Kabanata 3
Lansher
"SHARMELL? Kumusta kana? Te-teka lang! Hindi mo ba ako iimbithan sa loob?" nagtatakang tanong ng aking tiyahin.
Ako naman ay napakurap-kurap. Pati boses niya ay kapareho ng kay Nanay.
Para namang nakabalik sa kaniyang wisyo si Nanay matapos ng kaniyang pagkatulala sa harapan ng aking tiyahin.
"Pasensya ka na, Ate! Pumasok ka muna. Pasensya na talaga. Hindi ko inaasahan na nandito ka ngayon," tila kinakabahan paring sabi ni Nanay. Halata iyon sa panginginig ng kaniyang mga kamay. Hindi ko maitago ang pagtataka.
"Ikaw naman, Sharmell. Para mo na akong kinalimutan niyan! Nakakasama ka naman ng loob!" pabirong turan ng aking tiyahin sabay lingon sa aking gawi.
Kinabahan naman ako. Bakit parang iba ang ekspresyong pinapakita ng kaniyang mga mata habang ako ay tinitigan?
"Ito naba si Sharice? Ang aking pa-pamangkin?" ang kaniyang tanong sabay haplos sa aking pisngi. Hindi rin maitago roon ang panginginig ng kaniyang mga daliri habang hinahaplos ang aking pisngi, o guni-guni ko lamang ba iyon?
Sinulyapan ko naman si Nanay na bahagyang napayuko ng sandali pero nakabawi rin at matamis na ngumiti sa akin at kay Tiya.
"Oo, Ate! Siya si Sharice. Ang iyong pamangkin," buo na ang pagsasalita ni Nanay ngayon na siyang ikinapagtaka ko.
Nilingon ko uli ang aking tiyahin.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala, Tiya. Ako nga po pala si Sharice Merry." Kahit na kinakabahan ay niyakap ko siya.
Normal lang naman iyon na gawain lalong-lalo na sa iyong kapamilya na ngayon lang natin nakilala.
Niyakap rin ako ni Tiya at pagkatapos siya na ang unang bumitaw sa yakap ko. Napansin ko rin ang ipinapakita niyang ekspresyon sa kaniyang mga mata. Iyon ba ay parang nangungulila? Kung kanino man ay hindi ko alam kung sino.
"Napakalaki muna! Dalagang-dalaga kana. Huli kitang nasilayan ay noong isilang ka nitong Nanay mo 25 years na ang nakakaraan. Pasensya ka na anak hindi ko nasubaybayan ang paglaki mo," maluha-luha niyang tugon at hinaplos na naman ang aking pisngi.
Bakit kinakabahan ako?
Hindi ko mawari sa kung ano mang dahilan. Nginitian ko nalang si Tiya Shanine at ipinagsawalang bahala iyon.
"Ok lang po iyon, Tiya. Tamang-tama po ang dating ninyo. May simpleng salo-salo kami ngayon. Thanks giving po sa pagkakapasa ko sa Nursing Board Exam," masaya kung tugon sa kaniya para maitago ang kabang aking nararamdaman.
Namilog naman ang kaniyang mga mata.
"Talaga! Congratulations, anak! Masaya ako para sa iyo. I'm so proud of you," sinsero niyang wika sa akin. Unti-unti ng naglaho ang pagkailang na namayani kani-kanina lang.
Nilingon ko si Nanay at hindi nakaligtas sa akin ang pasimple niyang pagpahid sa luhang tumulo sa kaniyang kaliwang mata. Siguro ay masaya siya sa mga nagaganap.
Napangiti ako.
Tuluyan na kaming pumasok sa loob nang hapagkainan. Inalalayan ko si Tiya gayundin naman si Nanay. Nadatnan namin sa hapagkainan sina Aling Matilda at Lennie na masayang nag-uusap. Napalingon sila sa gawi namin ng tumikhim ako. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Aling Matilda.
"Sha-Shanine?! Ikaw ba iyan?" gulat na tanong ni Aling Matilda. Kilala pala niya ang aking tiyahin? Ngayon ko lang nalaman iyon.
Ngumiti naman ng malapad si tiya Shanine at masayang niyakap si aling Matilda na hanggang ngayon ay tulala parin. Napalingon siya kay Nanay na tipid lang na ngumiti.
BINABASA MO ANG
FATHER'S LOVE (COMPLETED)
RomanceF. o. r. b. i. d. d. e. n. SINFUL LOVE 1 Terrence Elishua Reiko Lansher BLURB Paano mo ipaglalaban ang isang pag-ibig na bawal sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos? Mula ng siya ay magkaisip ay hinihiling na ni Sharice na sana ay buo ang kanilang...