Kabanata 13
The Interview
KASALUKUYAN akong nakaupo dito sa waiting area. Kumpleto na kaming mga top notchers para sa interview na gaganapin ngayong araw para sa Private Nurse position na gustong mangyari ng bagong may-ari ng Lansher's University at Lansher's Group of Company. Lahat kami ay naka unipormeng pang oath taking na hapit sa aming mga katawan. Pero hindi kami nag suot ng cap. Bawal kasi iyon. Sa loob lang ng hospital o di kaya ay during duty hours o kung meron mang mga special na pagtitipon isinusuot ang mga caps.
I sighed.
Hindi ko naman talaga gusto ang maging isang private nurse dahil feeling ko hindi ko ma i-explore ang ang aking skills. Mas gugustuhin ko pa ang magtrabaho sa isang hospital para mas mahahasa pa ang aking mga nalalaman.
Kaya lang ay wala naman akong magagawa dahil ito ay mandatory. Hindi ko makukuha ang gusto kong mangyari lalo na ang makapag abroad kung hindi ako dadaan dito. Kung tutuusin, puwede ko namang iwan lang ang chance na ito at magtrabaho outside Lansher's kaya lang ay alam kong mahihirapan ako. Makapasok man ako sa ibang hospital ay alam kong kakarampot lang ang sasahurin ko. That's the reality of life. Welcome to the Nurses' world.
Natawa nga ako ng maalala ko ang pinag-usapan naming magkakaibigan noong nag thanks giving sa bahay.
Paano ba naman kasi iyong mga lalaki, wala palang balak magtrabaho sa hospital or i-practice ang kanilang profession. Or kung magtatrabaho man sila sa isang hospital ay panandalian lamang.
Experience kung baga.
Flashback
"Ako, magtatrabaho ako sa Lansher's Medical City pero wala akong planong magtagal doon. Mag-aaply ako sa Bureau of Fire Protection. Magagamit ko parin naman siguro ang skills ko dahil gusto kung ma-assign sa Emergecy Response Unit nila," bungad sa amin ni Sheldon ng mapunta sa aming mga future plans ang aming usapan.
Napakunot-noo naman ako pero patuloy lang akong nakikining.
"Ako naman, papasok ako sa PNP. Pangarap ko na noon paman ang maging isang pulis kaso ang gusto talaga ni Mommy ay maging nurse ako. Na-enjoy ko naman ang journey natin sa pagiging estudyante at marami akong natutunan na alam ko na kahit papaano ay magagamit ko pa rin kaya lang, I can't see my life being a nurse forever," segunda naman ni Spencer.
"Pero ako, from all nursing fields, gusto kong maging isang Military Nurse," Si Shane na tila mo nag-iisip dahil nakalagay pa sa ilalim ng kaniyang baba ang mga daliri sa kaliwang kamay habang ginagalaw-galaw ito.
Lalo akong napakunot sa aking noo.
"Wala lang, gusto ko lang ma-try magsuot ng unipormeng pang sundalo. Hahahahaha," pagpapatuloy pa niya.
BINABASA MO ANG
FATHER'S LOVE (COMPLETED)
RomanceF. o. r. b. i. d. d. e. n. SINFUL LOVE 1 Terrence Elishua Reiko Lansher BLURB Paano mo ipaglalaban ang isang pag-ibig na bawal sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos? Mula ng siya ay magkaisip ay hinihiling na ni Sharice na sana ay buo ang kanilang...