabang ipagpatuloy ni John ang panliligaw sa akin?" I confusedly asked her. Medyo tumamlay ang pagkakatitig niya sa akin pero patuloy lamang siya sa pakikinig.

"Hindi pa kasi talaga ako handa magka boyfriend."

Dahil may demonyong gumugulo sa aking isipan.

She sighed.

"Hindi naman hinihingi ni Kuya na agad-agad sagutin mo siya diba?" Tumango naman ako sa kaniya. "Kuya John has waited for this time para mapahayag niya sa iyo ang nararamdaman niya. And I am really happy for him. Really! To tell you honestly, matagal ko na talagang alam at pinu-push ko siya na ligawan kana niya pero ayaw niya talagang maka istorbo sa pag-aaral mo before kaya, he waited. He waited for this right time and I know he can wait a bit more para makuha niya lang talaga ang sagot mo Besh," pagpapatuloy niya pa sa pag-explain.

Mataman lang akong nakikinig.

"I'm not putting pressure on you, Besh. I'm really rooting for the two of you but..." she didn't finish her sentence. I've waited for what she will going to say.

FATHER'S LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon