Kabanata 1
Sa tamang panahon
"CONGRATULATIONS!"
Sunod-sunod ang mga bumabati sa akin. Iyong iba ay kinakamayan pa ako. Sa wakas ay isa na akong lisinsyadong nurse. Nakamit ko narin ang pinapangarap kong propesyon at alam ko na simula palang ito sa pagtupad ko pa sa mga plano ko sa hinaharap gamit ang aking natapos na degree.
Malaki rin ang maitutulong ng pagkakapasok ko sa listahan ng mga top notchers dahil ako ay nabibilang sa top five ng mga umabot sa listahan ng top tens.
Nurse ang kinuha kong kurso at naigapang ko ang apat na taon sa propesyong ito bunga narin ng aking pagsusumikap at pagtatrabaho bilang part-time sa isang sikat na fast food chain. Nakatulong rin na consistent akong dean's lister at honor student bawat taon sapagkat nakakakuha ako ng mga scholarship grants at discounts sa mga binabayaran kong tuition fee bawat semester.
Kung inyong tatanungin kung bakit ito ang napili kong propesyon, ito ay sa kadahilanang gusto kong mag abroad.
Sabi nga nila, malaki ang sasahurin ng isang nurse kapag sa ibang bansa ka magtatrabaho. Totoo naman diba? Wala kang mapapala sa kakarampot na sahod ng mga nurses dito sa ating bansa kaya naniniwala ako doon.
Pagkatapos ng kamayan ng mga pumasa ko ring mga kaklase at pagbati mula sa mga kakilala at mga clinical instructors namin ay sinalubong ako ng aking matalik na kaibigan.
"Congratulechons, Bespreen!" maingay at kwelang bati sa akin ni Jennica. Kahit kailan talaga ay puro kalokohan ang isang ito.
Niyakap niya ako ng mahigpit at akin naman itong tinugunan din ng isang mahigpit na yakap.
Kumalas ako dahil para na akong kinakapusan ng hininga dahil sa higpit parin ng kaniyang yakap.
"Lechon-lechon ka diyan! Kahit kailan ka talaga, puro ka kalokohan!" tugon ko sabay sinapak ko siya ng mahina sa kanyang kaliwang braso. Iyong tipong maalog naman kahit kaunti iyong umaalog na niyang utak.
Natawa naman ang mga nakasaksi sa pagsapak kong iyon sa kaniya. Nasa labas na kami ng Nursing Department sa mga oras na ito.
"Aray ko ahh! Pasalamat ka at mahal kita. Naku! Makikita mo." Niyakap niya uli ako matapos niyang sabihin iyon.
Malaki ang pasasalamat ko sa kaibigan kong ito. Siya ang karamay ko habang nagsusunog kami ng kilay sa apat na taong kursong kinuha namin. Naunang pumasa si Jennica sa akin sa board exam noong nakarang anim na buwan pagkatapos naming maka graduate. Palibhasa ay matalino rin at may kaya sa buhay kaya nakapag review agad pagkatapos ng graduation at pumasa sa unang sabak niya sa board exam. Sa kaniya ko hiniram ang mga notes at reviewer noong mga panahong nag re-review pa siya sa isang tanyag na review center dito sa Monte Verde at sa buong Pilipinas, at iyon ang ginamit ko sa pag se-self review.
Nag se-self review lang ako dahil hindi ko ma-afford iyong babayarang tuition fee sa mga review center. Hindi sa pagmamayabang pero alam ko naman na may maibubuga ako pagdating sa board exam kahit hindi ako nag affiliate ng review center. Forte ko kasi talaga ang nursing at graduate din kasi ako ng Magna Cumlaude sa Lansher's University, ang nangungunang university dito sa Monte Verde kung saan ako nakapagtapos. Kung Hindi niyo naitatanong, si Jennica ang Suma Cumlaude.
Nagbunga ang isang taon kong pag se-self review at ito na nga, isa na akong ganap na Registered Nurse.
SHARICE MERRY ACOSTA LACSAMANA, RN.
Ika nga nila.
Habang naglalakad kami papuntang open field at sa kalagitnaan ng aking pagbabalik-tanaw ay may malaking kamay na tumakip sa mga mata ko. Kahit hindi ko nakikita ay alam ko na kung sino ang nagmamay-ari noon.
BINABASA MO ANG
FATHER'S LOVE (COMPLETED)
RomanceF. o. r. b. i. d. d. e. n. SINFUL LOVE 1 Terrence Elishua Reiko Lansher BLURB Paano mo ipaglalaban ang isang pag-ibig na bawal sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos? Mula ng siya ay magkaisip ay hinihiling na ni Sharice na sana ay buo ang kanilang...