Simula
Sana
HABANG pinagmamasdan ko ang bawat isang buong pamilyang masayang naghaharutan, nagkukuwentuhan at nagba-bonding dito sa Virgin Forest Park ay hindi ko maiiwasang malungkot at magtanong sa aking sarili.
Ganito rin ba sana kami kasaya ni nanay Sharmell kung kasama namin si Tatay?
Ano kaya ang pakiramdam na meron kang isang ama, na gagabay rin sa iyo at magmamahal? Iyong ituturing kang isang prinsesa at ibibigay sa iyo ang lahat para lamang maging masaya ka?
Malungkot kong tinitingnan ang isang batang babae na kaedaran ko, na inabutan ng kaniyang ama ng sorbetes na nasa apa, at bigla akong napaiyak. Naiinggit ako sa bata. Dahil siya ay may ama samantalang ako ay wala.
"Salamat po, Daddy! This is my favorite po!" Rinig kong sabi ng batang babae bago nito nilantakan ang sorbetes na bigay sa kaniya ng kaniyang Daddy.
"Anything for my princess!" sabi naman ng Daddy nito bago ito lumuhod at hinalikan sa pisngi ang batang babae saka ito kinarga para lumapit ulit sa puwesto nila ng kanilang pamilya kung saan sila nagpipiknik.
Masaya ang kanilang pamilya. Kahit malayo ako sa kanilang puwesto ay kita ko kung gaano kasigla ang bawat isa sa kanila. Maybe, ito ang tinatawag nila na family time? Family bonding? Linggo ngayon at iyon ang kadalasang araw kung saan buo at nagkakasama bawat pamilya.
Pero iba sa sitwasyon ko.
Dahil mag-isa lang ako ngayon.
I am ten years old now at alam ko sa aking sarili na may kulang sa akin. May kulang sa aming pamilya. May kulang sa aking buong pagkatao. At iyon ay ang pagkakaroon ng isang ama.
Ilang ulit kong tinatanong at kinukulit si nanay Sharmell pero parati nalang niyang iniiwasang mabuksan ang bagay na iyon. Ayaw na ayaw niya na pinag-uusapan namin ang tungkol kay Tatay. Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan ni Nanay. Parati nalang niyang sinasabi na makikilala ko rin si Tatay sa takdang panahon.
Hindi paraw ito ang oras dahil komplikado ang sitwasyon.
Bilang isang masunuring anak ay nirespeto ko nalang ang kagustuhan ni nanay Sharmell. Ayaw ko siyang magalit sa akin. Ayaw kong lumaki ako na malayo ang loob sa aking ina. Wala na nga akong ama, lalayo pa ang loob ko sa kaniya dahil lamang sa aking hiling na makilala ko si Tatay.
Masakit man iyon sa akin pero akin nalang iyong kinimkim. Dinadala ang bigat sa aking sarili sa bawat araw na iniisip ko na sana ay kumpleto rin ang aming pamilya.
Para hindi na ako masyado pang malungkot at mainggit sa aking mga nakikita ay nilisan ko na ang parke. Dala ang aking bag pack at bitbit ang aking mga libro ay umalis na ako sa lugar na iyon.
Masakit man sa loob ko na nakikita ko sila na buo ang kanilang pamilya pero sa kaloob-looban ko ay masaya ako sa bawat batang alam ko na may buo at masayang pamilya.
Magsisimba nalang ako at magtitirik ng limang kandila. Ginawa ko na itong panata mula paman noong ako ay tumuntong sa Grade 1. Taon-taon ko itong ginagawa sa araw bago ang aking kaarawan pagka kinabukasan. Hinihiling sa ating maykapal na sana ay bigla nalang susulpot si Tatay sa aking kaarawan matapos kong hipan ang kandila ng aking birthday cake.
At babatiin ako ng, "Happy Birthday anak!"
Sana naman bukas ay tuparin na ni God ang aking hiling.
Sana!
**********
TODAY is my 16th birthday.
Masaya ako kahit papaano pero alam ko na may kulang parin. Ilang taon na ang nagdaan pero ganoon parin.
BINABASA MO ANG
FATHER'S LOVE (COMPLETED)
RomansaF. o. r. b. i. d. d. e. n. SINFUL LOVE 1 Terrence Elishua Reiko Lansher BLURB Paano mo ipaglalaban ang isang pag-ibig na bawal sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos? Mula ng siya ay magkaisip ay hinihiling na ni Sharice na sana ay buo ang kanilang...